Chapter 12

4 1 0
                                    

Love Story

_Next Day

Maagang dumating si Kylie sa school at wala na sa muka niya ang lungkot, unti unti niya ding nakakalimutan si Clifford.

Pumasok siya ng Library at mukang walang tao, Pinili niyang pwesto ang gilid malapit sa bintana at nag simulang mag scan ng libro.

"Good morning"

Nagulat si Kylie at napalingon sa likod niya at sa hindi sinasadya ay nag tama ang mga mata nila. Natulala si Kylie at Xander sa isat isa, hindi nila namalayan ang pag dating ni Clifford.

Nakita ni Clifford ang ng yare, Hindi niya alam kung masasaktan siya o matutuwa sa ng yare. Agad itong umalis ngunit.

"San ka pupunta Clifford?" Tanong ni Xander dahilan para mahinto si Clifford sapag hakbang.

"Gusto kong sabihin sayo na wala kanang babalikang Kylie at ayokong malaman na pinag tataasan mo siya ng boses dahil kapag  nakita ko pa siyang umiyak ng dahil sayo, hindi kana sisikatan ng araw!"

Hindi ito umimik at nilingon si Kylie, Tinapunan niya ito ng masamang tingin.
At umalis.

"Kilala mo si Clifford?" tanong ni Kylie.

"Kilalang kilala" maikling sagot nito at lumabas ng library.

_Next Scene

"Bakit ngayon kalang? san kaba ng galing kahapon? bakit wala ka? alam mo bang alalang (cut)"

"Ano ba! Pwede ba layuan moko!" Sigaw ni Alexandra dahilan para maputol ang sasabihin ni Clifford.

Nabaling sakanila ang atensyon ng mga tao.
Napayuko nalang si Clifford at napa buntong hininga.

_Fast forward

Nasa Cafeteria si Kylie at Jenny, Biglang darating si Alexandra at tatabihan si Kylie.

Agad namang tumayo si Jenny at lumipat ng pwesto dahil sinenyasan siya ni Alexandra.

"Sabay na tayong kumain" Pag yaya ni Alexandra.

Ngumiti lang si Kylie kay Alexandra at tinanaw niya si Jenny kung saan ito nag punta. Pero imbis na si Jenny ang makita ay si Xander, Naka tingin din ito sakanya kaya binaling niya ang tingin kay Alexandra.

Ng matapos silang kumain ay nag yaya na siyang bumalik ng Classroom.
Tumango lang si Alexandra at hinawakan ang kamay niya.

Nakita ito ni Clifford, Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.

_Next Scene / Music Room

"Bakit ayaw mokong pansinin? Bakit umalis ka sa banda! bakit pinapahiya moko sa harap ng tao!!!" Sunod sunod na tanong ni Clifford

"Kasi halata naman diba! ayoko sayo! Hindi kita gusto Cliff-(cut)"

"KASI ANG GUSTO MO SI KYLIE!?" Nag iba ang tono ni Clifford at hindi ito nagustuhan ni Alexandra.

Nasampal niya si Clifford ng biglaan.

"Oo gusto ko si Kylie! Bisexual ako Clifford kaya tigilan mo na ko!"

Kinuha ni Alexandra ang bag niya at agad umalis. Hindi naman makapaniwala si Clifford sa narinig niya, napangisi nalamang ito.

_Next Day

Maagang nag punta si Kylie sa library para hanapin ang paborito niyang libro since High school siya.

"Ayun!" sabay turo sa taas, Kinuha niya ang apakan at pilit na inaabot ang libro.

Ng makuha niya ang libro ay nawalan siya ng balanse at muntikan ng mahulog ngunit agad naman siyang nasalo.

"Sa susunod kasi tawagin moko, para ako nalang ang kukuha ng libro para sayo."

Hindi naka kibo si Kylie at umalis sa mga bisig ni Xander.

_Fast Forward

Nakatulala si Kylie sa bintana, At walang hiyang ginulat siya ni Alexandra.

"Ano ba!" Inis na sabi ni Kylie tinarayan niya pa ito.

"Sorry na, lalim ng iniisip ah?" tanong ni Alexandra

"Wala ah, hindi ah! Iniisip ko lang naman ung lesson namin kahapon." pag sisinungaling ni Kylie.

Kylie's POV

"Bakit ko ba iniisip si Xander?  hyst! ano ba! delete delete delete!"

Sabay na kaming nag lakad pabalik sa  Classroom namin at hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Xander.

_Flashback

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako lumipat ng University, Nag kita na tayo noon eh, hindi mo lang matandaan, Nagka bangaan tayo sa Museum sa Cavite, nahulog mo yung ID mo, At hindi ko na sayo yun nabalik, hindi mo maalala kasi High School pa tayo non"
-Xander

"Alam ko ang dahilan ng pag iyak mo sa rooftop, alam kong boyfriend mo si Clifford, alam ko kung gano mo siya kamahal, Yung tipong hindi ka kakain ng hindi mo siya kasabay (laugh), Hindi ka uuwi ng hindi mo siya kasama, Yung wala kang kaalam alam na habang hinihintay mo siya may hinihintay din siyang iba"

"Napaka swerte niya sayo Kylie, pero sinayang ka niya, Teka yung panyo ko? kelan mo ibabalik?" Pabirong tanong ni Xander.

_Flash Back Off

"Kung ganon si Xander yun? Kay Xander tong panyo?" Kinuha niya ang panyo sa bulsa.

"L O V E S T O R Y" SEASON 1Where stories live. Discover now