CHAPTER 32

49 3 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING ^_^.

CHAPTER 32

Pagpasok namin sa kwarto ay hinintay lang na dumating ang mga pagkain at ipinagpatuloy na ang laro. Ang akala ko ay nakaligtas na ako. Hindi pa rin pala. Kung ano-ano kasing naiisip nitong si Andrie na palaro-palaro eh.

Pinagdikit-dikit namin ang mga kama at doon kami umupo ng pabilog. Kagaya ng dating pwesto kanina sa labas. Umupo lang ako at walang ginawa. Tinignan naman ako ni Andrie ng nagtatanong na tingin. Nagsasabing ‘Ano na? Ituloy mo na.’ Bumuntong hininga ako.

Hinarap ko si Shi na may malaking ngisi sa mukha. Iyong itsura niya para siyang nanalo sa loto. Ang kaibahan nga lang hindi dahil sa sinuwerte siya kundi dahil sa nandaya siya. Makukuha niya ang halik ko sa madalian at sa hindi patas na paraan.
Ang halik ay dapat lamang ibigay sa taong nararapat na tumanggap noon. Kaibigan lang ang tingin ko kay Shi kaya hindi nararapat na makuha niya ang halik ko. Tinabanan ko ulit ang magkabila niyang pisngi.

Pumikit pa siya at parang excited na excited pa. Hinalikan ko siya sa pisngi at binitawan na ang mukha niya. Nawala ang ngisi sa labi niya at idinilat na niya ang mga mata. Kitang kita ang inis sa mukha niya.

“Bakit sa pisngi lang?” inis na sabi niya.

“Ang sabi mo lang ‘kiss me’, pero hindi mo naman sinabi kung saan kaya hinalikan na lang kita sa pisngi.” Paliwanag ko.

“Ano ba ‘yan? Dapat pala nilinaw ko na. Naturingan ka pa namang teacher, ang kailangan pala sayo kumpletong utos. Wala ka bang common sense? Ang ibig sabihin ko sa ‘kiss me’ ay halikan mo ko sa labi.” Sigaw niya sa akin pero hindi naman pagalit. Naiinis lang siguro talaga siya, hindi sa akin, kundi sa sarili niya.

“Sa susunod kasi linawin mo.” Pang-aasar ko pa sa kaniya kahit na kinabahan talaga ako kanina.

“Hay naku. Okay na. Okay na. Sino na ng susunod?” singit na ni Andrie.

“Me.” Taas kamay ni Annalyn. Hindi ko gusto ang taray na ipinapakita niya. Lumunok ako at inihanda ang sarili sa maari niyang itanong. Sinunod ko pa rin ang pattern ko.

“Truth…or dare?” tanong niya habang matalim ang tingin sa akin.

“T-Tru—”

“Gusto mo ba si Matt?” diretsong tanong niya at putol sa isasagot ko pa lang.

Sabi ko na nga ba hindi maganda ang pakiramdam ko kay Annalyn eh. Napalunok na lang ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa sobrang kaba. Tinignan ko lang siya at hindi makasagot.

Kaya ko nga iniwasan na sagutin ang nakasulat sa papel kasi ayokong masira ang gabing ito at ayokong mas lumalala pa ang galit niya sa akin pero ito siya, nagtatanong pa ng mas ikagagalit niya sa akin. Sasagutin ko ba o hindi? Ayoko namang mag-sinungaling sa kanila dahil kota na ko sa kanila. Hindi ko na nga nasabi iyong sikretong iyon tapos hindi ko rin sasabihin kung ano talaga ang nararamdaman ko, na noon pa lang nararamdaman ko na talaga.

“Ano? Bakit hindi ka makasagot?” mataray na sabi sa akin ni Annalyn.

“Lyn.” Pigil ni Sir Alvarez sa kaniya sabay taban sa braso niya.

“Ay. Masyado ba ako straight forward? Sige kung gusto mo iibahin ko na lang. Sinong gusto mo? Si Shi o si Matt? At bakit?” nakataas ang kilay na tanong niya.

“Parang ang dami naman ata ng tanong mo. Ang alam ko dapat isa lang.” sabi ko ng pahina ng pahina.

“Oh. Madami ba? My bad.” Tinakpan pa niya ng palad ang bibig niya na kunyare ay nagulat siya. “Eh ‘di kasi sagutin mo na lang ‘yong una kong tanong.” At ibinalik niya ang taray sa mukha niya na nahaluan pa ngayon ng galit.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon