Love Story
2 Months later ng mabalitaan ni Alexandra ang ng yare. Umuwi ito sa Pinas at agad niyang pinuntahan ang kapatid niya.
_Next Scene / Mansion
"Kuya!" Sigaw niya
Natagpuan niya itong, Naka hilata sa lapag ng kwarto, Lasing na lasing at nag kalat lahat ng gamit. Makikita niya rin ang basag na salamin at mga bote, Sugat sugat din at duguan ang kamao nito.
Hindi maipaliwanag ni Alexandra ang naramdamang awa sa kapatid niya. Ngayon niya lang ito nakitang nagkaganto.
Agad niya itong nilapitan at niyakap.
"Kuya Im sorry, hindi kita nagawang damayan sa mga panahong kailangan mo ng kadamay"
"Bumalik kaba dahil kay Kylie? kasi nalaman mong wala na kami? kasi nalaman mong iniwan niya na ko?" Tinitigan nito ng masama si Alexandra.
"Kuya nag kakamali ka, wala akong intensyong agawin sayo si Kylie, Tangap ko ng mag kaibigan lang kami."
"Kung ganon patunayan mo nga sakin."
Sabay ngisi ni Xander._Next Scene / Woon Sung University Clinic
"Ano ba! Diba nangako kang magiging Boyfriend kita kapag ginawa ko yung utos mo! ilang buwan nakong nag mumukang tanga, Clifford I really like you!"
"Hindi kita gusto Jessa, Kaya tigilan mo na ang kakahabol sakin" -Clifford
"So ano to? Ginamit mo lang ako para sirain si Kylie at Xander!?" -Jessa
Wala silang kamalay malay na may kasama pala sila sa loob ng Clinic.
"Oo ginamit lang kita kasi gusto kong masira si Kylie at Xander! kasi sa paraang yan alam kong hindi matitiis ni Alexandra si Kylie na napapahiya sa harap ng maraming tao, At hindi ako nabigo, Pinag tangol niya si Kylie sa maling dahilan, "Girlfriend ko si Kylie" HAHAHAHAHA! O diba dahil sa ginawa niya Mas nilayuan siya ni Kylie, Ang masaklap pa pati si Xander nadamay, Kaya pati kapatid niya galit sakaniya! Naka bawi na ako sa pananakit niya sakin! Sinaktan niyako ng sobra! Ginawa ko naman ang lahat para sakanya pero hindi niya ko nagawang mahalin! Kaya tama lang yan sakanila!"
Tuwang tuwa si Clifford dahil naging matagumpay ang kanyang plano.
_Next Day / Library
"Kylie! Kylie" Sigaw nito at pinag tinginan siya ng mga studyante sa Library.
"Shhhhhh!" Sabay taray ng babae
Ng makita niya si Kylie ay agad niyang nilapitan ito.
"Ano ba! bakit ka sumisigaw sa library?" Mahinang tanong ni Kylie kay Josh.
"Kylie tara lumabas tayo dito, may importante akong sasabihin sayo" Hinila niya palabas si Kylie at doon niya na sinabi ang mga narinig niya kay Clifford.
Mas lumala lang ang galit ni Kylie kay Clifford kung kayat susugudin niya ito.
Ngunit pinigilan siya ni Josh.
Hindi ito ang tamang oras para diyan, Paalis na si Alexandra at Xander, Papunta silang America, Wala kabang gagawin?
_Next Scene / Jenny
On Call. Kausap niya si Alexandra.
"Alexandra, Si Clifford, siya ang dahilan ng lahat kung bakit kayo nag away away, senet up niya lahat, Trinaydor ka niya Alexandra. Nalaman nadin ito ni Kylie, Asan na kayo? wag na kayo umalis, nakaka awa na si Kylie, Wala naman siyang kaalam alam sa ginawa ni Clifford."
"Alexandra, Lets go." Boses ni Xander.
"Saglit Kuya, I take this call lang." Sagot ni Alexandra.
Naupo si Xander at hihintayin ang kapatid niya.
"Nasaan si Kylie?" Tanong ni Alexandra.
"Papunta na diyan, kasama niya si Josh, Please wag na kayong tumuloy."
"Aalis na kami, gusto ko siyang makita kahit sa huling pag kakataon, Paki sabi sakaniya na mahal na mahal ko siya, at sorry sa mga pag kakataong pinaluha ko siya." (end call)
Pinunasan ni Alexandra ang mga luha niya, Ayaw niya kasing makita ito ng kapatid niya.
"Lets Go kuya" Nginitian niya pa si Xander.
_Next Scene
"Ano tutuloy talaga sila?! Hindi nila gusto makita si Kylie!?" Pasigaw na ang boses ni Josh.
"Oo kaya bilisan niyo na, hindi ko na ma contact si Alexandra, Paalis na sila!"
Habang nag mamadali si Josh sapag mamaneho ay Iyak naman ng iyak si Kylie
Hindi ito mapa tahan ni Josh kung kayat nanahimik nalang ito.
YOU ARE READING
"L O V E S T O R Y" SEASON 1
DragosteGaano mo man siya kamahal kung hindi kanaman minahal walang magagawa ang yong pag mamahal. "Tulad ng pangako ko, gusto ko kayong makitang masaya." Minsan kailangan nating sumuko para hindi tayo gaanong masaktan, dahil ang pag mamahal ng labis sa ta...