A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING ^_^.CHAPTER 33
Matapos niyang ihanda ang lugaw na dala niya ay umupo na rin siya sa harapan ko. Sinimulan ko ng kainin ang lugaw. Sa pangatlong subo ko ay hindi ko na naituloy ang pag-subo. Naiilang ako dahil titig na titig sa akin si Jerick. Ang hirap lang kumain kapag ganoon.
“Oh, bakit ka tumigil?” tanong niya.
“Pwede bang wag kang… tumitig sa’kin?” nahihiya man ay sinabi ko pa rin.
“Ah, ganoon ba. Sorry. Sige kumain ka na. Susubukan kong wag tumitig sayo,” nakangiting sabi niya. “kahit mahirap.” Rinig kong bulong pa niya.
Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at totoong sinubukan niyang wag tumitig sa akin kahit na minsan ay napapansin kong tumitingin-tingin pa rin siya. Nang maubos ko ang lugaw ay tumayo kaagad siya at siya na ang kumuha ng pinag-kainan ko. Pinigilan ko siya pero mapilit siya at isa pa taban na rin niya ang mangkok kaya hinayaan ko na siya.
Pumunta na lang ako sa mini-refrigerator at kumuha ng tubig doon. Magsasalin pa lang sana ako sa baso ng agawin sa akin ni Jerick ang tubig.
“Wag kang uminom ng malamig tubig.” Sabi niya at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig mula sa mineral water at iniabot niya sa akin iyon. “Itong inumin mo.” Tinanggap ko ang ibinigay niya at iyon na ang ininom.
Naglakad ako papunta sa kama ko para kunin ang gamot na binili ni Andrie para sa akin. Nang makuha ko ay ininom ko na iyon kaagad. Matapos kong uminom ay balak ko na sanang magpahinga kaso nandito pa pala si Jerick kaya naupo na lang ako sa kama ko.
Siya naman ay hinugasan ang pinagkainan ko. Matapos niyang maghugas ay kinuha niya ang isang upuan sa dining table at inilagay iyon sa harapan ko. Umupo siya doon at tinitigan niya ako. Sasalatin na sana niya ang noo ko ng umiwas ako.
“Okay na ko.” Nakangiting sabi ko sa kaniya. “Wala ka bang ibang gagawin? Baka nakaka-abala pa ko sayo. Kung meron pa pwede ka ng umalis. Ayos lang ako.”
“Wala naman akong ibang gagawin eh. Mas maganda na rin iyong nandito ako para may mag-aalaga sayo. Ano ba kasing nangyari sa bakasyon mo at nilagnat ka?” kyuryosong tanong niya.
“Ah… wala namang kinalaman ang bakasyon ko sa pag-kakasakit ko. Ganito talaga ako eh. Minsan lang naman akong mag-kasakit kaya sanay na ko kung anong gagawin ko. Kaya ayos lang ako.” Nakangiting sabi ko sa kaniya.
“Mas mabuti pa siguro magpahinga ka na.” sinunod ko ang sinabi niya. Tinulungan niya ako, kahit na kaya ko naman. Siya rin ang nag-lagay ng kumot sa akin.
Hindi ko maikakailang masaya ako na sa unang pagkakataon, makalipas anim na taon, ay may taong handing mag-alaga sa akin kapag may sakit ako. Alam kong baka kung anong isipin ni Jerick dahil hinahayaan ko siyang alagaan ako pero sa mga oras na ito ay masaya akong nandyan siya sa tabi ko.
Hindi pa rin nabubura sa isip ko ang mga nangyari sa bakasyon namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako na naman ang sanhi ng problema naming magkakaibigan. Pero kung noon ay tinakbuhan ko ang problemang iyon, ngayon ay handa akong harapin iyon.
Nagpahinga ako ng mabuti at hinayaan si Jerick na bantayan ako, kahit na hindi maganda sa paningin na mag-kasama ang isang lalaki at isang babae na walang relasyon sa iisang kwarto, ay hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Kailangan kong mag-pagaling para makapasok ako bukas.
Nagising ako na maliwanag na sa labas at wala na rin si Jerick. Tumayo ako sa kama ko at tinignan ang cellphone ko kung anong oras na. Malalate na ako sa trabaho kaya nagmadali na kong bumangon para makagayak na. Matapos kong maligo ay dumiretso kaagad ako sa kusina para kumain.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Rastgele*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...