Tine's Pov
Matapos kong kumain ay tumayo na agad ako at sinimulan ko ulit ang pag rerecite. Napapagod na ako pero kailangan kong tapusin to, maski si Sarawat ay halatang pagod na kaka hintay.
"Oy uwi ka na lang, nakaka-awa ka naman." Sabi ko.
"Sinong mas kawawa kung susundan ka ulit ni Green?" Tanong nya.
Wala akong ibang nagawa kundi pagbigyan nalang sya. Nagpatuloy ulit ako sa pag rerecite, and after how many hours ay nakaabot na'ko sa 2,000.
"Anong oras na?" Tanong ko kay Sarawat na naka-upo sa tapat ko.
"Alas dies na" sabi nya at halatang antok na antok na.
"Hala, may 1000 pa akong hindi na rerecite" nag aalalang sambit ko sa kanya.
"Ayos lang, pag patuloy mo lang. Andito lang naman ako" sabi nya na nagpagaan ng pakiramdam ko.
Medyo sumasakit nadin yung likod ko sa kakatayo, nag patuloy ako hanggang sa natapos ko na lahat.
"Wat! Natapos ko na! Tapo-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko nung napansin kong tulog na sya.
Agad nawalan ng lakas yung paa ko dahil sa ilang oras akong nakatayo, dahilan para bumagsak ako sa lupa.
Napansin kong nagising sya at bigla syang lumapit sa'kin.
"Oy ayos kalang? Anong nangyari sayo? May masakit ba?" Nag-aalalang tanong nya.
Hindi ko lang mapigilan yung sarili kong titigan ng matagal yung mga mata nya, nakakatunaw pala kapag magkalapit kayo.
Agad akong natauhan nung pinitik nya yung noo ko, agad akong umiling at tumayo na.
Ba't ba ganon yung nararamdaman ko? Kapag nasa tabi ko sya, kapag halos magkadikit na kami. Hahayss, Tine tumigil kana.
"Tara na uwi na tayo, halatang pagod ka na eh" sabi ko sa kanya.
"Huh hindi ah, pumikit lang ako saglit para makakuha ng lakas mamaya habang nag dadrive ng motor." Sabi nya at pumunta na kami sa lugar kung saan nya nilagay yung motor nya.
He was about to turn it on, but then...
"Hala." Sabi nya bigla.
"Oh anong nangyare?" Tanong ko.
"Ayaw umandar, naubusan na ata ako ng gasolina Tine" nag-aalalang sabi nya.
"Huh? Eto na nga ba sinasabi ko, eh pano tayo makakauwi nyan?"
"May paa naman tayo pareho diba? Kaya baman nating mag lakad kaya maglakad nalang tayo" chill na sabi nya.
"Hala, di mo siguro napapansin kanina na bumagsak ako dahil sa pagod na yung paa ko."
"Tinanong kita kanina kung may masakit ba, pero sabi mo wala" sabi nya.
"Hala alam mo-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla syang sumingit.
"Shhh tama na, wag na tayong mag away. Lika na" sabi nya sabay luhod ng kunti tsaka tinuro nya yung likod nya.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Sakay ka sa likod ko" sabi nya.
"HAHAHA akala mo sasakay ako? Ayoko nga" sabi ko.
"Sge bahala ka, alis na'ko." Sabi nya at bigla na syang tumayo.
"Tsk oo na sge na" sabi ko sabay habol sa kanya.
Agad naman nyang binaba yung likod nya para makasakay ako.
Nagsimula na kaming mag-lakad.
"Hindi ka ba nabibigatan sa'kin?" Sabi ko.
"Hindi naman." Sabi nya.
Nilagay ko yung kamay ko sa may dibdib nya para maging comportable ako.
Naramdaman ko yung malakas na paglabog ng dibdib nya, pero natural lang naman yun diba? Kasi naglalakad sya tapos karga karga nya pa'ko sa likod nya.
Talagang nahihirapan sya ngayon, napansin ko din na grabe yung pagpatak ng pawis nya. Gusto ko syang tulungan kaya, hinipan ko yung leeg nya, at yung likod ng tenga nya para hindi na sya mainitan.
At as usual dinalaw na naman ako ng antok, normal na sa'kin to. Kaya natulog ako ng comportable sa likod nya, naamoy ko pa yung Perfume na ginamit nya.
"Ang bango mo" sabi ko habang pumipikit na yung mga mata ko, may narinig pa akong sinabi nya pero hindi ko na lang ito pinansin kasi nakatulog na ako.
:)
@StudentAndrea
BINABASA MO ANG
Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}
FanficThe guitar is for you to play and Sarawat is for you to love. -Sarawat