Chapter Nine

90 4 0
                                    

Accident



"Oh! My!..... Sheyt!!! My virgin eyes!" Malakas na sigaw ni Keyla.

Yong kaninang akala namin na mga hayop ay si Luke pala at ang kasama niyang babae, really? Dito talaga?

"Shit!" Sabi ni Luke at mabilis namang inayos ng babae ang suot niyang blouse na kanina lang ay nakabukas at kita namin ni Keyla kung anong kababalaghan ang nangyari.

"What are you two doing here?!" galit na sigaw nong babae.... aba ikaw pa ang mag ganang magtanong niya? Tsaka ikaw pa galit?

"Sorry, Hindi namin alam na may tao pala dito" mahina kong sabi, gulat pa rin at di makapaniwala sa nakita.

"At isa pa! Bakit kasi dito kayo gumagawa ng milagro?!" Walang hiyang sabi ni Keyla kaya bago pa siya bigwasan ng kung sino man sa kanila, hinila ko na siya.

Nagkatinginan ang dalawa matapos yon itanong ni Keyla. Wala namang imik si Luke at bakas sa mukha niya na wala siyang pakialam sa nangyayari.

"Luke babe, Tara na nga! Istorbo!" Sabi nong babae at kinaladkad si Luke , imbis na sa babae yong atensiyon ko, kay Luke ako nakatingin dahil ang loko natatawa pa. Aba!

Nakatanga kaming pinanood silang bumalik sa loob ng bahay.

"Jusko po, anong klaseng babae iyon?" Tanong ni Keyla.

Kahit naman ako firstime kong makasaksi ng ganon, funny write? We are always doin' night out went to bar but hindi naman ganon kalala yong nasasaksihan namin. Just kissin', hindi yong....... nevermind.

"Balik na tayo sa loob?" Yaya ko sakaniya, madilim na baka umuwi na din kami.

Pumasok kami sa bahay at bago kami makapunta sa mesa namin, kailangan naming dumaan sa isang mesa kung nasaan ang grupo nila Daryl at mga kaibigan nila, nandon na rin si Luke at yong kasama niyang babae kanina. Wala kaming choice kundi dumaan don but, Daryl stop us and introduce us to his group of friends.

"Bro, hindi mo naman sinasabi na may kakilala ka palang magagandang dilag?" One of his friend ask. Hindi ko na remember yong name niya, marami kasi sila. I only remember Luke(probably), the girl he's with earlier who named Natasha, what so ever..... and Cyrel, bestfriend of Daryl na naging daan para magkakilala at maging tropa sila nila Luke and the rest.

"Mga apo sila ni Señora Margarette, bago palang sila dito actually" sabi ni Daryl.

"Magtatagal pa ba kayo dito Ms. Ganda?" Tanong ng isa pa, nagkakantyawan na yong magkakaibigan but not Luke and Daryl, they don't look enjoying this conversation thingy by the way.

"Ah..... actually I'm not sure yet" sabi ko nalang. After that, nagpaalam na kami sa kanila na uuwi na kami kasi mag gagabi na. Sinamahan kami ni Daryl mag paalam sa nanay niya. Nandito na rin si Hanz na kanina pa daw kami hinahanap.

"Tita, uuwi na po kami, baka hinihintay na kami ni lola" paalam ko.

"Sige ija, salamat sa pag punta ha, at meron akong binalot dito para sa lola mo, sabihin mo salamat sa regalo" masaya niyang sabi at binigay sa'kin ang pagkain.

"Hatid ko na kayo Hazel, ija.... gabi na baka mapano kayo sa daan" sabi naman ni Mang Berting.

"Ay hindi na po! Kaya ko na naman po" sabi ko at iniisip yong pag uwi niya, mas mahirap yon wala siyang kasama.

"Pumayag kana ija, ipapasundo ko nalang si Berting kay Daryl para hindi siya maglakad. Tsaka, mag aalala yong  lola mo pag nalaman na ikaw ang nag drive lalo na't gabi na"

Pumayag na ako dahil pinagtutulungan na nila ako haha.

Mabilis naman kaming nakarating sa mansion, and it's actually 7 pm in the evening. Pag pasok palang namin ay nakita ko na si lola sa dining area, doon na kami dumiretso at nag mano sa kaniya. Binigay ko ang dala kong pagkain at sinabi yong pasasalamat ni tita maribel, total patapos na rin siya pagdating namin, hinintay nalang namin siya at nagkwento about sa party, nang matapos siya ay umakyat na rin kami sa kwarto.

"Zel, di ako makatulog. Bwesit kasi yong dalawa! Di maalis sa isip ko! Huhu" madramang sabi ni Keyla.

kasalukuyan kaming nakahiga ngayon, katatapos palang namin actually mag shower. Akala ko tulog na siya dahil kanina nagrereklamo na antok na daw.

"Huwag mo na kasi isipin, manood ka nang YouTube para malibang ka." Sabi ko nalang.

"Ay Mabuti pa nga, hayst!"

Kahit naman ako nag rereplay pa rin sa isip ko yong nakita namin kanina. So ano na naman niya yon? KA DATE ULIT? Naku! Kawawa yong mga babae  niya, every other day iba iba kasama niya?! Tsk playboy!

Nanonood na ng video si Keyla at naka full volume na naman yong kantang pinapakinggan niya, adik na talaga ito diyan sa favourite singer niya.

Dahil katulad niya na hindi pa dinadalaw ng antok, kinuha ko na din ang cellphone ko para mag online. Nag seen ako sa group chat naming magkakaibigan na wala namang katuturan ang topic. Dahil tinatamad naman akong mag reply sa mga nagchat sa akin, tinignan ko nalang yong bagong nag sent ng fr sa'kin. May  nakita akong pamilyar na name. "Mezia Faith V. Arcangelez sent you a friend request" I click the confirm and started to stalk her.

For what I've saw, famous talaga siya sa social media, she had a thousands of react. Maraming tags at mentioned and name niya, pumunta ako sa photos niya at nakita kong marami siyang album. From friends, family, school at may kpop idol album pa.

Sa tagal kong nag stalk, may nakita akong naka tag siya at si Daryl sa isang group of picture, parang basketball liga at siya ang muse. Wow! she's So pretty in this photos.

Tinitignan ko lahat ng mukha nong nasa picture at napa second look pa ako sa isa pang pamilyar na mukha, this time, it's Luke. Mabilis kong kinlick yong tags at hinanap ko ang name ni Luke.
  

Nakita ko naman ka agad yong name niya "Luke Ian Leandado" pinindot ko ito at napunta ako sa profile niyang nakaupo at may hawak na libro, sus libro?!...tsk don't me you playboy!

Nakita ko yong bio niya at lalo lang akong natawa. "I love the way you stared at me"  then "stared at me baby" sussssss apaka playboy talagaaaaaa!

Gaya ng ginawa ko kay Mezia, nag stalk na rin ako sa kaniya at yes, from his albums malalaman mo talagang lapitin siya ng babae. Pano ba naman yong mga photos niya may kung sino sinong babae kasama!

Aalis na sana ako sa timeline niya dahil wala akong nakikitang matino pero naagaw ng story niya yong atensiyon ko. It's kinda familiar to me...... dahil sa kagustuhang makita ito ng malakihan napindot ko ito at huli ko ng narealized na malalaman siya na isa ako sa nagview!!! Dahil sa kaba, aksidente kong na touch ang heart! Lalo akong kinabahan at potangina napindot ulit ng ring finger ko ito kaya tatlo yong na send na heart!!!! OH MY GOD!!!!

Dahil sa kaba, mabilis akong nag offline at nilagay ka agad ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Shit! Anong gagawin ko?!

Pinagpapawisan na ako. Nakakahiya! Anong iisipin non?! Na iniistalk ko siya?! NO!!! THAT WAS AN ACCIDENT!

YES IT IS! but......nakakahiya pa rin!

My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)Where stories live. Discover now