Chapter 1
Sa edad na walo nakaramdam ng inggit si Celine sa mga batang naglalakad sa tapat ng bahay nila. Malungkot syang ini-imagine ang pakiramdam ng pumapasok sa eskwelahan. Hindi tuloy nya matiis na hindi matanong ang Ina na si Cory.
"Mama, bakit hindi parin po ako pumapasok sa eskwelahan? Yung mga kalaro ko pong sila Yeng tyaka Aldwin pumapasok po dun. Diba po magkaka edad naman po kame?" Malungkot na tugon ng bata.
Nalungkot tuloy si Cory. Hindi nya masabi sa nag-iisang anak na hindi nya ito kayang pag-aralin kaya...
"Anak, wala ka kasing matutunan dun. Sa totoo lang puro laro tyaka kalokohan lang ang tinuturo sa eskwelahan. Hayaan mong ako na mismo yung magtuturo sayo." Sabi na lamang ni Cory sa anak.
Malungkot pero tila nagtataka si Celine dahil naalala nyang kapag naglalaro sila nila Yeng at Aldwin ay tinuturuan sya ng mga ito na bumasa at sumulat pero hirap sya dahil sa wala syang sariling gamit pang eskwela. Hindi na lamang umimik ang bata at tumahimik nalang sa tapat ng bintana habang nakatingin sa labas at tinitignan ang mga batang hinahatid ng kanya kanya nilang mga magulang papasok sa eskwelahan. Inisip nalang ni Celine na mas maganda nalang siguro na samahan nya sa paglalako ng kakanin ang ina na si Cory. Importante siguro ang pera kesa sa edukasyon para sa kaalaman nya...
*
9:50pm
Malungkot si Cory habang pinagmamasdan ang anak na mahimbing na sa pagkakatulog. Naluluha sya dahil hindi manlang nya ito kayang pag-aralin. Marahan nya itong tinabihan sa higaan. Binulungan din nya ito at sinabing mahal na mahal. Tahimik na umiiyak si Cory at humihingi ng tawad sa anak dahil sa mga pagkukulang nya dito.
"Mahal na mahal kita Celine. Patawarin mo si Mama. Hindi kita mapag-aral. Kulang na kulang kase yung kinikita naten sa pagtitinda ng kakanin kaya wala akong pambayad sa eskwelahan para makapagsimula kana. Patawarin mo ko anak." Bulong ni Cory.
Inaalala nyang baka kung nakilala nya ang ama ng anak ay sana binigay na lamang nya ito. Siguro hindi nahihirapan ng ganito ang anak nya. Inalala ni Cory yung panahon na may mangyari sa kanila ng ama ni Celine. Halos hindi nya maaninag ang itsura ng lalaking yun dahil sa sobrang kalasingan. 1st year college si Cory ng mangyari ang bagay na hindi naman nya ginusto. Nalasing lamang sya at paggising ay nakahubo't hubad na. Lumipas ang isang buwan nang malaman ni Cory na nagdadalang-tao na sya at si Celine nga ang batang dinadala nya sa sinapupunan. Labis na nadismaya ang mga magulang ni Cory dahil sa nangyari sa kanya. Tinakwil sya't pinalayas ng mga magulang. Maging ang mga kapatid nya'y wala ng pakelam sa kanya dahil ang tingin nila sa kanya ay nakakahiya at salot sa pamilya. Habang inaalala ni Cory ang mga bagay na yun ay naninikip ang dibdib nya. Sobra syang nasasaktan at nagsisisi pero hindi nya pinagsisihan na nagkaroon sya ng anak na gaya ni Celine. Mabait na bata ito at malambing. Masipag at mapagmahal din kaya iniwan man si Cory ng lahat ay alam nyang hinding-hindi sya iiwanan ng pinakamamahal na anak...
*****
Celine*
POVPagkatapos naming magtinda ni Mama ay umuwi na muna kame para makakain ng pananghalian. Mula umaga kase nagtitinda kame. Titigil lang kame kapag alas dose na ng tanghali.
"Anak, saan mo gustong kumain? Birthday mo ngayon kaya mamamasyal tayo mamaya." Masayang sabi ni Mama.
Sobrang natuwa ako sa sinabi ni Mama. Oo nga at birthday ko na nga pala ngayon. 10 years old na ko tyaka sakto wala akong pasok sa school. Masaya kong sinabi kay Mama na gusto ko sa Jollibee kaya dun kame kumain ng pananghalian...
*
Habang kumakain kame ni Mama nakita ko sina Haydee at Glenda. Mga kaklase ko sila kase Grade 2 palang ako pero 10 years old na ko hindi gaya nila na Grade 2 pero 8 years old palang. Dahil sa edad ko e tinutukso nila ako. Inaasar din ako sa school pero para kay Mama nagpapakatatag ako. Tyaka sabi ng mga teachers e matalino ako kaya gagamitin ko to para mapatunayan sa kahit na sino na hindi basehan ang tanda ko para maliitin lang nila.
BINABASA MO ANG
Just a Toy
Short StoryMasayang simula na mauuwi sa Impyernong buhay. Hindi lubos akalain ni Celine na magiging laruan sya ng isang anak mayaman na si Ethan. Kahulog hulog ba ang pang-aakit ng binata? O pwersahan nyang ipapamukha kay Celine kung sino sya sa buhay ng Dalag...