Nanlalata akong nakahiga sa kama at parang gulay. Ang sama ng pakiramdam ko. Humawak ako sa may sentido ko at saka hinaplos-haplos ito."Please.. please.. Let me sleep..let me sleep.." ungot ko habang nakahiga sa kama.
Alas tres na ng hapon.
Last night, nagplano sina mama na mag-jogging daw kame ngayong araw dahil, wala lang. Bigla lang niyang naisipan. Wala kasi siyang trabaho dahil hindi nagtinda ang boss niya sa palengke ng isda ngayong araw kaya naman sinusulit niya ang itong araw para maka-bonding kameng mga anak niya.
It was sunday today and sakto, wala akong pasok sa ROTC ko today for some reason kaya naman sabi ko sasama ako.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kung kailan ko pinagbibigyan ang sarili kong matulog ng maaga ay saka pa ako hindi dapuan ng antok. Sa kapipilit ko sa sarili kong matulog kagabi, mas lalo lang akong hindi nakatulog.
Kaya ang nangyare, nag-jogging akong bangag dahil literal na walang tulog. Akala ko pag-uwi ko, makakatulog na ako pero hindi parin talaga ako dapuan ng antok! Ang sakit na sa ulo!
I even came along with my family when they decided to swim at the sala river sa kagustuhan kong lalong mapagod ang katawan ko—nagbabaka-sakaling makakatulog na ako sa ganoong estado. Kaso sa kasamaang palad, pag uwi namen ay wala parin talagang nangyare. Naiiyak na ako.
Bagsak na ang katawan ko pero hindi parin talaga ako makatulog. My head hurts for fuckin' sake!
Dinampot ko ang cellphone ko na nasa gilid ko lang habang nakahiga sa kama. Mags-scroll na lang ako ng mags-scroll sa facebook hanggang sa mapagod ang mata ko.
Napataas ang kilay ko nang makita kong online si dada. Nangunguna siya sa Active now section ko. Himala, ang aga naman yata niyang mag-online? Usually kasi gabi pa siya lumilitaw eh. I tilted my head.
Hmm.. Maichat nga. I clicked his icon to compose a chat.
Me: Hello😔😔
Bigla ko lang naisip na sabihin sa kaniya ang dinaranas ko ngayong insomia dahil.. Wala lang. May mapag-usapan lang.
Kaso lumipas na ang ilang minuto pero hindi siya nagreply. Napabuntong hininga nalang ako. Baka may ginagawa..
Pinatay ko nalang ang cellphone ko at hinagis sa may lamesa saka tumulala sa kisame. Magsimula ka nalang mag-bilang ng tupa jane ..
After a few more minutes or maybe half of an hour, sa wakas nakatulog narin ako. O tulog nga bang matatawag iyon?
Pag gising ko, pakiramdam ko lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Sobrang ikli ng tulog ko, hindi sapat para ibawi lahat ng puyat at pagod ko!
"Urgh! Stupid head." asar akong napakamot sa ulo ko.
Inis akong bumangon upang abutin ang cellphone ko sa bedside table at saka muling nahiga. Wala pa akong planong bumangon.
I look at the clock.
5pm palang?! Tsk. Eh kaya naman pala parang walang naitulong yung pagtulog ko eh. Pakiramdam ko pumikit lang ako saglit. Napabuntong hininga nalang ako saka binuhay ang cellphone ko.
Ano pa ba ang magandang gawin? Edi natural, magbasa! Mabuti nalang hinahayaan ako nina mama na makapag-pahinga dahil alam naman nilang in-insomia na naman ako kagabi.
Inubos ko nalang ang oras ko sa kaka-wattpad hanggang sa may nagpop-up na chat head sa screen ko habang nagbabasa.
Si dada ..
Napangiti ako sa unang bungad ng mga chat niya saakin. Apat agad.
Dada: Bakit?
Dada: Anong problema?
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...