Chapter 8
Celine*
POVPaggising ko nasa ospital na pala ko. Nandito sila Daddy at ang anak kong si Cielo. Nandito din ang step mother kong si Mommy Anastasia. Nag-aalala ang reaksyon nilang tatlo habang kinakamusta ako.
"Mama, kamusta kana po? Nagugutom ka po ba?" Tanong ng anak ko.
"Yeah hija, may gusto ka bang kainin? Anything para makabili agad tayo?" Sabi naman agad ni Mommy Tasya.
"Anak, nahihilo kapa ba?" Tanong naman ni Dad.
Nangiti ako sa kanila. Sabi ko e wag na silang mag-alala kase okay na ko. Baka kailangan ko na talaga ng libangan para hindi ko naaalala yung nangyari saken dati.
"Bakit Mama, ano po bang nangyari sayo before? Pwede ko po bang malaman?" Nag-aalalang tanong ng anak ko.
"Cielo anak, H-Hindi pa ito yung tamang panahon para sabihin sayo. A-Ayoko din munang pag-usapan kase masakit pa sa puso ko yung magkwento." Mahinahon kong sabi.
Naiintindihan naman daw ng anak ko kung ano ang pinaghuhugutan ko pero sana daw ay masabi ko na sa kanya para nakakatulog na sya ng maayos sa gabi. Humingi ako ng pasensya o sorry kay Cielo dahil natatakot ako na baka magalit sya kapag nalaman nyang buhay pala ang tatay nya at hindi naman talaga patay.
"Osha, magpapabili ako ng lugaw kay Gilbert para makakain na si Celine." Sabi ni Mommy Tasya...
*
Nakiusap saken sila Daddy at Mommy Tasya na dun na muna kame umuwi ni Cielo sa Mansion nila para mabantayan ako. Nakakahiya man pero kahit ang anak ko nakiusap na saken para daw hindi ako nalulungkot sa bahay lalo't mag-isa lang ako dun kapag pumapasok sya sa school.
"Ipapakilala kita sa pamangkin kong si Shiela. I'm sure magkakasundo kayo hija." Masayang sabi ni Mommy.
"S-Sige po Mommy. Kailangan ko din kase ng nakakausap o ng kaibigan para malibang na talaga ako. Ayoko na din po kasing bumalik dito sa ospital." Sabi ko.
Kinuwento saken ni Mommy Tasya na galing pa sa Amerika ang anak ng kapatid nya. Gusto daw ni Shiela ng bagong kaibigan at mukhang ako na yun. Sabi ni Mommy mahilig daw mamasyal si Shiela kaya mas maganda kung sasama ako sa pamangkin nya para makalimutan ko na yung masasakit na mga pinagdaanan ko. Excited naman akong makilala ang magiging bago kong kaibigan. Sa tagal kong nasa ospital e puro nurse at doctor lang ang naging kaibigan ko pero alam kong hindi naman nila ako gaano ka close dahil pasyente lang ang tingin nila saken. Sabi nila Mommy at Daddy ay magiging good influence daw saken si Shiela kahit medyo maarte daw e may mabuti naman daw puso ang taong yun...
*****
After 3 Months...
Nakatambay si Ethan sa isang club. Naglalasing sya dahil sa stress na ginagawa ng magulang nya. Kahapon lang kasi naghiwalay nanaman ang Mommy at Daddy nya. Gumawa nanaman kasi ng eskandalo si Editha sa meeting mismo ni Nathaniel sa mga kapwa School Owners. May isang magandang babae kase na nagmamay-ari ng isang University sa Pasig City at yun ang pinaghinalaan ni Editha na bagong kinababaliwan ni Nathaniel. Sa meeting mismo ng mga School Owners nagwala si Editha at sinaktan pa mismo ang nasabing babae. Dahil sa eskandalo ay nagkaroon ng Warning ang Star University.
"Nakakasawa na. Tsk..." Bulong ni Ethan.
Humingi pa sya ng isang boteng beer sa bartender na kaharap nya. Solo lang syang nakaupo sa Bar at wala ni sinong kasama. Naiinip sya at gusto mang ayain na mag-inom ang mga barkada at girlfriend nyang si Elisse ay mas pinili nyang magsolo nalang para sarilihin ang problema.
"Hays."
"Sir eto na po yung beer nyo." Sabi ng lalaking bartender.
Nag thank you si Ethan sa lalaki saka nilagok ang boteng beer na kaka abot lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just a Toy
Proză scurtăMasayang simula na mauuwi sa Impyernong buhay. Hindi lubos akalain ni Celine na magiging laruan sya ng isang anak mayaman na si Ethan. Kahulog hulog ba ang pang-aakit ng binata? O pwersahan nyang ipapamukha kay Celine kung sino sya sa buhay ng Dalag...