Nagising ako dahil sa bunganga ni Inay mula sa labas ng pinto ko. Gusto ko pang matulog kaya binalewala ko nalang ang pagsigaw ni Inay sa akin."Lou, kung ayaw mo buksan ang pinto! Hindi kita papayagan gumala sa mga kaibigan mo ngayon!" Sigaw ni Inay sa akin.
Teka lang, tama ba ang narinig ko. Gala? For real? Ngayon pa talaga.
"Papauwin ko nalang sila" Dali akong tumayo sa kama ko at binuksan ang pinto.
Naabutan ko si Inay pababa na sana mula hagdanan. Narinig din niya naman ang pagbukas ng pinto kaya huminto siya at ibinaling niya ang tingin sa akin.
"Akala ko ba hindi ka na lalabas diyan sa kwarto mo" Sabi ni Inay sa akin.
"It's a prank!" Habang inunat ko ang aking dalawang kamay. Pero ngiwian lang ako ni Inay. Tss.
"Halika ka nga dito muna Lou. May sasabihin ako sa iyo" Sabi niya.
Sinunod ko ang sinabi sa akin Inay. Nang nasa tabi ko na si Inay ay bigla niya na lamang pinisil ang kanang tenga ko."Anong prank ang pinagsasabi mo ha? Ikaw bata ka wala ka ng matinong alam sa buhay mo"
Pilit kong pumiglas kay Inay ngunit unti-unti din kaming bumaba mula sa hagdan patungo sa sala namin.
"Ouchy Inay! Aray ko po ang sakit! Tama na po"
Bigla akong may narinig na tumatawa mula sa sala. Shocks. Nandito pala ang dalawang kumag sa loob. I mean kahit hindi ko man sila nakikita. Alam ko na kung sino ang tumatawa sa akin.
"Nay, tama na po. Nakakahiya sa kanila" Biglang binatawan ni Inay ang tenga ko. Hinawakan ko ito at namumula nga dahil ramdam ko ang init nito.
"Sayang-saya?!"
Nahiya ako dun pero slight lang naman. Like duhh? They are my friends so there's nothing to worried about. Unless kung ikalat nila ito sa iba pang kasamahan namin.
"Nagmukha kang pwet sa baboy kanina Lou" Parang tumayo ang dalawang tenga ko sa sinabi ni Eleazar sa akin. Ginagaya pa niya talaga ang reaksiyon ko kanina. Loko-loko talaga ito. Loko naman talaga sa kahit anong anggulo.
Agad kong tinignan si Awwal sa mata dahil alam kong sasabayan niya sa tawa ang sirangulong Eleazar. Nakuha naman niya agad ang gusto kong iparating sa kanya. So it's a good thing that he didn't laugh.
"Talaga ba?" Kalmado kong sabi sa kanya pero hindi pa din siya tumitigil sa pagtawa. Relax lang self, relax.
"Sa tingin mo" Tawa niya ulit. Siraulo talaga.
Hindi ko nalang siya pinatulan bagkus ay pumunta ako sa kusina para manghilamos at magmouth wash na rin. Baka mas lumaki pa ang biro sa akin ni Eleazar.
Nang natapos akong manghilamos at magmouth wash ay binalikan ko na sina Eleazar at Awwal sa sala. Naabutan ko silang nakaupo habang nakatingin sa akin.
"Am I pretty ba?" Sabi ko nalang sa kanila.
"Yep! Yung dingding"
"Sino pala ang gumawa ng dingding niyo Lou. Sabi kase ni mama na gusto niya ng i-renovate ang dingding ng kwarto ko baka pwede mong i-recommend siya sa akin" Then Eleazar smiled.
Tss. Mga walang kwentang kaibigan. Hindi marunong sumuporta.
"Namatay na" Tipid kong sabi. Nagulat sila sa sinabi ko. Totoo naman na namatay na yung gumawa ng bahay namin. It's because of an accident.
"Owss?" Ayaw maniwala ni sirulo ah este Eleazar.
"Mukha ba akong nagbibiro Eleazar" Habang umupo ako sa sofa. Nakakapagod kayang tumayo.
"Always" Duh! Walang matinong usapan pagdating kay Eleazar. Minsan din napaisip ako kung bakit naging kaibigan pa namin ang sirangulong lalake na ito. Bigat sa ulo. Oh My Precious Brain!
Hindi na napigilan ang tawa na kanina pa gustong ilabas ni Awwal. Isa pa ito, nakakadagdag lang ng stress. Kung may boss, may sekretarya din. Laging buntot sa siraulo.
Minasahe ko nalang ang sentido ko. Oh My Precious Brain. Nakakawala ng brain cells. Umagang-umaga ito na agad ang bumungad sa akin.
Kalma lang self. Kalma lang. Don't mind these idiots.
"So anong gala pala ang sinabi ni Inay? At asan ba 'yan?" Pagiba ko nalang ng usapan. Ito naman ang dahilan kung bakit sila narito ngayon sa bahay.