~3rd person POV~
(7 Years ago....)
"Nak, gising. Aalis tayo," bulong ng ina sa kanyang 10 taong anak na si Izumi."saan po tayo pupunta Ma? Tsaka bakit po ang dami nyong dala? Lilipat po ba ulit tayo?" sunod sunod na tanong ng bata sa kanyang ina.
"Oo nak, lilipat na ulit tayo. Dalian mona at hinihintay na tayo ng papa mo sa labas," magulo parin ang isipan ni Izumi ngunit sumunod nalang sya sa ina nya.
Sa loob ng halos 10 taon ay hindi na bago kay Izumi ang pag lipat nila ng Lugar at bahay.
"Pa, bakit po lilipat ulit tayo ng bahay? May bago na naman po ba kayong trabaho sa ibang lugar," tanong ni Izumi sa kanyang ama habang ito ay nag mamaneho.
"oo nak, lumipat kasi ang papa sa ibang trabaho eh, pasensya na Bunso ha," pag papaumanhin ng kanyang ama sa kanya.
"Okay lang po Pa, wala rin naman po akong kaybigan doon. Sige po Ma, Pa tutulog lang po ulit ako," pag papa alam ni Izumi sa kanyang mga magulang.
"Saan mo sila huling nakita Arthur," bakas ang takot at pangangamba sa tanong ng Ina ni Izumi sa kanyang asawa.
"Sa may bayan. Napakarami nila Ellise, Pero nakakasigurado akong hindi nila ako nakita. Ang ipinagtataka ko lamang ay ang iba sa kanila tila wala sa katinuan," sagot ng kanyang asawa.
"Hypnotism? Sa tingin mo, sya kaya may pakana nito? Arthur, Izumi is getting older. Should we send her back to that place," Hindi na nasagot ni Arthur ang kanyang asawa dahil bigla na lamang silang hinarang ng 2 puting van dahilan ng pag tigil nila sa pag mamaneho.
" They're here. Ellise can you drive Izumi to this place, ako na ang bahala sa kanila they are from my kinds. Please be safe I love You," pagpapa alam nya sa kanyang asawa sabay halik sa kanyang noo. "Izumi, i love you," sabay halik sa noo ng kanyang anak.
"Please be safe. I love you," maiyak na tugon ni Ellise sa kanyang asawa.
At mabilis na umalis ang mag ina na balak pa sanang sundan ng kanilang mga kaaway ngunit mabilis itong naunahan ni Arthur.
Biglaang nagising si Izumi sa kanyang pagkaka tulog at nag taka sya dahil wala sa loob ng kotse ang kanyang ama. "Ma, saan po nag punta si Papa?" umupo sya sa tabi ng kanyang ina.
"Ah, may pinuntahan lang sya. Susunod nalang daw sya natin sa bahay," sagot ng kanyang ina.
Mahigit na tatlong oras ang itinakbo ng mag ina bago sila nakarating sa bago nilang tutuluyan. Tama lamang ang laki nito para sa kanilang 3
"Ma, kaylan po ba darating si Papa? Mag uumaga na po kasi baka gutom na sya," tanong ni Izumi sa kanyang Ina habang nag aayos sila ng kani kanilang gamit.
"Diko rin alam anak eh, yaan mo at nakakasigurado akong ayos lamang ang iyong - - -" napahinto si Ellise sa pagsasalitq ng marinig nila ang balita mula sa bukas na radyo.
"15 patay, 3 sugatan matapos pag sasaksakin at sugurin ng isang armadong lalaki kaninang madaling araw sa may bayan ang isang grupo ng kabataan. Pinag hahanap parin nang mga kinauukulan ang suspect na nag ngangalang Arthur Sunako ," agad na tinawagan ni Ellise ang numero ng kanyang asawa. Sumagot naman agad ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Crimson High Academy Of Magic
FantasyIn our world Magic dont exist, they are just the same as Wizards, Witches, Mermaids, Fairys, Elves, Gods and Goddess, and other bunch of myths and legends. There are just bunch of stories made for kids and fairytales. But we didnt know this stories...