Dahil sa akala tayo'y umaasa.
Inaakala
By:Jsmithy_16
Styler P.O.V
"Saan ba tayo pupunta,Styler?"
Napatingin ako kay Ailine na nakayuko.Nakayuko siya kasi umiiwas siya na magkasalubong ang aming mga mata.
Nang sinundo ko siya kanina sa opisina nila bakas ang lungkot sa kanyang mukha.
Napahinga ako ng malalim at inihinto ko ang sasakyan.
"Mahal kita,Ailine."
Hinawakan ko ang Jaw niya para iangat ang mukha niya.Pero inalis niya ang kamay ko at tumingin siya sa gilid.
"Maghiwalay na tayo,Styler.Pagod na pagod na ako."
Napailing nalang ako at bigla nalang tumulo ang mga luha sa aking mga mata na kanina pa nangingilid.
Noon pa man ito na 'yong kinatatakutan ko na makipaghiwalay siya sa akin.Nine years kaming nagsama pero sa siyam na taon na 'yan hindi mapipigilan na may susuko at alam ko rin na hindi na siya masaya sa piling ko.
"Ayaw ko na Styler.Hindi puwedeng maging tayo kasi hindi ako mabubuhay sa pagkanta mo."
Hindi parin siya makatingin sa akin,nakatitig lang siya sa rear view mirror ng sasakyan.
"Gano'n lang ba kadali para sa'yo na makipaghiwalay sa akin?"
Hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig at nanlalamig.
"Alam ko na bukod pa do'n may dahilan ka pa kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin."
Saglit siyang napatingin sa akin."Huwag mo nang itanong pa kasi sapat nang dahilan ang SALITANG PAGOD na ako."
Agad siyang bumaba sa kotse.Hindi ko na siya pinigilan pa kasi ayaw ko nang ipagpilitan pa ang sarili ko sa kanya.Mahal ko siya at nirerespeto ko ang disesyon niya.
Nang nakauwi na ako sa bahay, bumungad agad sa akin ang makalat na sala at ang kapatid kong lasing na nakahiga sa sahig.
Pati kapatid ko dagdag pa sa problema ng buhay ko.
Napaupo nalang ako sa couch at napahawak ako sa ulo ko.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Natanggal ako sa trabaho dahil palagi akong late pumapasok.Pagkanta nalang sa Bar ang inaasahan ko at ngayon nawala na ang babaeng pinakamamahal ko.
Bigla naman tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko ito mula sa bulsa ko.Agad kong sinagot ang number na tumatawag sa akin.
"Kilala niyo po ba si Ailine Mendez?"
Agad akong nabuhayan dahil sa lalaking nagtanong sa kabilang linya.
"Oo.Sino ka?"
Napakagat labi nalang ako at nagpipigil ng galit kasi sa tingin ko siya ang ipinagpalit ni Ailine sa akin.
"Pulis po ako.Naholdap po at napatay si Ailine.Dead on Arrival po siya."