Chapter 32

1.2K 42 11
                                    


            SLAP ME, YOU'RE MINE

                     CHAPTER 32

        Say I Like You, Say I Love You

                ELISA MAUREEN

Walang tigil sa pagkabog ang puso ko habang nasa tabi ko si Holland. Nakaakbay pa rin kasi siya at mahigpit ang pagkakahawak sa balikat ko na para bang mawawala ako anumang oras na bitiwan niya ako.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Karamihan kasi sa mga nakakasulubong namin ay mga teenager na babae. Kahit saan siya magpunta, palagi siyang napapansin.

Kung sa bagay, gwapo kasi.

Huminga na lang ako ng malalim tsaka ipinilig ang ulo. Bigla naman siyang huminto dahilan para mapatigil ako sa paghakbang. Nilingon niya ako, kunot na kunot ang noo niya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko, nagtataka kung bakit siya huminto. Tinitigan niya lang ako nang hindi kumukurap at basta na lang naghubad ng jacket. Humakbang siya palapit tsaka umikot papunta sa likuran ko.

Muntik ko nang mahigit ang sarili kong hininga ng ipatong niya ang jacket niya sa balikat ko. Ang kanyang hininga na kasing init ng maligamgam na tubig ay bahagyang tumatama sa aking leeg. Ipinikit ko ang mata ko. Pilit pinapakalma ang sarili. Rinig na rinig ko na rin ang pagtibok ng puso ko.

Nanatili lang siya sa likuran ko habang ang magkabila niyang braso ay tila nakayakap ngunit jacket naman ang hawak. Mas lalo pang naghurumentado ang puso ko ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Kanina ko pa napapansin na nanginginig ka. Mabuti na lang at nagdala ako ng jacket. You can use mine para hindi ka na lamigin," ika niya. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita, parang naumid ko ang sarili kong dila. Maingat niya namang inalis ang ulo niya sa pagkakapatong.

Tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng umalis na siya sa likod ko. Hinarap niya ako habang may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Bigla tuloy akong nailang.

"Ah, s-salamat," nauutal na pagpapasalamat ko. Mahina naman siyang natawa bago hinawakan ang kamay ko. Hihilahin na sana niya ako ng pigilan ko siya. Kinunotan niya naman ako.

"Why? Is there a problem?" Napakagat labi naman ako at dahan-dahang nagbaba ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Kailangan mo ba talagang hawakan 'yong kamay ko?" hirap na hirap na bigkas ko. Pinanliitan niya naman ako ng mata at bigla na lang inilapit ang mukha dahilan para  magkaduling-duling ako. Halos magkadikit na kasi ang ilong namin sa sobrang lapit.

"Bakit? Hindi mo ba gustong hinahawakan ko ang kamay mo?" Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti dahilan para lumabas ang biloy niya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapatitig sa kanya kaya nakalimutan kong nagtatanong pala siya. Mahina naman siyang natawa.

"I'm just kidding. Ayoko lang talagang mawala ka kaya hinahawakan ko 'yang kamay mo. Masyado pa namang maraming tao," paliwanag niya. Bahagya naman akong napayuko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Akala ko kasi gusto niya rin ako kaya halos ayaw na niya akong malayo sa kanya.

"Ah, gano'n pala," medyo disappointed na sabi ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil baka marinig niya.

"At saka ako rin ang nagdala sa 'yo rito so I have the full responsibility to secure your safety. Kapag kasi nawala ka, paniguradong papatayin ako ni Safaia," pabirong saad niya at marahang tinap ang ulo ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti siya habang ginagawa 'yon na para bang aliw na aliw siya. Pinilit ko na lang ang sariling ngumiti.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon