No part of this book maybe reproduced in any form of by any means without the author consent. Please obtain permission. Names, characters, places, and incidents are product of the author imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual event or locales or persons leaving or dead, is entirely coincidental.
****
Napapadyak nalang ako sa inis wala nanaman akong trabaho!
"Ate ang pangit pangit mona nakabusangot kapa," napatingin naman ako sa kapatid kong si Cony
"Hoy Cony mag sitigil ka! hindi kita bibigyan ng baon makita mo!" inis na bulyaw ko sakanya tawagin banaman akong pangit hello sa ganda kong to.
"Hindi ka naman mabiro ate."
"Ohh nawalan ka nanaman ng trabaho?"
"Nanay uuwi ba si ate ng ganitong oras kung hindi sya nasisante." pambihira talaga tong Cony nato sarap sampalin.
"Mare!" napatingin naman ako sa pumasok si Tita Jolly.
"Ano nanaman ang I'm siyang Jolly kahit Jonno naman talaga pangalan nya.
"Makikikain ako. Anastasha–ohh! Sassy nasisante kano?" napabusangot naman ako.
"Ano pa nga ba tita hindi naman umubra nakapasok nga ako dahil sa menimorise ko yung sinabi mo pero pangtung tung wala na fire na agad." ang aga aga ko panamang nagising dahil akala ko mag tatagal ako.
"Hai nako ate ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at call center ang kinuha mo ehh hindi kanaman marunong mag english." Binatukan ko naman si Keisha na daldal ng daldal. Tatlo kaming mag kakapatid ako ang panganay pangalawa naman si Keisha pangatlo si Cony at nag iisang lalaki lang.
"Oo nga naman! pero may naisip ako ipapasok kita sa club na pinagtatrabahuan ko siguradong pasok ang beauty mo dun." sabi ni tita.
"Hoy Jolly! wag mong turuan ang anak ko sa pagiging pokp*k mo kundi malalagot ka saakin! hindi nya isusuko ang bataan para lang sa pera!" bulyaw ni nanay.
"Hoy Anastasha hindi ako pokpok! at syaka haler napaka KJ mo gagawin lang naman nya ay sasayaw dun hindi naman mag paking king!" napangiwi naman ako sa sinasabi nila wow! lang nandito ako sa harapan nila kung pag usapan sila kala mo nasa ibang bansa ako!
"Oo nga Nay para sabi rin ni tita Jolly na malaki daw ang kita dun." sabat ko.
"Ay nako Sassy mabastos kalang dun kaya hindi ako papayag." napabusangot nalang ako.
"Ay nako pag isipan nyo hanggat nag ha-hire pa sila. Hali nangang makakain nako."
****
Nang gabing yun kinumbinsi ko si Nanay na payagan ako hindi na naman ako minor syaka we need to be practical para mabuhay ohh english yun ahh!
Syaka hindi ko naman isusuko bataan ko no!
Pumayag naman sya dahil naisip nya rin si Keisha at Cony pano nalang ang pag aaral nila. Si Keisha third year highschool na si Cony naman grade 6.
Mas mahihirapan kami kung walang trabaho ako dahil dalawa lang kami ni nanay ang nag tatrabaho.
****
Maaga akong gumising upang ipaghanda sila ng makain.
Nag luto mona ako ng ulam inutang kopa to kila Biboy.
****
"Sassy sasama ka saakin mamaya mag sasalon tayo bibilhan narin kita ng damit para masuot mo."
Ani ni tita Jolly nakikikain saamin."Pero tita wala po akong pera."
"Sege na libre kona tutal nakikikain naman ako dito." napangiti naman ako.
"Sege ho."
"Nako malaman kolang Sassy na nag pa ga–"
"Nay hindi ko po yun gagawin kumain na ngalang tayo Nay."
Pagkatapos kung kumain hinugasan ko muna ang pinag kainan namin.
Naligo nako pagkatapos kong naligo nag sout lang ako ng simpleng t-shirt at jeans.
Sinuklay ko ang buhok ko at tinali.Tinignan naman ako ni tita Jolly at parang nandidiri kapal nag muks. Nandidiri pa talaga.
"Hay nako inaanak kaya ka natatagal palagi sa trabaho dahil ang badoy mo! gosh sayang ang beauty mo hindi ka marunong manamit!"
"Grabe ka naman tita." inirapan naman nya ako.
"Aalis nakayo tita? sama ako!" sabat ni Keisha.
"Nako tita wag nyo yang isama baka makasira yan." pang inis sanakanya ni Cony.
"Ay nako hindi ka pwedeng sumama inaanak kasi matatagalan kami mag pa paparlor ang ate nyo." napabusangot nanaman si Keisha.
"Sege na nga pero pasalubong tita ahh."
****
Pag karating namin sa mall pawis na pawis na kami hello kayo ba naman sumakay ng isang trysikel at dalawang jeep. Nasa skwater kasi ang bahay namin.
"Haii nako yung beauty ko!" reklamo ni tita.
"Nasan tita?" lumingon lingon naman ako hinanap ko ang sinasabi niyang beauty. San napad pad yun?
"Aray tita ahh!" reklamo ko ng batukan nya ako.
"Hindi kita elilibre tignan natin."
nang laki naman ang mata ko."Ay nako tita Jolly ehh sino bang nag sabi na no beauty ka? ikaw kaya ang pinaka sexy sa universe!"
"Nasaan ang ganda dun!"
****
Una naming pinuntahan ang salon ipapa ayos raw ang buhok ko.
Umopo ako sa upuan nakita kong nakipag chikahan si tita Jolly sa kaibigan niyang bakla rin.
Agad naman akong pinuntahan ni tita.
"Ito ba?" tanong ng kaibigan niyang bakla.
"Oo iyan nga."
"Ang lagkit naman ng buhok mo eneng ganda pa naman." shocks kakahiya.
"Pasensyahan mo nayan bakla nag titipid ng shampo." napangiwi nalang ako sa sinabi ni tita. Hindi talaga ng titipid dahil minsan lang ako nag sha shampo! wag kayong maingay huh. Pero syempre jokes lang kasi hinahati kolang talaga.
May ginawa sila sa buhok ko na hindi ko maintindihan ang sakit na nga ng ulo ko dahil hila dito hila doon. Pero at the same time nakaka relax din.
May dumating naman na dalawang bakla at kinuha nila ang kamay ko at minanicure pati narin ang paa ko.
Kinulayan pa nila ang mukha ko.
Mag gabi na yata bago kami natapos.
"Ohh gora na!" agad naman akong napatingin sa salamin.
"Sandali kung sino man ang nasa salamin excuse hindi ko makita ang mukha ko where na me?"
"Aray tita!" bobo na nga ako mas bobo pa aba naman makabatok wagas!!
"Ikaw yan ohh diba ang ganda mo saan ka nag mana sa tatay mong kano." totoo nga naman maganda naman talaga ako 'yun ang sabi nila' kulang lang daw sa ayos. Yung mata kung kulay berde na namana raw sa tatay kong kano ni hindi konaman nakita ever since.
Napatingin naman ako sa buhok ko na hanggang bewang kanina ngayun hanggang braso nalang at kulot ang dulo.
May kulay red lipstick narin ako sa labi at mamula mulang pisnge dahil sa nilagay na blush on. Pero sinimplehan lang naman.
"Sege na mag bihis kana eto gurl." agad ko namang kinuha ang binigay nila saakin at pumasok sa comfort room at nag bihis.
Ang ganda ng damit ko pero yun naman kaikli na hangang legs kolang at hapit na hapit pa saakin kita pa ng cleavage ko.
Its a red dress back less pa . sinout ko naman ang 6 inch na heels first time ko ata mag sout ng ganitong heels at dress.
Lumabas naman ako at napatingin sila saakin.
"Perfect! siguradong malaki ang kita mo ngayun dahil baguhan kapalang at bawal lang mag paking king ahh malagot ako kay Anastasha nako! dancer kalang indi prostitute!" tumango naman ako at ngumiti good luck nalang sa mala bulate kung galaw.
YOU ARE READING
MR. Billionaire got me pregnant
Random"Panagutan mo ako!" yan agad ang unang lumabas sa bibig nya. she's Sassy Morene Wenson pangalan lang ang mayaman sakanya. pero hindi talaga siya mayaman wala rin siyang pernimenting trabaho. kaya naman napilitan siyang pumasok sa club para maging d...