MAGHIHINTAY...

29 2 0
                                    

Last Part...

SAKIT AT PAGOD ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Medyo nahimas masan narin ako dahil kanina pa ako rito at tumigil narin ang ulan ngunit nakakalungot parin ang paligid.

Kalsadang basa dahil sa naiwang bakas ng ulan kanina, at ang mga street lights na na ka pagbibigay liwanag sa paligid.

Ang lungkot...

Muli nanamang namuo ang luha ko sa mata ng makita ko sa kawalan ang mga masasayang araw namin.

Yung kumakain kami sa labas ng school after class niya..

Yung susunduin ko siya dahil ayaw niyang umuwi pag hindi ako ang susundo..

Yung mga araw na ako lang ang gusto niyang kasama at ganon din ako sa kaniya..

Yung mga araw na ako ang dahilan ng pag kabusangot ng mukha niya dahil na late ako sa takdang oras niya..

Yung mga oras na mag kahawak ang mga kamay namin at sabay kaming nag lalakad sa kalsada...

Yung mga oras na idinidikta niya sa akin kung gaano kalaki ang bahay na gusto niya, kung ilan yung kotse na gusto niya, yung kung ilan ang anak namin ang gusto niya..

Naaalala ko yung mga oras na ayaw na namin matapos ang gabi dahil okay lang sa amin ang lahat basta magkasama kami..

Naaalala ko din yung mga oras na sinabi niya sakin na..

"Maghintay ka dahil malapit na"

"Sabay tayong aangat"

"Ikaw lang ang hinihiling ko na sana ay wag ng umalis"

"Salamat sa pag ta tiyaga mo, malapit na kita sagutin"

Bakit nga ba may mga taong ganto? Hindi niya sakin pinaramdam na hindi niya ako kailangan. Hindi niya sakin pinaramdam na nakukulangan siya sa ginawa ko.

Kahit kailan hindi ko na ramdaman sa kaniya na maiparating sa akin na mali ang piliin ko siya...

NGUNIT ANO ITO AT NASASAKTAN AKO NG DAHIL SA KANIYA?

Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sa aming dalawa

Ako ba na... masiyadong na kampante sa set up namin?

O siya..

Siya na hindi manlang ipinag bigay alam sa akin na hindi na pala ako yung laman ng kaniyang mga panalangin??

Napailing ako sa naisip.

Sumagi nga ba talaga ako sa panalangin niya ni minsan?

"Dong, mag sasarado na kami.." nabuhay ang patay kong isip sa mga oras na iyon ng biglang mag salita ang may ari ng tindahan.

Agad akong tumayo at nag pagpag ng sarili. "Salamat ho," sabi ko saka nag lakad paalis.

...

MALAYO palang ay tanaw ko na ang aming tahanan. Napakaraming tao at nag sisiksikan! Nagkakagulo ang mga tao sa harap ng bahay namin ay nag bubulongbulungan!

AGAD akong nag madali patungo sa pinto at..

AT...

AT...

AT...

"Bakit..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang aking ina na hinanghina at walang humpay ang hagulgol na naririnig ko mula sa kaniya!

Agad dinalaw ng sikip ang dibdib ko. Nanlalamig ito at gustong masira dahil sa lakas ng kalabog ng aking puso!.

Nakita kong dahan dahan na lumingon sa akin si mama nakalupagi siya sa sahig at akap akap ang aking itay na walang buhay!

MAGHIHINTAY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon