CHAPTER TWO

182 42 7
                                    

#PILY02


Masigla akong nagising kinabukasan.  Pakanta-kanta pa ako habang nag-aayos ng sarili.

"Good morning Ma, good morning Kuya." Bati ko sa kanila pagkababa ko.

"Good morning anak, kain ka na." Iginiya ako ni Mama sa hapag at sabay-sabay kaming kumain ng paborito kong pritong manok.

After our breakfast, I quickly went to open the door and I was surprised to see a guy waiting outside. Nakatalikod siya sa akin pero nang lumingon na ito ay sumilay sa akin ang maamo niyang mukha.

"Let's go?" Anyaya ni Julian sa akin.

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang naglalakad papunta sa school. Parang kahapon lang pinansin niya ako tapos ngayon ay magkasama na kami. It's too good to be true but I hope this is the reality. I love the idea of me and Julian getting closer to each other. It's a whole new happiness for me.

Habang naglalakad ay nagulat kami nang may pumaradang sasakyan sa harapan namin. The driver went out and gave us a sharp look.

"Get inside." Matigas nitong sabi.

"Pero Kuya... Ayoko!" Tanggi ko dito nang makitang nagtatakang tumingin sa akin si Julian.

"Get inside Blaire or I'll kill this man." Natakot ako bigla sa sinabi ni Kuya. Baka mamaya totohanin niya.

Akma sana akong gagalaw ngunit bigla namang bumaba ang bintana ng frontseat at nakangising tumingin sa amin si Shan. What the?

"Don't worry man I'll kill him for you." Sabi nito tapos ay may inilabas na baril.

Nagulat kami except kay Kuya na ngayon ay humahalakhak pa. And then the sound of the gun was heard.

Bratatat-tatat-tatat-tatat-tatat-tatat!


"Ahh!"

Napabalikwas ako sa kama sa tunog ng baril. Pagtingin ko ay nakaupo si Kuya sa tabi ko, nagpipigil ng tawa habang may hawak na cellphone.

Agad kong kinuha ang unan sa tabi ko at hinampas iyon sa kaniya.

"Aray!" Reklamo ni Kuya Blake.

"Bakit ba nandito ka?! Akala ko mamamatay na ako!!" Sabi ko habang pinaghahahampas pa rin siya.

"Aray ano ba Blaire! Napakasadista mo talaga!" Nagawa ni Kuya na tumakbo papunta sa pinto.

"Ginising kita dahil malalate ka na! Taena bumaba ka na kung ayaw mong istorbohin pa kita." Tumawa pa muna ito bago tuluyang umalis.

Naitapon ko ang unan sa pinto.

"Aish pahamak ka!"

Ano ba yan! Akala ko totoo na huhuhu.  Epal naman oh!

Padabog akong bumangon sa kama at dumiretso sa cr. Pagkababa ko ay nakahain na ang lahat sa mesa, nakaupo na rin sina Mama at Kuya.

"Oh, ang aga-aga nakasimangot ka?" Napansin agad ni Mama ang nakabusangot kong mukha pagkaupo ko.

Pinandilatan ko si Kuya ng mata na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Bukod kay Shan ay si Kuya rin ang isang malaking epal sa buhay ko.

"Wala po Ma." Sabi ko bago kumuha ng kanin.

Kabaliktaran ng panaginip ko, ang ulam namin ngayon ay pritong isda at tortang talong. I don't really mind though, kapag gutom ako kahit ano kakainin ko.


Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon