Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko habang nakatingin kay Ma'am Diane na kinakausap si Hazel.
Ma'am Diane is Hazel's Doctor at mukhang hanggang ngayon ay malapit parin sila ni Sais. Baka nga kasal na sila.
''Can our baby breath properly?'' Ma'am Diane sweetly asked Hazel. Nakangiti si Hazel habang nakatingin kay Ma'am Diane.
''Yes po'' sagot ni Hazel.
''Good'' sagot ni Ma'am Diane at may isinulat sa Prescription. Nakatingin lang ako sa kanya habang si Sais ay kausap din niya.
Pakiramdam ko ay sumama ng bigla ang pakiramdam ko. I didn't expect na magkikita kami ngayon. Ilang taon na pero dala ko parin ang konsensiya sa puso ko. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad. Baka eto na talaga ang oras na humingi ako ng tawad pero paano? Nahihiya ako kasi nasaktan ko siya.
Pagkatapos niyang tignan si Hazel ay nakipag-usap siya sa amin. Hindi ko alam kung kailangan ko ba siyang sagutin. My conscience is all eating my whole body.
''Your baby is doing good, baka mas mapaaga ang operation niya. Mas nagiging strong siya every day and her heart rate are fine. That's good news'' she informed us. Kahit masama ang pakiramdam ko ay nakuha ko pang ngumiti para sa anak ko.
''Thank you, Diane'' It's Sais. Magkatabi kami ni Sais habang nakatayo kaharap si Ma'am Diane na para bang wala akong nagawang masama sa kanya.
Mas nakokonsensiya pa tuloy ako.
''It's nothing. It's my work and your daughter is beautiful and she's so cute'' sabi pa ni Ma'am Diane. Nginitian ko lang siya. Naramdaman ko ang kamay ni Sais sa likod ko. Hinahagod ang likod ko. Hindi naman ako makareact dahil nasa harap namin si Ma'am Diane.
Tinignan ko lang si Sais.
My heartbeat went fast when I saw the pride in Sais's smile, he was like 'Syempre maganda ang anak ko, ginawa namin iyan eh' that vibe.
''They are beautiful'' komento ni Sais.
I saw how shocked Ma'am Diane was. Parang hindi niya inaasahan. ''Oh! She has a twin?!'' masayang tanong ni Ma'am Diane. I nodded genuinely. Pumalakpak siya na parang masaya. Mas nahiya tuloy ako.
''Yes, they are. By the way. Let's go to Balcony to talk about my daughter's condition.'' yaya ni Sais.
Tahimik lang ako habang nakasunod sa dalawa na nagkukwentuhan. Hindi ko na maramdaman ang lakas ko. Parang dahan-dahan itong hinihigop. Gusto ko nalang ay ang pumunta kay Lauro at umiyak. My heart is aching and I don't know why.
Pagdating namin sa balcony ay naupo si Ma'am Diane sa harap ni Sais. Lumapit ako sa kanila at akmang uupo sa gilid nang pigilan ako ni Sais. I looked at him.
''Sit beside me'' seryosong sabi niya. Napatingin tuloy ako kay Ma'am Diane na nakangiti habang nakatingin sa amin. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Umupo ako sa tabi ni Sais. Napaupo ako ng ayos dahil sa paghawak ni Sais sa beywang ko na para bang tatakas ako. Ayaw niya talaga akong tigilan kahit ilang beses ko na siyang sinabihang may asawa na ako. Hindi ito tama, alam namin iyong dalawa pero bakit patuloy parin siya at bakit parang hindi ko siya mapigilan?
''So how are you two?'' Ma'am Diane initiated first.
Sais shrugged. ''We're okay'' walang abog nitong sagot.
''I am married'' simple ko ding sagot. Humigpit ang hawak ni Sais sa beywang ko kaya mas nanghina ako. I think I need to shut up my mouth.
''You two are married?'' tanong ni Ma'am Diane. Mukhang ilang taon yata itong hindi nakapag-usap kay Sais dahil parang ngayon lang sila nagkabalitaan. Baka ginagawa lang nila ito dahil sa harap ko, pero ayos lang naman sa akin kung magpakatotoo nalang sila. Alam kong may namamagitan parin sa kanila.

BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.