Dear Wattpad,
September 27, 2020 07:09 AM
Naiinis ako sa mga batang lumalaking sutil at bastos. Resulta daw sila ng mga magulang na hindi nabigyan ng atenyon at pagmamahal.
Naalala ko tuloy yung movie ni Ate V na anak. Isang OFW na pumunta ng ibang bansa mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Walang katumbas na sakit at hirap ang nararanasan ng mga kapwa natin pilipino na nagpapakaalila sa ibang bansa. Kapag pumipila sila sa mga remittance center para magpadala, hindi lang pera ang pinapadala nila kung hindi pagmamahal na sana maramdaman ng pinapadalhan nito.
Yung movie na yun ang nagsasalarawan ng isang ordinaryong pamilya na nilalabanan ang kahirapan. Kaya nga saludo ako sa bawat pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa matupad lang ang kanilang pangarap sa buhay.
Sana ang bawat anak ng OFW ay mamulat na ang buhay ay hindi patas. Pero dahil sa magkakaiba tayo ng karanasan at pinagmulan hindi ko maiaalis na hindi lahat ay makakaintindi.
Dito na lang muna
Love,
Andres