Chapter 2
Nagmamadaling pumasok sa loob ng gate ng AF Book si Nerissa. Humahangos na naglakad siya sa kahabaan ng printing area. Isang oras na siyang late. Na-traffic siya nang husto sa bandang España dahil may nagbanggaang mga sasakyan at hindi agad naitabi ng mga traffic enforcer ang mga iyon.
"O, Neri," ani joey nang nakita siya. "Ngayon ka lang?"
"Oo, Traffic, eh,," aniyang nilingon ito habang nagmamadali pa rin sa paglalakad. At dahil hindi siya nakatingin sa dinaraanan, bumangga siya sa kung ano. Pagpihit niya ay nakita niyang isang tao iyon. Muntik na itong mabuwal. Nakakapit ito sa gilid ng makina at yukong-yuko. "Sorry," hinging-paumanhin niya. "Sorry talaga." Pagkatapos ay iniwan na niya ito. Kung hindi lang siya nagmamadali ay dadaluhan pa niya ito.
Mabilis na umakyat siya sa hagdan at dumeretso sa editorial department. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala pa sa mesa nito ang editor in cheif nila na si Miss Andrea. Sana ay hindi pa ito dumarating. Tiyak na mapapagalitan siya nito kapag nalaman nitong late siya. Pangatlong beses na iyon na na-late siya nang buwang iyon. Kapag nalaman nito iyon ay baka masuspendi na siya. Mahigpit pa naman ang kompanya pagdating sa tairdiness.
Labinlimang minuto ang lumipas nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon si Miss Adrea . parang gusto niyang magtago sa ilalim ng kanyang mesa nang huminto ito sa tapat ng cubicle niya.
"Ma'am?" nag-aalalang tanong niya.
"Ipinapatawag ka ni Sir Alexis," anito.
"B-bakit daw po?"
Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Naghihintay siya sa office niya."
Hindi niya alam kung makakahinga siya nga maluwag dahil hindi siya nsita na na-late siya sa pagpasok. Pero ipinapatawag naman siya ng big boss nila. Ni minsan ay hindi pa siya nakapasok sa loob ng opisina nito at lalong hindi pa niya naranasang ipatawag nito. Karaniwang ito ang nagtutungo sa kanilang departamento kung may sasabihin ito sa kanila o kahit kay Miss Andrea.
Tahimik siyang lumabas ng silid. Nasa pinakadulong bahagi ng ikalawang palapag ang opisina ni Sir Alexis. Pagdating doon ay kinakabahang kumatok siya sa pinto bago iyon marahang binuksan.
Nakaupo sa swivel chair nito si Sir Alexis at hindi ito nag-iisa. May lalaking nakaupo sa visitor's chair sa harap ng mesa nito. Nakasuot ang lalaki ng puting- T-shirt at maong na pantalon. Bahagyang nakayuko ito. May suot itong gray baseball cap kaya natatakpan ng visitor niyon ang mukha nito,
Tahimik na lumapit siya sa mesa. "Ipinapatawag n'yo raw po ako, Sir?"
"May nasirang makina sa ibaba. Ikaw ang itinuturo niyang dahilan," ani Sir Alexis na itinuro ang lalaking nakaupo sa visitor's chair.
Napatingin siya sa lalaki. "Bakit ako?"
Nanatiling nakayuko ito. "Kung tumingin ka sa dinaraanan mo kanina, hindi mo ako mababangga. Hindi sana mahuhulog ang cell phone ko sa makina."
Nanlaki ang mga mata niya. Ito ang lalaking nabangga niya kaninang nagmamadali siya? Agad niyang naunawaan ang sitwasyon niya. Bumaling siya kay SiR Alexis. "M-magkano po ang halaga ng damage, Sir?"
Para siyang maliliyo. Parang nais niyang maglahong parang bula nang bumuntong-hininga ito kasabay ng paghilot nito sa noo. "Hindi ko pa alam kung gaano kalaki ang damage."
Nakagat niya ang ibabang labi niya. Ibibigay na ba nito sa iba ang manuscript nito? Tatanggalin ba siya nito sa trabaho?
Narinig niyang bumuntong-hininga rin ang lalaki. "Kasalanan ko rin, Ser," anito. "Nagse-cell phone ako sa trabaho." Muli iton humugot ng malalim na hininga. "Sige, Ser. isasangla ko na lang ang titulo ng bahay namin para mabayaran ko ang damage."
BINABASA MO ANG
My Love My Hero
RomanceNakahanap ng isang kaibigan si Nerissa sa katauhan ng misteryosong si Blue-ang taong sinabi ng kapatid niyng namayapa na maari niyang hingan ng tulong kung kakailanganin niya iyon. Subalit ni minsan ay hindi pa niya nakita ito at ang tanging paraan...