AUTHOR'S NOTE:
Sa pamamagitan ng mensaheng ito ay ipinababatid ko ang aking taos-pusong pagbati para sa aking minamahal. Maaaring sa oras na natapos ko na ang kwentong ito ay nasa Paaralan ka na ng mga binatang nais lumusong at pangarap maging KaManggagawa ng Ama. Batid kong ito din ang pangarap mo noon pa man. Maaring mangulila ako sa iyo kapag naroroon kana ngunit Panatag ako sapagkat batid kong kasama mo ang Ama upang gabayan ka.
Ika-31 ng Enero 2011
Mahal kong Ginoo,
Maligayang Kaarawan sa iyo! Siguro ay wala pa nga akong sapat na lakas ng loob upang batiin ka ng personal kaya ipinadala ko muna ang aking pagbati at regalo sa ating matalik na kaibigan upang ipaabot sa iyo ito. Hindi naging madali para sa akin iyong mga araw na wala ka sa aking tabi at wala akong matanggap na mensahe galling sa iyo. Minsan nangangamba ako na baka nabaling na sa iba ang iyong pagtingin ngunit pinanatag ko ang aking kalooban at umasa ako sa tulong ng Ama. Inaalala ko palagi ang masasayang araw na kasama kita upang sa gayun ay mawala saglit ang aking pangungulila. Kapag naaalala ko ang mga panahong kapiling kita ay napapalitan ng saya ang malungkot kong puso. Labis din akong natutuwa sapagkat nariyan parin ang ating mga kaibigan at kapanampalataya na silang sumusuporta sa ating dalawa at nagpapalakas ng aking loob upang magawa kong hintayin ka. Akin ding nabatid na simula noong araw na nawalan tayo ng kumunikasyon ay mas lalo kong napatunayan na tapat ang aking pag-ibig sa iyo. Makakaasa ka na tutuparin ko ang nais mo na hintayin ka sa takdang panahon na itutulot ng Ama para sa atin. Asahan mo din na palagi kang kasama sa aking mga pagpapanata. Palagi ka sanang mag-ingat aking sinta. Gaya ng iyong sinambit noon sa akin... "Ibinulong ko na sa Ama kung gaano kita kamahal at palagi ko iyong babanggitin ssa Kaniya".
Nagmamahal,
Binibining makakatuwang mo balang araw
#PANATAG
BINABASA MO ANG
Panatag
SpiritualLahat ng bagay nadadaan sa PANATA. Yung may kalakip na pagtitiwala sa magagawa ng Ama. At kung ipinagkaloob na sa yo ang panalangin mo. Lalo kang maging tapat at mapagpakumbaba! 😇 -Ate OA🌸