Episode 1: Pandesal

129 1 0
                                    

"GoodMorning!! World!! GoodMorning Papey!" Sigaw ko habang nag iinat .

"Aww Aww Aww" sabi ni Papey.

"Sayang sana marunong ako ng lengwaheng aso"sabi ko. Sana merong book na ganun sa National Bookstore para nakakausap ko si Papey kaso muka naman akong ewan dun Hayys. Wag na nga.

"Aww aww aww"tahol nanaman nya .

"Ohh? Bakit? Sya nga pala papey may pasok na ko sa bago kong school papaalagaan muna kita kay mama Ha?" Hayys pasukan na nga pala ngayon Sa IU International University for short. BTW mag papakilala muna ko sainyo :)

Ako nga pala si Xiena Bartolome 3rd year highschool nako,ayoko ng masyadong Kikay I mean yung masyadong makapal yung Make Up Hehehe. Simple lang ako sa buhay Oo dahil sa hindi nga kami mayaman sanay nako sa mga panlalait ng mga mayayaman pero eto lang ang masasabi ko sa kanila "Ang Buhay ko Parang Facebook Wala kang karapatang magcomment lalu na kung hindi kita FRIEND"Oh diba?! Bumabanat din ako paminsanminsan nakita ko lang kasi yan sa facebook eh. Kung nagtatanong kayo kung baket nakapasok ako pangmayamang eskwelahan  eh dahil narin yan sa katalinuhan ko Naka Scholar kasi ako. :) Tiga Baryo Santa Claus nga pala ko  nakakatawa nga ang lugar namen ewan ko ba sa may saltik naming kapitan ginagawang katatawanan ang lugar namen -_- 

"Xiena anak? Gising kanaba? "Sigaw mula sa pinto

"Opo Nay! Eto na po maliligo na po ako"sigaw ko.

"Osige nandito na sa Lamesa yung pagkain mo"teka? Mukang alam ko na pagkain ko . Amoy Pandesal At itlog .takte iyon nanaman?? Iyon na yung kinain ko kahapon ah?? Nakakainis naman kasi yung panaderia dito sa kabila eh, Yung pandesal Minsan kasing tigas ng Muka ng tindera eh. Nakakairita yung muka nung chismosang tindera na yun eh -.- Osya maliligo muna ko..

After Few Minutes...
"Aww Aww Aww" tahol ni Papey

"Naku nagugutom ka na ba?? Sige tara bumaba na tayo"sabi ko habang karga karga si Papey pumunta nako sa kusina at umupo sa may upuan ng Lamesa.

O_o →ako. Watdahil PANDESAL NANAMAN? Suyang suya na ko dito

"Oh? Anak tapos kana palang maligo"sabi ni nanay

"nay! Papasok na po ako ,sa inyo ko po muna iiwan si Papey"sabi ko Habang  Kinakain yung makunat na pandesal nakakainis baka malock joe ako nito eh

"osige,magiingat ka ah?"sabi ni nanay habang hinihimas ang ulo ni Papey

"Opoooo"sabi ko

*Kinuha ko na yung Bag ko sa kwarto ko*

"Bye Nay!! Lab U"sigaw mula sa pinto. Hindi ko na narinig nagsalita si nanay kaya umalis na ko sumakay muna ko ng Tricycle  papuntang kanto sabay papara ng Jeep.

Sa Jeep.....
"Manong Bayad po! Isa Pong I.U"sabi ko.
"Estudyante?" Hayss. Wala bang commonsense si manong? NakaUniform ako .

"Opo"sabi ko. Kahit naman mabilis uminit ang ulo ko gumagalang parin ako sa mga matatanda... :)))

(-_- )\ → ako.   Grrr. Nakakainis nakakabuset yung katabi ko Pinapakain ata sakin yung buhok nya eh,Ibubuhol ko sa leeg nya yan kapag napuno ako!!!!

Yehey Malapit na ko sa I.U *0*

"Para po!!"
"Para Po!!!!"
"Manong Para po" sabi ko

"MANONG!!! Sabi ko PARA PO!!!" hindi nako nakatiis sumigaw na ko.

"ay Pasensya Ine"sabi ni manong

"sige po -_-" sabi  ko habang bumababa ng jeep -.-

Hayss. Nilakad ko pa ng kaunte ang aming eskwelahan dahil nga nalagpas ako . Unti unti ko ng nakikita ang kalakihan ng aming eskwelahan nakita ko ang mga iba pang estudyante  na nakasuot ng katulad kong damit siguro nga ay dito din sila sa IU nag aaral sa aking nakikita napaka laki ng aming eskwelahan muka ngang pang mayaman talaga sana naman ay walang mangyaring masama sakin hayys. Papasok na sana ko ng gate ng bigla akong hinarang ng guard.

"Miss I.D mo??" Tanung ng babaemg guard

"Uhm Nasa bag Ko" sabi ko

"Ganun na pala ngayon? Bag ang nag a-I.d Osya pumasok ka na"sabi nung babaeng kasabay ng kanyang asar na asar na muka.

Nakakairita yung babaeng guard na yun Amoy paa naman sya -_- Makapasok na nga sa room ko.

Nag lalakad ako sa hallway ng aksidenteng napatid ako at aksidenteng may napatid din sa paa ko ano ba yan napaka tanga mo talaga XIENA!! Nakakairita nakapatong sakin Yun~Omygad. Ang gwapo nya sheet Ang puti nya at singkit pa sana eto na yung destiny kooo. Oppss Ano bang pinagsasabe ko??? Diba dapat mag sorry ako??

"Uhm sorry ang engot kasi nung paa ko eh."sabi ko habang kinakamot yung ulo

"I understand pero sana mag ingat ka palage"sabi nya habang pinapag pag ang kanyang uniform..

"Uhm excuse me!! " sabi nung babae  na halatang nag mamadali .agad naman akong gumilid para sya ay padaanen

"Salamat ,Next time wag na kayo sa hallway mag ligawan ah" sabi nya habang tumatakbo papunta sa isang room.

"Uy~Teka Wait Hindi Kami~~~.." hayss. Hindi na sya lumingon.  Kakausapin ko pa dapat yumg lalake kaso Wla na sya sa likod ko sayang sana classmate ko sya... :))

Pinuntahan ko ang section na 3-Aristotle  . Isang diretso na lang pala ang lalakadin ko eh nandun na ko sa room ko . Teka?! Diba eto yung pinasukan nung babae kanina?? Kailangan ko syang kausapin tungkol dun sa nangyari kanina ...

Pagpasok ko lahat nakatingin sakin Teka?! May nagawa ba kong masama?  Omy. Nakakatakot sila baka kainin nila ko. Kaya pala nag mamadali kanina yung babae eh late na pala kame.

"Uhm sorry maam Im late"sabi ko na halatang takot na takot sa teacher ko.

"Okay lang dahil firstday nyo palang hahayaan ko muna yung mga late."sabi nung teacher naming babae..
Umupo ako sa may dulo .. Nag sasalita yung teacher namin  pero ang isip ko lumulutang . Nagugutom na ko hindi kasi ako kumain masyado ng pandesal . Pag tingin ko sa teacher ko  ang nakita ko ay isang fried chicken na nakasuot ng salamin .  Iniling iling ko aking ulo Lumulutang na nga ang isip ko. Pero nung umiling ako may isang gwapong nilalang ang pumasok sa aming room  isang gwapong lalake na mukang ambangobango  lalo akong nagutom nung lumapit sya sa teacher namin naging muka silang Fried Chicken At Pan~~ PANDESAL????  Nakakasuya na talaga ang pandesal.

Mahal Ko pero Mahal Nya Bestfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon