It's Amalia Monte Lucas

705 6 1
                                    

Chapter 9

Agad umiwas ng tingin si Celine sa malagkit na titig sa kanya ni Ethan. Tumingin na lamang sya kay Rona na nagtataka sa kinikilos nya pero nanatiling kalmado.

"What can i help you boys?" Sabi ni Shiela sa kaharap nyang si Mac na nakangisi naman sa kanya.

Nakita ni Shiela na gwapo ang mga lalaking lumapit sa kanila pero kailangan nyang magpaka hard to get. Naging mataray sya't seryoso sa pagsagot sa kada tanong ni Mac kung ano ang pangalan nya at ilang taon na sya. Nagtanong din ang lalaki kung single sya at sinagot naman ito ni Shiela.

"Yes, i am single." Sagot ni Shiela.

"What about your friends? Single din ba sila? And is it okay kung makiki join force kame ng table sa inyo?" Nakangiting sabi ni Mac.

Tumingin si Shiela sa mga kasama. Tila nae-excite naman ang reaksyon ni Ynna dahil inaakit sya ng tingin ni Troy. Si Rona naman nakikipag titigan kay Evo. Lahat ng ito na plano na ni Ethan para masolo nya si Malia na ngayo'y ayaw naman syang tignan.

"Don't be so nervous..." Sabi ni Ethan kay Malia.

Tahimik lang si Celine at uminom ng alak saka nagpaalam sa mga kasama na magbabanyo muna...

*

Pagdating ni Celine sa banyo tinitigan nya yung sarili nya sa salamin. Tinitignan nya kung maaalala ba sya ni Ethan okaya ay mamukhaan.

"Hmm. Makapal naman yung make up ko kaya hindi naman siguro nya ko mamumukhaan." Bulong nya sa sarili saka naisip na baka eto na yung panahon para makaganti sya sa lalaking nanakit sa kanya sa loob ng tatlong taon mahigit...

*****

Ethan*
POV

Hinihintay ko talaga dito sa gilid si Malia. Napansin kong umiiwas sya pero I'll do everything para maging magkaibigan kame.

"Uhm, hey." Sabi ko dahil eto sya't kakalabas lang ng restroom.

Medyo nabigla pa ang reaksyon nya kaya humingi ako ng pasensya kase baka isipin nyang iniistalk ko sya o minamanyak.

"Sorry, uhm. G-Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo miss." Sabi ko.

"Oh, y-yeah. Uhm, hi?" Nahihiya nyang sabi.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Nag "Hi." Din ako sa kanya at nakipagkilala.

"Ethaniel Star. But you can call me Ethan..." Masaya kong sabi tyaka ako nakipagkamay sa kanya.

Tinanggap naman nya yung pakikipag shake hands ko tapos e nagpakilala din sya.

"I'm Amalia Monte Lucas. Malia nalang." Nakangiti nyang sabi.

Ang ganda nya at gusto ko yung matamis nyang ngiti. May naalala ako sa ngiti nyang to pero hindi ko matandaan kung kanino ko na ito nakita. Basta ko nalang syang inaya na pumunta na kame kung nasan ang mga kasamahan namen. I offer my left arm at kumapit naman sya kaya may kakaiba akong naramdaman. Parang spark na tumarak sa puso ko...

*

After 4 hours na nag-iinuman kameng walo...

Sa nakikita ko e sanay sa inuman ang mga babaeng kasama namin. Nakita ko kase sila Evo at Troy na naniningkit na ang mga mata pwera nalang samin ni Mac na talagang sanay na din kame sa alak. Itong mga babae naman e parang wala lang sa kanila yung halo halong alak na iniinom nila. Si Malia naman ramdam kong lasing na pero pinipilit nalang nyang idilat ang mga mata nya dahil siguro natatakot sya kase katabi nya ko tapos hindi naman nya gaano kakilala.

"Hmm."

"Boys, saan kayo umuuwi?" Tanong ni Shiela.

Sumagot si Mac na iisang Village lang ang inuuwian namen apat. Kinuwento pa ni Mac na magkababata kaming apat at si Evo nga daw ang mas matanda samen.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon