Cold Air

128 6 2
                                    

May nangyari saking hindi ko inaasahang mangyari. Isang bagay na hindi ko alam na posible pala. Isang pagkakataong di ko namalayang kaya palang ibigay ng tadhana sakin. Ang gulo. Para sakin ang gulo gulo ng lahat. Ewan ko.

Basta ang alam ko lang.. May isang tanong ang biglang nagliwanag sa utak ko magmula nang makilala ko sya.. Na hindi lahat ng nakikita ng mga mata ng tao ay kaya nyang ipaliwanag. Hindi lahat.

High school ako nun nung nakilala ko sya. Yung babaeng yun. Yung nasa UB. Na palaging naghahagis ng mga bato sa tubig sabay tatawa kapag gumalaw ito. Yung babaeng bungisngis. Yung makulit na yun.

Tuwing hapon, bago ako umuwi sa bahay, palagi akong dumadaan sa UB (Upper block) ng school malapit sa dagat para tumambay saglit at magpahangin. Palagi akong tumititig sa kulay dilaw na araw. Tuwang tuwa sa panonood ng paglubog nito.

Hanggang isang araw, may babaeng umupo sa tabi ko sa ilalim ng puno. Nakipagkwentuhan sya sakin at nakipagkaibigan. Ayaw ko sana syang pansinin dahil hindi ko sya kilala pero ang lakas ng hatak nya sakin. Tumagal ang pagkukwentuhan namin nun hanggang mag gabi. Nagpaalam ako sa kanya bago umuwi. Saka ko sya tinanong.

"Anong pangalan mo?"

"Kay. Kay ang pangalan ko. Uy, balik ka dito bukas ha?"

Sabi nya. Ngumiti ako saka umalis. Bagong kaibigan. Yun. Yun yung nasa isip ko nung gabing yon. At ano nga ulit pangalan nya? Kay? Ang ganda. Kasing ganda nya.

Hindi ko maitatanggi. Oo, sa unang pagkikita namin na yun, naging crush ko na sya. Aminin nyo man o hindi, kapag talaga high school ka, magnet ka ng mga ganyan. Hindi mo kayang iwasan.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan. Naging normal nalang sakin ang pagpunta sa UB kada hapon para makipagkita kay Kay. Palagi kasi syang nandun. Hindi ko alam kung bakit kahit anong aga ko sa pagpunta, palaging sya parin ang nauuna sa Upper Block. Tinanong ko sya minsan kung hindi ba sya pumapasok sa klase nya o baka nagka-cut sya ng class pero ang tangi nya lang sinabi ay,

"Wag kang mag-alala. Wala naman na silang pakialam eh." Saka sya ngumiti at kumuha ng bato para ihagis ulit sa tubig.

Gawain naming dalawa yun ni Kay tuwing tatambay ako dito. Maghahagis ng maliliit na bato sa tubig para gumalaw ito. Nagtataka rin ako kung bakit nya ito ginagawa kaya tinanong ko nanaman sya.

"Natutuwa kasi ako na nahahawakan ko ang mga bato."

"Lahat naman ng tao nahahawakan 'tong mga bato ah."

"Kaya nga.."

Sagot nya. Hindi nalang ako kumibo nun kahit naging palaisipan sakin yung sagot nya. Ang labo kasi. Kahit kayo nalabuan din, diba?

Minsan naman ay napaaga ang pagkikita namin. Kung dati lumubog na ang araw bago ako dumating—dahil sa dami ng school activities, noon naman ay papalubog palang ito. Nasaktuhan namin yun ni Kay kaya niyaya ko syang maupo muna saglit sa duyan sa harap ng kubo para masilayan ang sunset.

Sa kanya ko nalaman nun na kapag daw nanood ka ng pagtatago ng araw sa hapon, pwede kang humiling ng kahit ano at matutupad ito. Hindi ko yun ginawa kasi para sakin isa yung malaking kabaduyan. Natawa pa nga ako sa ginawa nya na nagdikit pa ng mga palad at pumikit bago mag-wish. Sinubukan kong tanungin kung ano yung hiniling nya pero nabigo ako. Ayaw nyang sabihin.

Tumagal ang pagkakaibigan namin. Mas naging close kami sa isa't isa. Kapag may problema ako, sinasabi ko sa kanya. Sya naman, pinapagaan ang loob ko. Kapag inaaya ako ng barkada ko na mag-dota o maglakwatsa, umaayaw ako. Dahil kay Kay.

Ayoko aminin pero, sa tingin ko habang tumatagal, lalong lumalalim yung pagkaka-crush ko sa babaeng yun. Na umabot sa puntong nabubwisit ako sa teacher na ang bagal bagal magturo kapag hapon bago ang uwian. Na sobrang atat akong makita sya palagi. Na tuwang tuwa ako kapag bumubungisngis sya. Na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya. Sa tingin ko, hindi ko nalang sya basta crush. Gusto ko na sya.. Unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon