Chapter 2
After I got home, I saw Mama doing her lesson plan. I immediately kissed her right cheek.
"Nandito na po."
"Hmm," she just nod. Busy? Pinabayaan ko lang siya at agad na pumasok sa kuwarto ko at nagpahinga. Hindi ko namalayan nakaidlip pala ako at paggising ko maggagabi na.
When I checked on my phone, I saw a message from an unknown sender.
Unknown:
Congratulations! You won 1,000,000 worth of groceries!
What the—ugh! Hindi 'to pinansin at agad nagtungo na sa cr para makaligo na.
Pagkatapos naligo, agad akong nagtungo sa kusina para tulungan si Mama pero nakita ko na naghahain na siya.
"Sakto tapos na ako makaluto at naghahanda na. Akala ko tulog ka pa at gigisingin na sana kita."
Agad akong naupo. Tiningnan ko siya.
"Napagod ako, napasarap tulog ko," sabi ko.
"Saan ba kayo nagpunta ni Atasha?"
"Mall lang po."
"Kayong dalawa lang?"
"Uhh... kasama niya boyfriend niya," simple kong sabi. Natawa doon si Mama.
"Iyong dati ba niyang manliligaw iyon?"
Hindi ako nagsalita. Ayoko magsalita. Baka pati kay Mama mag-rant ako tungkol sa Thirdy na iyon. Napansin ni Mama na parang nag-iba ang timpla ko kaya natawa na lang siya sa naging reaksiyon ko.
"Magboyfriend ka na rin kasi para malaman mo iyong pakiramdam na—"
"Sorry, I'm not interested,"
Mama laughed more.
"Kailangan mo rin ng inspirasyon sa pag-aaral," aniya.
Tss. I don't need an inspiration.
"O 'di kaya ng happiness."
I am happy with my life... without a man in my life.
"Minsan kailangan bigyan mo rin ng kulay 'yang buhay mo. Palagi ka na lang nag-aaral. Kailangan mo rin ng pahinga."
"Ma, ayos naman po ako. I am doing good in school and I am happy. Hindi ko kailangan magka-boyfriend para sumaya ang buhay ko," iritado kong sabi.
BINABASA MO ANG
When You Smile (Engineering Student #3)
Любовные романыTrust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan. Saksi ako kung paano nakasira sa isang tao ang pagmamahal. Kaya naman, tinatak ko sa isipan ko na...