St. Matthew Academy...
IV-Mark's Room
Nag--uusap ang pitong magkakaibigan na sina Clark, Pierro, Jill, Kiel, Lex, Kyle at Jared sa kanilang classroom habang vacant time nila. Wala kasi si Mam Emy kaya marami tuloy ang nagdadaldalan. Hindi nila mahanap si Niel. Umalis yata ito para pumunta ng library.
"Brod?! Nasaan na ba si Niel huh? Kanina pa siya wala ah."-Clark
"Malay ko ba sa lalaking iyon, basta-basta na lang nawawala."-Lex
"Oo nga. Nasa kasagsagan tayo ng klase, nasabihan pa namang aspiring valedictorian pero kung umasta eh parang siga lang ng campus. HAHA!"-Jared
"Speaking of the devil, ayan na pala si Niel hinahanap niyo pa. May lahi din yatang kabute iyan eh. Basta-basta na lang ding sumusulpot."-Jill
Nakita nilang palapit si Niel sa kanila habang ngingiti-ngiti.
"Hoy! Pare! Anong iningingiti-ngiti mo dyan?! Para ka lang tanga ah? Baliw!"-Pierro
"Baliw! HAHA. Anong tinira mo? Lakas ng tama niya sayo eh."-Kyle
"Mga ungas! Wala akong tinira. Masaya lang ako! Bawal ba? Kahit kailan para kayong mga babae. Echosera masyado!"-Niel
(^_______^)
Nagsign of the cross pa ang pitong magkakaibigan.
"Naku brod? Kailan ka pa ba sumaya? Eh lagi ka ngang seryoso sa pag-aaral mo at ngayon may paganyan-ganyan kapang effect?"-Kiel
"Ay! Naku tol! Pustahan tayo may tinira nga iyan!"-Pierro
Binatukan naman ni Niel si Pierro.
"Ugok ka talaga pare! Wala akong tinira ano bang pinagsabi-sabi mo?!? Masaya lang ako. Tuldok. Period. Utak mo pre' paandarin mo. HEHEHE."-Niel
"Talagang bobo ka talaga Pierro! Walang tinira iyan. Pustahan naman tayo babae iyan! Diba pare?"-Clark
"Nakuha mo tol! Tumpak! Wapak na wapak. Oh ano babae yan no tol?"-Kiel
Ngumisi na lang si Niel bilang sagot.
"Woaaah! Sinasabi ko na nga ba! Sino ang malas na babae tol? HAHA"-Clark
Binatukan ni Niel si Clark.
"Arayy...."-Clark
"Tol?! Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? Hahahahaha."-Niel
"Meron sana kaso nawala bigla tol!"-Clark
"Oh ano?!? Sino nga kasi yung babaeng iyon?"-Pierro
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Подростковая литератураSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...