Uno

17 0 0
                                    

Pangarap kong magkaroon dati ng malaking sasakyan ng marealize kong mas kailangan ko 'to dahil sa daan dito sa amin. Higit sa pagpapantasya ko sa bagong sneakers at pares ng damit, ngayon ay hawak ko na at namamaneho pa. Tinitignan ko ang mga bukirin na nadadaanan ko lubak lubak na ang daan kaya mabagal na ang takbo ko. Anong buwan na ba? Mayo? Pero kahit anong buwan naman ay busy ang mga magsasaka.Kahit anong buwan ay nagpapakahirap sila pagkatapos,magkano lang ba bibilin ang mga iyon? Nagkakautang pa sila.Napairap ako ng makita ang isang banner na may mukha at pangalan ng taong kumandidato tatlong taon na ang nakararaan. Plastic!!
Matagal ka ng nanunungkulan pero ni wala akong makitang gaanong pagbabago sa probinsyang iniwan ko 6 years ago. Lubak pa rin ang daan.Hirap pa rin. Umiling pa ako ng matanawan ko ang buong pamilyang nasa arawan kahit katanghalian.

Bumilis na lang ang takbo ko ng matanaw ko ang sementadong daan mga tatlumpung minuto bago ko matanaw ang hardin na naalala kong palaging inaasikaso ni mama. Mas bongga na siya ngayon.Napairap ako habang pinaaakyat sa pataas na daan ang hammer na kinalalagyan ko matapos akong pagbuksan ng gate.Mayroon na din pala!

Natanaw ko ang nagpipilahang sasakyan. Mga nagkikintaban at nagmamahalan.Mukhang may plano ulit na tumakbo ang step aunt ko sa eleksyon.Pinapraktis ko ang peke kong ngiti ng marinig kong may mga papalabas na sa malaking bahay kaya naman inayos ko na ang malaki at bilog kong glasses kasama ang paghaplos sa nakabun kong buhok.
I need to bun my beautiful long hair for this.They should be proud nag effort pa ako,pinaalis ko pa ng panandalian ang kulay white sa ilalim ng itim na kulay sa buhok ko dahil kaylangan kong gawin para lang dito.

Tuluyan akong bumaba ng sasakyan at umakyat sa apat na baitang ng hagdan habang tinitignan ang mga taong chinichika ng Tita ko.Halos kaedad niya na lang naman ang ilang nandoon walang bago sa mga iyon.Nakatawag ng pansin ko ang ilang mga hindi nalalayo sa edad ko na kasunod nilang lumabas. Miguel Suarez at ang mga Duerrve.Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang bagong mukha na kinakausap naman ng mahal na mahal kong kapatid.

Kai Quintanna.

Naghintay akong mapansin ni Tita habang kunyaring namamangha sa mga nakita kong pagbabago akala ko si tita ang mauuna pero nagkamali ako.

"Omygod Ate!"may kabilisan siyang bumaba sa kung saan ako kaya natuon sa kanya ang mata ng lahat bago sumunod sa'kin.Ngumiti ako ng malaanghel sa kanya kagaya ng kung papaano ako ngumiti noon.

"Claudia"kagaya ng napipicture ko mula sa utak ko nakipagbeso siya sa'kin, hinawakan ang magkabilaan kong kamay at inakay ako papunta sa harap nila. Malaki ang ngiti ni tita na mahigpit pa akong niyakap na kung hindi ako nagpractice para sa lahat nang to' baka naitulak ko na siya.Natapos ang pakikipagkamay sa'kin ng mga kaedad ni tita sumunod ang binata ng mga Duerrve.

" Kris Duerrve"balita ko first timer nito at dito pa talaga umanib kela tita. Ngumiti ako bago nakipagshakehands.
"Carlotta McAllister,nice to meet you"gaya ng pakilala nila sa akin,ako si Carlotta McAllister ang nakatatandang kapatid ni Claudia McAllister.Tinignan ko ang nagmamay ari ng mga isa sa mga kilalang angkan sa bayan namin. Tinitignan niya rin ako ng malalim kaya naman ginawa ko lang casual ang aking mukha.

"Kai Quintanna—"

"my boyfriend!"tumawa ako ng marahan sa pagsingit ni Claudia bago kumapit ang braso niya sa braso ko. Hinarap ko si Quintanna na dinaig pa ang inspektor sa ginagawang pagtingin sa'kin,inabot ko ang kamay niyang nakalahad."it's nice to meet you"ngumiti siya
"its nice to meet you too"naramdaman ko ang lambot at kinis ng palad niya. Mamahalin Infairness!!Sabagay dapat lang naman isa ang mga angkan nila sa pinakamayayaman dito sa amin.

Pinigilan ko ang matawa sa naisip ko pero ng tignan ko siya ay nakita kong nakatingin na siya sa mismong labi ko.Napansin pa yata. Humakbang na lang ako papasok para maiwasan siya sabay pakikipag usap kay Tita.

"Bakit ngayon ka lang naman dear. Pinag alala mo kami."ngumiti ako sa sinabi niya habang naglalakad kami papuntang dining nakakapit sa'kin si Claudia na hindi natanggal ang pagkakangiti.
"Nagpahanda pa rin ako ng pagkain,though its a little bit late pero magtanghalian na tayo"tumingin siya sa likuran kung saan nakasunod si Quintanna.
"Can you eat again? Nag early lunch kayo ni Claudia bago pa kayo naglunch dito"tinignan ko sila sandali bago pagtuunan ng pansin ang mga pagkaing nasa mesa.

"Okay pa naman ako tita. Don't worry.Claudia wants to always eat sweets so iyon lang naman amg inorder namin sa resto"ani niya sa baritonong tinig.Tumawa si Claudia ng mahina bago tabihan ang lalaki sa upuan i look up to both of them bago kinuha ang baso ng juice at uminom.

"Kasama din namin siyang lalaban ngayong eleksyon hopefully para palitan si Bernard"she rolled her eyes upon saying the name of the man na matagal na niyang pinag iinitan.
Tumango lang ako at inabot na ang pagkaing pinakamalapit sa akin ng matapos ako sa pagsandok ay nabigla pa ako ng kunin din ni Claudia ang bowl.
"Gusto din daw ni Kai"nakangiti siyang nilagyan ang plato ni Quintanna ng pagkaing meron din sa plato ko. Hindi ko na sinulyapan ang lalaki kahit ramdam ko ang mga tingin niya sa'kin. I don't know what's wrong with him.Naoffend ko ba siya kanina?pero....well its my fault hindi ko napigilan ang sarili ko.Should i say sorry? But if i did that inamin ko na ring tinatawanan ko nga siya kahit nakakatawa naman talaga siya.

Pinatulan niya si Claudia at doon ako natatawa!!

"Carlotta? "Nilingon ko si tita na bigla na lang akong tinawag. "Hmmm"
Nahinto ang pakikipagtawanan sa sarili ko bigla.

"Kai's asking you something"

"Oh? "sunod ko namang nilingon si Kai na nakangiti sa'kin. "What is it? "

"I'm asking about your life at Manila."nabigla ako sa tinanong niya sa'kin. Why are you asking me that?!My relatives didn't ask me yet!

"I'm a botanist."maikling sagot ko.Tumango naman siya at nagtanong ulit ng iba hanggang sa mayari kami sa pagkain. Tita and Claudia is quite at that time konti lang ang mga panahong sumasagot sila. Now i can't seem to like this guy. Sobra siyang matanong. Ganoon ba talaga pag tatakbo sa politika?

Nang magpaalam ako para magpahinga na ay nakita kong umakyat din si Claudia sabay ni Kai.Claudia and i's room is beside each other kaya pinabayaan ko na lang sila. They're an item so i guess its understable. I just came to know na ganoon na rin pala katagal ang relasyong meron sila dahil nakakatulog na yung lalaki dito.Napakawalan ko ang mahina kong tawa ng makapasok ako sa kwarto. Ano pa bang aasahan ko kay tita, di lang halata pero mukhang pera yan. Nilibot ng paningin ko ang mga bagong palit at linis na kagamitan sa kwarto, tumango at umirap. Tita Claudine is a nice woman, really!
Not until you have learned how her tentacles can tackle you behind.Nagshower lang ako bago humiga sa kama ko at matulog.

Roots And BranchesWhere stories live. Discover now