Chapter 2

62 5 16
                                    

Umaalingawngaw ang tawa ni Creia ngayon sa loob ng boutique ni Ate. Naglalaro na naman sila ng taya-tayaan kasama ang pinsang si Levi na dalawang taon ang tanda sa kanila.

Kahit pa ilang beses namin silang pinagbawalan na maghabulan sa loob ng store ay matigas talaga ang ulo ng tatlo. Ang sabi pa'y mag-iingat naman daw sila. At tama ngang nag-iingat sila at wala pang nasisira, sa ngayon.

"Hay naku, Cora. Ang bibilis lumaki ng mga anak natin, ano? Parang kailan lang e hindi pa sila marunong maglakad. Ngayon tumatakbo na, ang bilis pa." Ani ate habang nakatanaw sa mga anak namin.

I smiled to her. "Yeah, you're right. Ang bilis nga talaga."

"Sana lang 'wag dumating ang araw na kunin sila sa atin ng mga ama nilang duwag." Wika pa nito na dahilan para bigla akong mapatingin sa kanya.

"Please, ate. Stop saying that! Kinakabahan ako sa'yo e." Mahina ko itong hinampas sa braso niya.

Kunot-noo ako nitong tinignan.

"Why? Something wrong?"

Napabuntong hininga ako. Just like me, hindi rin pinanagutan si ate noong magbuntis ito. Well, hindi naman sa hindi siya pinanagutan. More like itinago niya ang anak niyang Levi sa ama nito. Boba din e!

"Si Eli, ate. Nandito siya ngayon sa Pilipinas." Nanlaki naman ang mata nito na parang hindi makapaniwala.

"W-what? How come I didn't know anything about that?"

"I didn't know too. Nalaman ko lang noong tinawagan ako ni Yaz kanina."

Napatayo naman si ate at napalakad ng pabalik-balik. Tangina? Ba't parang mas stressed pa siya kesa sa akin?

"Hey, ate. Will you please calm down? Parang mas nagpapanic ka pa kaysa sakin e." Pinaupo ko ito pabalik sa tabi ko.

"Paano ako hindi magpapanic eh baka kunin niya ang mga pamangkin ko that's why that so-called best friend of yours came back here in the Philippines." Dire-diretsong sabi nito. Pumiyok pa sa huling sinabi.

"Come on, ate. You know I won't let that happen." I assured her. Pagkatapos ko naman sabihin iyon ay naging kalmado naman din siya at binigyan ako ng ngiti.

I know how she feels. Ayaw lang niyang mawala ang mga anak ko sa akin. She saw how I almost lost my life while giving birth to my twins. She knew how hard my life was while raising the twins on my own.

Lahat ng nangyayari sa akin ay alam niya dahil hindi kami nagtatago ng sikreto sa isa't-isa. Kung meron man ay paniguradong merong katanggap-tanggap na rason iyon kung bakit hindi pwedeng sabihin.

Nakarinig kami ng malakas na kalabog kaya napatingin kami sa direksyon niyon. Nakita ko namang nakasalampak sa sahig ang anak kong si Creia at naiyk. Agad ko itong nilapitan at dinaluhan.

"Naku naman, anak. Sabi ko sayo mag-ingat ka e." Binuhat ko na ito habang siya naman ay isiniksik ang mukha sa leeg ko ng nag-iiyak parin. "Where's your brother?"

"Hindi ko po alam. Nagtatago po sila kasama si Kuya Levi." Sumisinghot-singhot pa nitong sabi.

Napansin ko namang parang may pares ng matang nakatingin sa amin kaya nilingon ko ito. Napasinghap ako ng mapagtanto kung sino iyon.

Holy sht! Bakit siya nandito? Hindi pa ako handa sa pagkikitang ito. Jusko naman po!

"Hi Cora! It's nice to see you again." Kaswal na bati nito sa akin.

Right in front of me is Elixir Orpheus Agapello. Ganoon padin siya manamit, halatang bakla. Iyon nga lang ay hindi na kagaya ng dati na sobrang makulay ang mga damit. Yung mga hairclips nalang ang naiwan dito. All in all, sa mata ko mukha padin siyang bakla.

"H-hi! It's good to see you here." Bati ko pabalik. Tangina! It's so not good to see you here, Eli.

Napatingin ito sa kay Creia na buhat-buhat ko.

"Is she your daughter?" Tumango ako.

"Nanay!" I heard Crane called me.

Oh please, anak! Don't come here.

Kung pwede ko lang sanang isaboses iyon ay nagawa ko na.

Nang makalapit ito sa akin ay agad itong  nagtago sa likod ko ng makitang may kausap akong hindi niya kilala.

"Nanay, who is he po?" Your father, anak. Tatay mo ang baklang yan.

"Uhm. He's a friend, anak. Bestfriend siya ni mommy dati." I told him.

"Hello po. I'm Crane Hephaestus Aranza. I'm five years old na po." Pagpapakilala nito sa sarili.

"Ako din po. I'm Creia Hellize Aranza. I'm five years old din gaya po ng kapatid ko. And I like unicorns." Sabat naman ni Creia na ngayon ay nakatingin na din kay Eli.

Napangiti ako. Hindi nila nakakalimutang ipakilala ang sarili kapag may mga tao silang nakakasalamuha na kilala ko pero hindi nila kilala.

"Aranza?" Bumaling ang tingin ni Eli sa akin. "So you married that guy who's always watching over you and your ate?"

Napakunot-noo ako. Ano daw?

Napaisip ako kung sino ang tinutukoy nito then I remembered Kuya Cale. Napatawa ako sa isipan ko. I'm not married to my brother, duh. But I didn't say so.

"Cora! What's happening here? Hindi daw mahanap ni Levi si Cr—" Naputol ang dapat na sasabihin sana ni ate ng makita ang kaninang pinag-uusapan lang namin. "E-Elixir! You're back na pala."

Tinanguan naman siya ng isa. "May kukunin lang ako, Ate Crim."

"Kukunin? Is it here in our boutique? Did you order clothes here?" Aligagang tanong ni ate kaya hinawakan ko ito sa braso gamit ang isang kamay para pakalmahin.

Binaba ko na din si Creia sa pagkakabuhat at pinapunta sila ng kapatid kung nasaan ang pinsan.

"No, wala po Ate Crim. Can I talk to your sister?" Tanong nito bago ako tignan.

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi nito. Mag-uusap kami? Kaming dalawa lang? Wala naman kaming dapat pag-usapan e.

What if napagtanto na niyang anak niya pala ang kambal? Tapos kukunin niya sakin? Ayoko! Hindi ako papayag.

"No!" Agap ko.

"Why so? Hindi na ba ako pwedeng makipag-usap sa best friend ko?" Tanong nito.

Best friend? Ano kamo? Nabingi lang ba ako? Kasi sa pagkakaalam ko simula noong iniwan niya akong mag-isa kung saan may nangyari sa amin at hindi na siya nagpakita ulit, wala na akong best friend.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON-HOLD] Killing Me SoftlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon