ONE SHOT STORY
~PRIDE~
"Ito nanaman tayo Dave eh, Palagi nalang!" Mahinang sigaw ko sa aking nobyo.
"Kesiah nakakainip na, bahala ka nga sa buhay mo!" Padabog naman ito na lumabas pagkasabi ng mga katagang iyon.
Kung bakit kami nagkakaganito ngayon ay dahil lang sa maliit na kadahilanan, maliit na pagtatalo na palaging nauuwi sa awayan. Sa tuwing may pinagtatalunan kaming maliit na bagay ay nauuwi talaga kami sa away at nasanay na ako sa ganoong bagay.
Naiwan ako sa bahay ng mag-isa, mag two-two years narin kaming naglilive-in ni dave at sa loob ng 2 years nayun palagi nalang kaming nag-aaway ngunit hindi parin ako sumusuko dahil mahal ko sya.
Gabi na ngunit hindi parin nakakabalik si Dave simula ng umalis ito kanina pero nasanay na naman ako dahil sa tuwing mag-aaway kami ay ganito talaga ang nangyayari. Maya-maya lang ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa paghihintay kay dave.
KINABUKASAN*
Mag-aalas sais na ng umaga nang magising ako at tamang-tama rin naman na kadarating lang ni Dave.
"Bakit ngayon kalang?!" tanong ko sakanya ngunit bakas sa aking tono ang inis at galit.
Hindi ako nito kinibo at nahiga na lamang sa kama na dahilan upang mas mainis ako. Ganito nalang ba talaga kami palagi? Sapat ba na dahilan ang mahal namin ang isat-isa upang magpatuloy sa relasyon na ito?
Hindi ko na malayan na tumulo na pala ang aking mga luha na kanina'y pilit kong pinipigilan, hindi ko alam kung dahil ba sa galit ang mga luha na ito o dahil nanghihina na ako at pakiramdam ko ay gusto ko nang sumuko sa relasyon na meron kami ngayon.
Ilang araw narin ang lumipas ngunit hindi parin kami nag-uusap ni Dave, nasanay kasi ito na sa tuwing may alitan kami ay ako ang palaging lumalapit at nanunuyo dahil hindi talaga ito marunong manuyo at napaka taas ng kan'yang pride. Naiintindihan ko naman na lahat tayo ay may pride ngunit bakit ganun? Pakiramdam ko ay ang unfair dahil ako ay kaya kong ibaba ang pride ko para sakanya ngunit siya ay hindi nya man lang magawa na magpakumbaba para saakin.
Gabi-gabi narin na umaalis ng bahay si Dave at umuuwi ng lasing na lasing. Hindi naman ako naghihinala na baka may babae s'ya dahil batid kong kahit ganun ang kanyang ugali ay alam kong hindi nito magagawa na mambabae at lukohin ako, palagi rin naman nitong kasama ang kan'yang mga kaibigan na kaibigan ko rin at malaki ang tiwala ko sakanila dahil matagal ko nang kilala ang mga ito at hindi ito kagaya ng iba na susulsulan ang barkada para gumawa ng hindi maganda.
Ilang linggo rin kami na natiling ganun, walang kibuan at imikan.
Hinihiling ko na sana ay lapitan ako nito at yakapin man lang dahil kapag ginawa n'ya yun ay siguradong babalik na kami sa dati ngunit WALA! walang nangyari, nais ko s'yang lapitan at suyuin ngunit hindi ko kaya, pinanindigan kona talaga ang desisyon ko na dapat ay s'ya naman ngayon. S'ya naman ang gumawa ng paraan para maayos namin ang problemang ito, s'ya naman ang lumapit at manuyo saakin. Sana s'ya naman at matutong magpakumbaba at magbaba ng pride para sa relasyon na'to.Isang araw ay hindi umuwi si Dave. Tinawagan naman ako ng kaibigan ko na si Hannah at kaibigan ni Dave na si Ford na kasintahan ni hannah, pinaalam ng mga ito saakin na sakanila raw tumuloy si Dave dahil subrang lasing na lasing ito at nagawa pang mag-wala sa bar na pinag-iinuman nila.
Ilang oras din akong nag-iisip at nakapag desisyon na ako. Kakausapin ko si Dave pag-uwi n'ya at mag sosorry na ako sakanya, ako na ang gagawa ng paraan upang maayos namin ito.
Kinagabihan ay naghanda ako, nagluto ako ng maraming pagkain para saamin ni Dave at may ihinanda rin ako na surpresa para sakanya.
Maya-maya lang ay natapos kona ang supresyang handa ko at hinintay ko nalang ito na dumating dahil tinext ko rin naman ito na umuwi ngayon at mag-uusap kami. Ilang oras narin akong naghihintay ngunit hindi parin ito dumarating, siguro ay na traffic lang ito. Ngunit ng mag ten na ng gabi ay nawalan na ako ng pag-asa na dumating ito halos tatlong oras na akong naghintay at tawag ng tawag sakanya ngunit hindi man lang sya dumating at hindi rin nito sinasagot ang mga tawag ko.
Napaluha na ako dahil sa labis na pag-iisip at pag-aalala dahil baka may nangyaring masama sakanya.
Mag-aala una na ng madaling araw ngunit patuloy parin akong naghinhintay sakanya, magang-maga narin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.
Mas bumilis naman ang pagtulo ng mga luha ko sa pagbukas ng pinto at pagpasok ni Dave. Halata sa hitsura nito ang pagkabigla, pagkabigla dahil hindi nya inaakala na nag handa pa ako ng ganito para sakanya, pagkabigla dahil sa effort na ginawa ko ngunit binalewala nya.
"B-babe, kanina kapa ba naghihintay?" Tanong nito saakin ngunit pilit na ngiti lang ang naging tugon ko at dali-daling pumasok sa silid namin ni dave. doon ay napahagulhol na ako ng labis.
Maya-maya lang ay naramdaman kong nilapitan ako ni Dave at niyakap.
"Babe, sorry please" Saad nito. That's it yun yung mga katagang matagal ko nang hinihintay "SORRY" yun lang naman ang nais ko ang marinig galing sakanya ang katagang iyon. Ang malaman na kaya rin nitong magpakumbaba para sakin. Ngunit huli na! Huli na ang lahat dahil kung kailan napagod na akong lumaban ay tsaka n'ya pa iyon ginawa.
"Tapusin na natin 'to Dave" Saad ko na nagpaluha narin sakanya.
"Kesiah naman, Please don't, ganun ka nalang ba kadaling sumuko!?" Anito na mas lalo pang nagpalakas ng haguhol ko.
"Dave mahal kita, Mahal na Mahal ngunit hindi pa siguro sapat ang pagmamahal nayun para ipagpatuloy natin ito" Wika ko sakanya at tumayo na sa kama.
"Kesiah please, I love you"
"Please don't leave me, please I'm begging you." Lumuhod na ito sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Dave if you love me then hindi mo ako matitiis, If you love me hindi mo kakayanin na makita akong nasasaktan, If you love me kakayanin mong ibaba ang pride mo para sakin, Pero Hindi! Hindi mo kaya. So maybe that love is not enough, hindi sapat ang pagmamahal na meron tayo ngayon para magpatuloy SORRY" Pagkabigkas ko ng mga katagang iyon ay tuluyan ko nang binawi ang aking mga palad at tinalikuran s'ya.
Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko at nakituloy sakanila at nakapag desisyon na ako na bukas na bukas ay babalik na ako sa probinsya.
I love Dave but that love is not enough for me to stay.