Kabanata 23

9.1K 184 25
                                    

Tapos na akong ayusan at kinakabahan akong lumabas. Dito kasi ako sa guest room inayusan. Si Hazel naman ay ang nurse niya ang nag-ayos sa kanya, si Issa naman sa iba din ang make up artist.

''Ang ganda mo, Ma'am'' puri pa ng nag-ayos sa akin. I smiled at her.

''S-salamat'' mahina kong sabi at tumayo. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin, may salamin kasi ang walk-in closet dito, sliding door bago ka makapasok. I looked at myself. Hindi ko mapigilang mamangha. Magaling siyang mamili ng damit.

I am wearing an A-line skirt na aabot sa tuhod, its color brown, and a long sleeve with a bow collar na color coffee naman. Nakatali din ang buhok ko. A bun hairstyle.

''Mas gumanda kayo, Ma'am. You look so elegant in your outfit. Bagay kayo ni Mr. Velasquez sana kayo ang magkatuluyan--- ay joke lang po. Kasal nga po pala kayo sa iba'' daldal niya niya pa sa akin. I gave her a tipid smile.

Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kapag napag-uusapan ang pagkakaroon ko ng asawa na may kasamang pangalan ni Sais sa huli. Nakita naman kaagad niya na parang nagmukha kaming awkward kaya kumuha kaagad siya ng sandals. Ngayon ko lang napansin na andaming sandals at heels sa bahay ni Sais at mga damit na pang babae. Baka sa asawa niya.

Lumapit sa akin ang babae na may dala ng high heels na cone. ''Suotin mo, Ma'am'' sabi niya at inilapag ang sandal sa harap ko. Sinuot ko it at bumuga ng malalim na hininga.

Ano bang nangyayari sa akin ngayon, bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakangiti. Napatigil ito ng makita ako ''Ay! Ang ganda ng Mama! Kaya pala ang gaganda ng mga anak!'' she said, a compliment one.

I chuckled lightly. ''Salamat''

''Let's go. They are waiting for you, Ma'am. Your family is waiting for you downstairs'' she said. 

Family...

Nagtungo na kami sa baba. Kumakabog ng mabilis ang puso ko habang pababa ng hagdan. Nakita kong may upuan duon na parang pang reyna, maganda ang pagkakaayos. Para kaming Royal Family.

Pagbaba ko ay parang tumigil ang mundo ko nang makita ko si Sais. Naka suit siya ng brown, and his hair... I don't know what to say. A high on top style siya. Kitang-kita ang tattoo niya sa may leeg. I know that tattoo. Pangalan iyon ng Mama niya. Maliit ang tatoo at nagtataka ako kasi dalawa na ito ngayon. Dati isa lang naman iyan eh.

''Tinamaan ka, Ma'am?'' Napaigtad ako nang marinig ang boses ng isang hairstylist sa likod ko. Para akong nagising sa isang magandang panaginip. Tumikhim ako at lumapit sa dalawa kong anak na nagpupurian. Ang gaganda talaga ng mga anak ko. Tumingin sila sa akin.

They look so amused.

''You're so beautiful, Mamay'' puri pa ni Issa. Agad ko siyang binuhat. She giggled.

''Ang ganda mo rin, anak ko'' puri ko pabalik.

''Mamay, bakit ba ang ganda mo?'' Nakuha naman ni Hazel ang atensiyon ko. Nakatayo siya at may katabing parang tungkod kung saan naka sabit ang mga fluids na tumutulong sa katawan niya.Mukha talagang ginawan ng paraan ng Nurse ni Hazel ngayon. Napangiti ako at ibinaba si Issa. Lumapit ako sa isang anak ko at yumuko. Hinalikan ko siya sa noo. Hindi ko naman kasi siya mabubuhat then I pinched the tip of her nose.

''Ikaw bakit ang ganda ni'yo ni Issa?'' pabalik kong tanong. Hinahaplos ng hinlalaki ko ang malambot at umbok na pisngi ng anak ko.

''Kasi po Mamay nagmana kami sayo'' sabi pa niya sa akin. Nagtawanan kami hanggang sa magsalita na ang Photographer.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon