kabanata 29

118 2 1
                                    

Napalunok ako nang ilapat na ang mga box na gagamitin. Mula sa kinauupuan ko nakita ko kung gaano kahaba ang karayom, natural na ganon dahil sa buto kukunin ang sample.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Zyrrel ng kamay ko, kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"She will be fine," He whisper to me. Nakita ko ang pagdampi ng halik ni Zyrrel sa noo ni Naillyn.

I bite my lower lip. Iniwas ko ang tingin ko nang nililinis na ang parte kung saan sya kukunan ng sample. Doctors of Casperzylle Hospital, are really skilled. Pero hindi ko mapigilang kabahan.

"We are family," Zyrrel murmured.

I glance at him with watery eyes. Marahan akong tumango, alam kong pinapalakas nya lang ang loob namin pare-pareho.

Ngumiti ako kay Naillyn na ngayon ay mukhang nanghihina na talaga. Maputlang maputla na ito, hinaplos ko ang pisnge nya. Ramdam kong sinisimulan na ang paghiwa sa balat nya.

"Baby, what is the most important ingredients in cooking every dish?"

Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Zyrrel, nilipat ko ang tingin ko kay Naillyn. She weakly smile.

"S-Salt, they said." She almost whisper, "But it's heart..."

Mas humina ang boses nito nang sabihin nya ang huling mga salita na 'yun. Zyrrel smile at Naillyn.

"Yes baby, because it's not the ingredients that made a dish tasteful. It's the chef." Zyrrel said, smiling.

Pasimple kong nilingon ang doktor na nakatayo sa likod ni Naillyn, iniikot nito ang karayom na nakabaon sa likod ni Naillyn. Napalunok ako nang makita ko ang dugo na umaagos mula doon.

"Do youz believe a c-can be a chef?" Mahinang tanong ni Naillyn.

Nilingon ko si Zyrrel nang marinig ko ang tanong ni Naillyn. He is distracting my daughter, he knew that she is experiencing pain.

"Sure you can," Zyrrel proudly said. "pero kagaya ng kusinero na hindi pwedeng matakot sa talsik ng mantika, kailangan mong lumaban. This sickness is nothing compare to my chef."

Naillyn gulp, "o-ouch."

Muli kong binaling ang tingin ko sa doctor na abala sa paglagay ng bone marrow sa lalagyan. I press my lips together, thank god it's finally over.

"Your daughter is strong." The doctor said as he put bandage on Naillyn's back.

Tumango ako sa kanya, "thank you, doc." Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya nang may humila saakin.

"Thank you," Seryosong saad ni Zyrrel, "Cazperzylle told me he prepare a room for us to stay."

He nod. "Yeah, nasabi na nga 'yun ny director. Doon nyo nalang aantayin ang result ng test, hangga't hindi pa tuluyang nababawi ni Naillyn ang lakas nya pwede kayong mag stay muna doon."

I glance at Zyrrel, "We can go home, after this one."

"She is safer here," Mahinang saad nya saakin. "hindi nya naman mararamdaman na nasa ospital sya pag nandoon na tayo sa bagong room."

Tumango nalang ako, bago ako lumapit kay Naillyn. Hinayaan ko na si Zyrrel na kausapin muna ang doctor.

"We need to go to your room." Mahinang saad ko sa kanya.

She weakly smile, "Do I did well?"

Muling nanumig ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Hinaplos ko ang pisnge nya, halata ang pagkabigat ng talukap ng mata nya. Mukhang nahihirapan na sya.

Epione: Paralyzed with pain (BS6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon