Lovestory on the Bus

69 0 0
                                    

He is not like those other guys. He's a hopeless romantic. He believe in destiny, in love. He loves to read books and just like others who love to read, he sometimes wish to be part of the story or simply just to have a wonderful story of his own.

Buong buhay niya, pinangarap niyang magkaroon ng sariling kwento. Yung kwentong magpapatigil sa mundo niya, yung kwentong magpapakilig sa kanya at yung kwentong makakapagpabago ng buhay niya.

Ilang beses na rin siyang nagmahal. Three times? Pero sa lahat ng yun, parang hindi niya masabing sapat yun para matawag na pagmamahal. Bata pa naman siya. He's just 20. Eh limang taon na ang lumipas simula nung huli siyang nagmahal. 15? Ano namang alam niya sa pag-ibig nun? Ni hindi nga siya makasabay sa Chemistry. Paano niya masasabing nainlove siya? Eh hindi niya nga magets kung ano yung "Chemically moved."

Oo kinilig siya. Pero hanggang dun nalang. Dala na rin siguro ng kapusukan ng kabataan kaya akala niya pagibig na. Pero nadala na siya sa simpleng kilig lang. Tama na daw.

He dedicated his life sa pagaaral at pamilya. But deep inside his heart, he dreams of finding someone, someone who he can love and love him back in return.

Pero paano ba? Ilang beses na niyang tinangkang maghanap. Sa school, sa baranggay nila. Wala naman. Kahit isa walang makapagpafeel sa kanya ng iba.

Pero sabi nga nila, ang pag-ibig darating yan sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Magugulat ka nalang nandyan na pala sa harap mo, handa ng bulabugin ang buhay mo. At ang inaantay niyang bubulabog sa buhay niya, ay nasa bus na yun.

He doesn't believe in love at first sight. Kahit ilang beses siyang nakabasa ng kung anu-anong istorya tungkol dun. Pero hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya. Ibang iba yung feeling. Kilig? Hindi lang yun eh. He feels safe. He feels like he's in heaven. OA man pero ganun nga. At ngayon lang niya naramdaman ang ganun.

Mula sa school niya ay sumakay siya ng bus papuntang Cubao. Punuan na at siksikan nun. Buti nalang nakaupo pa siya. Feel na feel niya na sanang matulog kase puyat na puyat siya. Tinapos niya pa kase ang mga plates na project niya nang biglang umalis yung mamang nasa tabi niya at nagparaya sa isang babae. Hindi niya maipaliwanag, pero pagsulyap niya palang sa babaeng yun parang biglang tumigil yung tibok ng puso niya. Ilang segundo siyang hindi makahinga. Nung oras na tumabi ang babae sa kanya dun lang ulit tumibok ang puso niya. Tibok na hindi normal. Sobrang bilis, parang nakikipaghabulan.

Pumikit siya. Baka sa ganung paraan mapayapa siya. Naalimpungatan nalang siya nangg biglang dumating ang kundoktor at hinihingi na ang bayad niya. Di niya pala namalayang nakatulog na pala siya.

"Eto po. Cubao lang." Sabi niya sabay abot ng isang daan.

"Dalawa na po ba kayo rito ng girlfriend niyo?" Inosenteng tanong ng kundoktor.

Nagulat siya sa tanong na yun. Tinignan niya ang katabi at dun niya lang namalayang nakahilig na pala ang ulo nito sa balikat niya.

"Ah. O..Opo." Nauutal pang sabi niya.

Hiyang-hiya siya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihing hindi naman niya kilala ang babaeng katabi niya. Ayaw rin naman niyang gisingin yun at mukhang pagod na pagod din galing school. Wala na siyang nagawa kundi umuo nalang. Tutal masarap naman sa pakiramdam na maging boyfriend ni Ateng maganda. Minsan lang naman, kaya susulitin na niya.

Maya-maya pa'y nahulog ang dala dala niyang Rotling. Sa sobrang pagkataranta ay pinulot niya ito at dahil dun nagising nalang bigla ang babeng kanina'y nakasandal sa balikat niya.

"Halaaaa. Sorry talaga Kuya. Di ko sadya talagang mapasandal sayo. Wala pa kase akong tulog. Tinapos ko pa yung mga plates ko. Pasensya na talaga." At nagpeace sign ang babae sa kanya.

Lovestory on the BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon