"Uy prinsesa ko, bakit ang tahimik mo jan?"
I looked at Rhed. Busy syang nagmamaneho pero tinitingnan niya ako from time to time.
"Wala naman kasi akong sasabihin, so why bother talk?"
"Uy ang sungit naman ng mahal kong prinsesa. Meron ka?"
"Oh please Rhed magdrive ka na nga lang jan. Magfocus ka sa kalsada. Ayoko pang mamatay ng maaga."
"Hindi ka naman mamatay, maaamnesia ka lang. Baby ko nagbreakfast ka na?"
He murmured something. Akala naman niya hindi ko narinig. Natawa ako doon. Ipinu-push parin pala niya na magkaka-amnesia ako. Siguro gutom lang to.
"Hindi pa po. I had coffee before I left. Sa office na lang ako mag-bre-breakfast. Ikaw nagbreakfast ka na?"
"Hindi pa nga eh. Ang aga ko kasing pumunta sa iyo. Daan tayo sa drive thru?"
"Hala baka malate naman na ako nyan ha. Sinundo sundo mo ako para lang malate?"
"Baby ko naman, kailan ba nangyari na nalate ka noong tayo pa? Lagi naman tayong nag-dra-drive thru noon kasi hindi ka kumakain before going to work."
Well totoo naman iyo. Noong kami pa alagang alaga ako. Spoiled? Hindi naman masyado. Pero talagang hindi niya hinahayaang walang laman ang tyan ko pag papasok ako. Matakaw pa naman ako.
"Tingnan mo nga, ganyan ba ang gusto mo. Ang payat mo na. Baka pag niyakap kita masugat ako. Puro buto."
"Ewan ko sayo Rhed. Tsaka pwede ba hindi naman ako payat. Sexy ako no?! At isa pa bakit mo naman kasi ako yayakapin huh? Uli uli wag kang didikit sa akin at baka matusok ka."
"Hahah ito naman nagbibiro lang sabi ko nga sexy ka. Ayan oh ang sexy sexy mo. You are a walking temptation. Andito na tayo. Oh anong gusto mong kaninin?"
Nawala ang inis ko sa kanya nang tanungin niya ako about food. I love eating kasi. Pero I wonder kasi hindi ako tumataba. Lucky me!!
"Burger yung amazing aloha, extra large na fries and hot choco. Padagdagan mo nang ketchup. Ikaw ano sayo?"
"Mahal kong prinsesa, hindi ka gutom sa lagay na yan? Paano pa pag nagutom ka? Tsk. Jollihotdog at coffee yung akin."
Hahaha. Syempre gutom ako no. Hindi naman ako nagdinner eh. Bwisit na Mikaella kasi yan. Sirang sira ang buong kahapon ko.
"Yun lang sayo? Sure ka? Uy wag kang hihingi sa akin ng fries ha."
Nag-order na sya. Kumain kami sa loob ng sasakyan. Sinusubuan ko sya kasi nagmamaneho sya. Baka kasi mamaya sa sobrang gutom niya bitawan niya yung manibela. Wala namang malisya sa akin yun. Sa kanya ewan ko?
Nakarating din naman kami agad sa office. Eksakto rin na naubos namin yung fries. Oo humingi sya ng fries. Nakakaasar diba?
"Mahal kong prinsesa, hintayin mo ako. Iaabot ko lang yung susi sa guard."
"Oo na po dalian mo. Pinaghihintay mo ang prinsesa ha."
I noticed that everyone is staring at me. Well granted naman na iyon dahil nakasuot ako ng dress. I don't wear dress unless may occassion. What I wear is a pair of suit and heels. Tito even adviced me to wear a dress para daw magka boyfriend na ako.
"Good morning mam"
One of the employee greeted me. Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Rhed.
BINABASA MO ANG
Next to you
Tiểu Thuyết Chung"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...