"Mama faster po!" Napasimangot naman ako sa nag mamadaling anak ko. Mas maaga pa syang nagising sakin dahil nga excited sya ngayon. Inaayos ko palang ang gamit namin.
"Papa's here already po!" Napatigil ako sa paglalagay ng ibang damit nang marinig ko na naman ang pangalan nya. Gosh! Bakit ba lagi na lang akong kinakabahan? Nakakaramdam din ako ng saya sa iisipin na makikita ko na naman sya. I cant help to blush when I remembered our texts last night!
Kaya nga puyat na puyat ako dahil buong mag damag kaming mag kausap! Alas tres na ata kami naka tulog. And gosh! Alas singko palang ng madaling araw! Two hours lang ang tulog ko.
"Mama, papa's waiting to us..." bumalik ako sa aking sarili nang kanina pa pala ako kinakalabit ng anak ko. Nang maipasok ko na ang lahat ay zinipper ko na at hinarap sya.
"Mauna ka na anak, susunod si mama. Nasan si tita Lani?"
"She's still cooking mama." Crap! I forgot to help Lani too! Nakakainis. Nakakahiya tuloy.
"Okay, susunod na lang si mama." Tumango naman sya. Tiningnan ko sya nang may kinuha sya sa lamesa. Natawa naman ako nang makita kong salbabida pala ang nandoon.
Nang makalabas na sya ay doon lang ako natauhan. Umayos ka Ysla! Kinuha ko ang damit ko sa kama at dumiretso na sa banyo, pero bago ako pumasok nadaanan ko ang salamin. Nagdadalawang isip pa nga ako kung hihinto ba ako o hindi. Pero sa huli natagpuan ko na lang na sinusuri ang sarili ko sa salamin.
"Tumigil ka, Ysla!" Sinampal ko pa ang sarili ko. Tapos ay dumiretso na sa banyo.
Saglit lamang ang ginawa ko sa banyo, nagsuot lang ako ng isang polo croptop na may ribbon sa baba at isang white maong shorts. Hindi ko alam pero I found myself sitting on my dresser at nag lalagay na ng liptint sa labi.
Nang buksan ko ang drawer ay hindi nakatakas sakin ang maliit na box. Dahan dahan ko itong kinuha at tiningnan.
It was the necklace and engagement ring that given by Zar. Naalala ko na naman ang ginawa ko noon, it was his birthday but I hurt him. Pinangunahan ako ng pagiging duwag ko noon.
Hindi kaya posibleng mahal ko pa sya na tama si Mommy? Pero paano si Dash? He trusted me, mahal ko sya diba? Tiningnan ko naman ang singsing na binigay nya sakin. Pinakiramdaman ko ulit ang puso ko, naguguluhan na ako.
"Bakit ba lagi na lang magulo?"
"Mama! Faster po!" Mabilis kong binalik ang hawak ko at tinago sa drawer at nagmamadali nang tumayo. Kinuha ko na ang bag at sabay labas nang makababa na.
Nasa hagdan palang ako nang marinig ko na ang boses nya. Boses nya palang pero grabe na naman sa pag kabog yung dibdib ko.
Stop beating please! Natatakot akong baka marinig nya... Tama na Ysla ang umasa sakanya! You have Dash already at aalis sya!
"Papa you bring your guitar? Can you teach me how to do that next time? I wanna learn that po!" I heard Zari nang tuluyan na akong makababa.
"Sure baby..." nakaupo si Zar sa sofa habang nakatayo si Zari sa harap nya. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko nang halikan nya ang noo ng anak namin. Nakita ko pa ang pag silay ng ngiti ni Zari.
"Papa I love you po." Pinigilan ko ang sarili ko na lumuha sa sinabi ni Zari. She really loves her papa. Kaya paano magagawang iwan ang anak namin sa ganyang sitwasyon? Napahawak ako sa puso ko nang makaramdam ako ng kirot sa isipin na aalis din sya.
"I love you too..." Zarius replied.
"Mama!" Napangiti naman ako nang makita na ako ng anak ko. Tumakbo sya papunta sakin. Umiwas ako ng tingin nang tumayo si Zar at titigan ako.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...