PROLOGUE
"Wag kang umalis.."
Patuloy pa rin ako sa aking paglalakad. Kahit tumakbo na ko hindi ko pa rin siya maabutan pero hindi pa rin ako sumusuko. ang sakit na ng binti ko. . .
Hindi ko na kaya. .
Nanlalabo na ang paningin ko . . . Tumigil ka na please . .
Sinubukan kong sumigaw ngunit parang may nakabara sa lalamunan ko . .
Naabutan ko na siya. Hinawakan ko ang kanyang braso. Naramdaman ko na naman ang kuryenteng iyon habang magkalapat ang aming balat. Hinila ko siya at niyakap mula sa likod. Nagsimula na namang tumibok nang mabilis ang puso ko.
Bakit ganun . .
Ang puso nya . . .
Hindi na kagaya ng sakin na bumibilis din ang tibok habang ganito kami kalapit sa isa'tisa . . .
Bakit parang balewala na lang sa kaniya na yakap yakap ko siya? . . .
"Enough.."
Nasaktan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko na sinusubukan nyang kumawala sa yakap ko. Lalo kong hinigpitan ang yakap, lalo naman syang nag-attempt na makawala. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. Masakit.
Pero mas masakit ang ideyang ayaw nya sa yakap ko.
Nagtagumpay siyang kumawala. Nagsimula na naman syang maglakad palayo sakin. Kahit nawawalan na ako ng pag-asa hinabol ko siya at muling hinawakan sa kamay.
"I said . . . E.N.O.U.G.H.! "
Napaatras ako. Nakakatakot siya. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Bakit ganito na ang treatment nya sakin? Ano bang nangyari?
"Kahit umiyak ka pa.. hindi ako maaawa sayo."
Humugot ako nang lakas para tingnan sya sa kanyang mga mata. Nagtaasan ang balahibo ko nang makita ko ang coldness doon na hindi ko inakalang kaya palang taglayin nang ganoong kagagandang mata.
Pakiramdam ko'y nahulog ako sa isang napakadilim at napakalalim na bangin...unti-unting nauubusan ng hininga. Napaluhod ako sa kanyang harapan at napahawak sa kanyang binti.
"Wag mo kong iwan... Please. Nagmamakaawa ako sayo.. Please wag mo kong iwan.. Hindi ko alam kung pano ko kakayanin .. Gagawin ko lahat nang gusto mo huwag mo lang akong iwan.. Please.. Please.. Please .. Bumalik ka na sakin .. Mahal na mahal kita. Mahal na ma--"
BINABASA MO ANG
Smile for Me, Please ♥
Romance"Yes, I believe in God. Because having you is miracle."