Simula.
“Teka, ano nga ba ang susunod?” Napabuntong hininga ako dahil sa frustration na nadarama ko.
Para hindi ako masyadong mastress, bumaba muna ako sa kitchen para kumuha ng makakain pero nang mabuksan ko ang refrigerator ay lalo akong nafrustrate dahil sa walang laman na ref ko kundi ang gatas na selecta at itlog. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang inumin nalang ang selectang natira. Ewan ko kung kelan pa ito, nagugutom na kasi talaga ako.
Habang umiinom ako ay may pumasok na ideya saaking isipan at kaagad akong tumaas sa kwarto ko at tinype ang naisip kong scene sa aking computer.
Hinabol ni Sean si Shane na nasa elevator na, hinarang niya ang kamay niya sa pasarang elevator at bumukas naman iyon. Napabuntong hininga si Shane at sinamaan ng tingin si Sean. “Please, don't do this to me,” sambit ni Sean na tila ba paiyak na.
Napapalakpak ako dahil sa paghangang naramdaman ko sa sarili ko. Habang tinatype ko pa ang kasunod na pangyayari ay bigla namang tumunog ang doorbell. Napairap ako! Putek, istorbo naman, oh!
Nagpaulit ulit ang tunog ng doorbell kaya naman mas lalo akong nainis kaya hindi ko na natiis na hindi lumabas. Dali-dali akong padabog na bumaba.
“Sino ba yan! Makaintay ka naman!” Bwisit na sambit bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. Tumambad saaking mukha ang dalawa kong kaibigan. Napairap ako.
“Problema nyo? Istorbo, oh!” Inis na sabi ko pero binalewala lang nila at tuloy tuloy na pumasok. Napairap ulit ako. Umupo na sila kaagad sa sofa kahit hindi ko pa naman sinasabi. Matagal ko na silang kaibigan at wala lang naman saakin yon, mahigit 15 years na ang friendship namin kaya naman feel at home sila.
“Bakit kayo nandito?”
“May surprise kami!” They giggled as if matutuwa ako.
Umupo ako sa sofa katabi sila. Hindi sila nakasandal at nakaharap lang sila saakin.
“May trip ka to China!” Sabay nilang sabi.
Kumunot naman ang noo ko. Trip to China?
“Bakit ako nagkaron ng ganong trip? Tsaka wala akong pera!”
“Hindi mo na kailangang mamoblema sa pera girl!” Sambit ng babae kong kaibigan, si Eligh, sa wakas hindi na sila sabay magsalita.
Kumunot ang noo ko. “Bakit? Ano yon libre?”
“Oo! Wala ka nang poproblemahin! Kasi lahat ay libre! Transportation, hotel na tutuluyan, pati yung guide mo!” Si Hanz na ang nagsalita. “1 week ka don!” dagdag pa nya.
Agad naman akong napaisip. Libre lahat? Sa panahon ngayon, wala nang libre, ah!
“Wews, maniwala ako! Anong kapalit nyan ha!”
Umiling silang dalawa, “Promise, Kelly! Mageenjoy ka doon!” Si Eligh. Pero nagtataka parin ako!
“Paano ako nagkaron ng ganon na trip? Hindi naman ako sumasali sa ganon, e.”
Nagkatinginan naman silang dalawa. Huh! Akala nila ha. Ano kaya ang binabalak nila saakin?
Hindi naman sa wala akong tiwala sakanilang dalawa pero sobrang dami na ng kalokohang ginawa nila saakin! Ayoko nang madagdagan pa.
“Sinali ka kasi namin!” si Hanz. “Alam namin na gustong gustong pumunta sa China!” dagdag pa niya.
Tumangi tango naman si Eligh.
Napaismid naman ako. “Kelan ba yan?”
“Bukas na siya e---”
“ANO?!” Napabulalas ako. “Shocks! Di naman ako ready, uy!” Bigla tuloy akong nataranta.
Natawa naman sila. “Chills! Tutulungan ka namin magimpake, mahaba pa naman ang oras e! Alas dos pa naman,”
Sinamaan ko sya ng tingin. “Ayoko na!”
Hinawakan ako ni Eligh sa braso. “Te, kami na bahala dito,”
“Okay...” Napaisip naman ako. “Yung bahay ko ba? paano to?”