"Ate Agnes, buko juice at presto cream nga po, at spaghetti.." order ni Marianne sa canteen na nakipagsisikan pa sa bugso ng mga estudyante.
Gutom na gutom na siya at nanghihina na.. Hindi siya nag breakfast sa pagmamadali kanina..
Dali dali siyang naghanap ng mauupuan..
Nakakita siya ng bakanteng upuan sa may dulo ng canteen..
Umupo siya dito at inusog ang nasa table na mukhang pinagkainan ng kung sino na hindi man lang inubos at basta pa iniwanan..
Sumubo na siya ng spaghetti habang engross na bina browse ang kanyang cellphone..
"Excuse me Miss.. That's my table, and that's my food.. " narinig niyang sabi ng kung sino sabay upo nito sa katapat na upuan..
Hindi pa rin tinitingnang dineadma niya ito.. Kumain siya, pwede naman silang mag share ng table..
Pinagpatuloy niya ang pagkain habang hindi mapuknat sa kakabrowse ng cellphone niya..
Uminom pa siya ng drinks at natatawa sa mga memes na nababasa niya..
Uminom uli siya at natigilan..
'buko juice ang inorder ko, bakit parang lasang pineapple..', na ninamnamnam pa sa panlasa ang drinks na ininom..
'pineapple talaga', sa isip pa niya na inistop ang pag scroll sa cellphone.
Automatikong napabaling ang tingin niya sa lalaking nasa harapan niya..
Nakakunot ang noo nito at nakahalukipkip pa ang mga braso sa dibdib na nakatingin nang matiim sa kanya..
Tinitigan niya ito.., wala sa sarili na tinaasan ng kilay..
Nakasalamin ito na mataas ata ang grado at naka brace ang mga ngipin.. ang buhok din ay maingat na nakapamada siguro na naka two side sa ulo nito.. But he has an expressive eyes na tila nanunuot sa kaluluwa ang pagtitig nito.. tila siya hinihikop ng mga mata nito kung makatingin..
Tumikhim ito..
Tila napahiya siya at hinamig ang sarili.
"Yes?", mataray na sita niya sa pagtingin din nito sa kanya..
"That's my food miss..", nginuso pa nito ang pagkain na nasa harapan niya..
"Excuse me, inorder ko 'to..", mataray pa rin na sabi niya dito..
"Why don't you look first what you're eating, hindi yang inuuna mo ang pag ce-cellphone..", tila irritable din na sabi pa nito..
Biglang napatingin siya sa pagkaing nasa harapan niya..
'Spaghetti, may inorder ako'ng spaghetti, so this is my spaghetti.., pizza? Nasa plate ng spaghetti ko? Wala akong inorder na pizza!', tila nagulantang siya..
Tiningnan din niya ang baso na nasa tabi ng plate na nasa tray sa harapan niya.. 'pineapple juice?, buko juice ang order ko.., shit! hindi ito ang foods ko..!', sa isip niya na tila napahiyang hinanap ang tray ng pagkain niya..
Nakita niya ito sa gilid niya, marahil ay basta nalang niya hinatak ang tray nang lalaking nasa tapat niya at naiusog sa gilid ang tray niya..
Napapahiyang nag angat siya dito ng tingin na dagling napalitan ng inis nang makitang ngingisi ngisi ito at parang sinasabing, 'see? tatanga tanga ka kasi!'..
"I'll pay nalang for it..", sabi niya na hinanap ang wallet niya sa bag niya.
"Don't bother, sayo nalang yan, I'll buy another one..", malumanay na sabi nito..
Tila napahiya uli siya at nanahimik nalang dahil mukhang mabait naman..
"Next time, pag kumakain ka, inuhin mo ang pagkain kesa sa cellphone mo, hindi magandang nasa harap ka nang pagkain kung ano anong inuuna mo..", litanya nito sabay tayo at kuha ng bag nito.. Nagtuloy tuloy na itong lumabas ng canteen..
Shock siyang hindi nakaimik.. First time in her life na me nagsalita sa kanya ng ganun at dito pa sa school nila na halos ay nirerespeto at tinitingala siya..
Because she is Marianne Barcelona, blogger at media influencer..
Nakita niya na pinagtitinginan sila kanina nang ibang estudyante..
"Sino ang walanghiyang yun at pinahiya ako!", gigil na sambit niya..
Inis na pinagpatuloy nalang niya ang pagkain.
Maya-maya ay nagsidatingan na ang tropa niya..
"Marianne, bakit sambakol ang mukha mo..?", si Alyssa na umupo sa tabi niya..
"Dami naman ng foods mo, gutom lang bes?", Si Lexie na luminga linga at mukhang may hinahanap..
"Oh, dami foods ah..", si Iveanne at Chloe na nakiupo na rin at nag simulang kumain..
"Hay naku, me masungit na nanita sakin.. nagkamali lang naman ako nang nadampot na pagkain..", nakasimangot pa rin na kwento niya sa mga ito..
"Really?", si Celine na ngingiti ngiti..
"Sino namang magsusungit sayo dito eh lahat naman kilala ka dito..", si Alyssa habang kumakain ay palinga linga din sa paligid..
"Oo nga..", segunda ni Chloe na kumain na rin na siniko pa si Alyssa dahil hindi mag focus sa pagkain..
"Nasa practice si Cedric, don't bother to look around..", sabi niya na natawa sa kaibigan..
"I never seen him this past few days,..", nagkibit balikat pa ito..
"Eh sino ba yung nagsungit sayo..?", Si Iveanne na nacurious sa sumira ng araw niya..
"I don't know him.. bago lng siguro.., he looks so weird..", sabi niya na binabalikan sa isip ang hitsura nito..
"What kind of weird?", tanong ni Lexie na tila nacurious din..
"Hay naku, let's not talk about that man, baka lalong masira ang araw ko..", kibit balikat niya..
Nagtawanan nalang ang grupo at pinagpatuloy ang pagkain..
YOU ARE READING
Now that you're gone..
RomanceMarianne Barcelona is a social media influencer. Sikat ito at maraming followers. Halos lahat ng student sa campus ay followers nito maliban kay Sean na crush na crush nito. ..Sean Alguire is an aloof man. Laging mag-isa, walang barkada at naiirita...