"To the horizon of one's deepest desires...there is more than that..."
***
Persistency
"SIR!" natataranta si Annie na pumasok sa office ni Freed habang kagat-kagat ang hawakan ng bag niya dahil kasalukuyan siyang nagsusuot ng kanyang coat.
It has been a few days ever since she started her new position as the supervisor. It is more hectic and exhausting than her previous one. Bihira na siya makapasok mismo sa department dahil araw-araw ay mayroon silang meeting o kung hindi naman meeting ay may roon silang imi-meet na prospect clients katulad ngayon.
One of Laila's job as supervisor before is to go with Freed to meet clients for future or current project of the companies. Ang mga client ng Asphalt ang mag negosyante ring nais mag-outsource ng serbisyo.
"You're a mess," napabuntong hininga si Freed nang makita niya si Annie na pumasok. "Anyway, let's go..." aniya at naglakad palabas ng opisina kaya humabol naman si Annie.
Nang makasakay sila sa kotse ni Freed at nagsimula itong mag-drive ay nagakroon ng pagkakataon si Annie upang mag-retouch, bagay na halos hindi na niya magawa tuwing umaga.
Napansin ni Freed ang ginagawa ni Annie kaya naman binagalan niya nang kaunti ang pagpapatakbo ng kanyang kotse.
"Oh, ba't?" mukhang napansin naman ni Annie ang ginawa nito.
"You're putting your makeup, just trying to slow down," malamig nitong saad.
"Okay lang, sige lang. Master ko na ang mag-makeup sa daan. Kahit sa Jeep ginagawa ko ito."
Sakto namang natama sila sa traffic nang matapos siyang maglagay ng blush on. She took this chance to apply her lipstick. Napa-pout pa siya sa kanyang salamin habang tinitignan kung maayos ang pagkakalagay nito.
"Okay ba?" tila nagulat naman si Freed nang humarap si Annie sa kanya dahil kanina pa siya pasulayap-sulyap dito."Well," he just heaved a sigh and looked away which made Annie frowned.
"Are you...?" hindi naman napigilan ni Freed ang magtanong sa kanya.
"What?" she asked.
"Like this," inikot-ikot ni Freed ang hintuturo niya malapit sa kanyang tenga, hindi naman nagtagal bago naintindihan ni Annie ang ibig niyang sabihin.
"Bastos ka, sino'ng baliw? Ako?" parang namang nasaktan si Annie sa ibig nitong sabihin.
"Because sometimes you're smart but sometimes you're idiot."
"A perfect girl is boring you know. There has to be imperfection always," katuwiran naman ni Anne matapos niya mai-set ang kanyang makeup. "I'll stop the argument here, otherwise it will keep going on," he said as he stepped on the gas.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating din siya sa isang Chinese cuisine sa Liore Business District kung saan nila kakausapin ang isa sa kanilang prospect client.
Before entering the restaurant, Annie held onto Freed's hands which was unexpected for him.
"Do I look good? I'm nervous baka pangit ang impression nila sa akin." Nag-aalalang tanong naman ni Annie.
"We're going on a business meeting not on a blind date," mataray na sagot ni Freed saka kumalas sa pagkakahawak ni Annie sa kanya.
"Napakasungit mo talaga hirap mong pakisamahan!" tuluyan namang nainis si Annie at tinulak pa si Freed para siya ang maunang pumasok sa restaurant.

BINABASA MO ANG
Freed's Playroom [R-18] (Enticed Series #4)
RomanceSINFUL SECRETS #2 Freed Eravido has a gentle personality which makes him a total package as an ideal type of boss. On the evening of his birthday celebration, Annie drank to her heart's extent as she couldn't forget how her ex-boyfriend cheated on...