#PILY03
"Ma anong tingin mo sa divorce?" I asked my Mom.
It's Saturday and we are currently having our Mother-Daughter bonding by watching K-drama.
Nakatutok ako sa TV kung saan nagtatalo si Dr. Ji at ang asawa nitong si Lee Tae Oh, kaya naalala ko bigla ang topic namin noong nakaraan tungkol sa divorce.
Dr. Ji Sun Woo suffered too much. Imagine, catching your husband cheating with a girl half your age. Sinong hindi maloloka dun, kung ako kasama sa eksena baka hindi lang sampal aabutin sa akin ni Da Kyung.
Gigil mo si ako teh!
"Kung ako ang tatanungin mo anak, hindi ako sang-ayon dito. Ang kasal ay isang sagradong ritwal na ating pinapahalagahan mula pa sa ating kanuno-nunuan kaya dapat lang na manatili itong sagrado magpakailanman. Ang anumang hindi pagkakasunduan ng mag-asawa ay maaaring solusyunan. Oo nga't katanggap-tanggap ang mga dahilan kung bakit may mga nagdidivorce pero kung pwede lang namang malutas bakit hindi diba."
Napaisip ako sa sinabi ni mama. It's true, marriage is sacred. Hindi lang ito pakikipag-isang dibdib sa tao kundi pati na rin sa Diyos. Love, trust and devotion. That is what marriage is all about.
"Kaya anak bago ka magpakasal, isipin mo munang mabuti. Tanungin mo ang sarili mo. Siya ba talaga ang para sa akin? Kilala ko na ba siya ng lubusan? Hindi ba ako magsisisi kung papakasalan ko siya? Kailangan mo yun anak para sa huli hindi ka magsisi pero syempre anak sa susunod pa iyon. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo dahil darating lang ang lalaking para sayo."
"Kaming dalawa ng papa mo, ginagawa namin ang lahat para intindihin ang isa't isa. Ayaw naming umabot sa puntong masisira ang ating pamilya."
Napangiti ako. I'm really happy to be in this family. My parents never run out of love for each other and so is their love for us.
Bigla namang pumasok sa isip ko si Julian. Sa tingin ko magiging isa siyang loyal husband. Napakaswerte siguro ng papakasalan niya. I hope it's me though, I don't want him with someone else.
"Wazzup Serrano Family!" Napalingon ako bigla sa pinto nang may sumigaw. As expected it was Shan.
"Shan ikaw pala, may pupuntahan kayo ni Blaire?" Tanong ni mama.
"Wala po Tita. Nandito ako para turuan ang anak niyo."
Napairap ako dahil puno ng pagmamalaki ang tinig niya. Kumunot naman ang noo ni mama. Kadalasan kasi ay ako ang nagtuturo sa kaniya.
"Sasali ako sa poster making Ma." Sabat ko na lamang.
"Ganun ba, sige iwan ko muna kayo at maghahanda ako ng pananghalian." Tumayo si mama at akmang papatayin ang TV nang pigilan ko siya.
"Nanonood pa ako."
"Mamaya na Blaire, hindi yan mawawala dyan."
Hayss badtrip naman. K-Drama is life ako e!
"Bakit ba ang aga mo? Ang usapan alas dos pa e alas diyes pa lang."
"Syempre dito na ako manananghalian. Hindi kaya free ang service ko."
Aba't. "Patay gutom ka talaga."
"Nayyyy look who's talking."
Inirapan ko na lamang siya at nagmartsa papunta sa kwarto upang kumuha ng mga gamit. Kung papatulan ko pa siya baka hindi namin matatapos ang poster.
BINABASA MO ANG
Project: I Love You (Academic Strand Series #1)
Teen FictionBlaire is a Grade 11 HUMSS student who is running for high honors. In an instant, her attention was turned to a handsome Grade 11 STEM transferee student named Julian. She became unfocused then, but little did she know her friend Shan was helping he...