Kabanata 25

9.8K 194 12
                                    

I woke up with a headache. Sapo-sapo ko ang ulo ko habang umuupo sa pagkakahiga. Mukhang nasobrahan yata ako sa kakaiyak kagabi.

Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman kong may gumalaw. My eye widened when I saw Sais, sleeping like a baby. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong gumalaw para makaalis sa kama pero hindi ko nagawa dahil hinila niya ako papabalik. Kumabog ang puso ko ng mas malakas. Hindi ko alam na gising pala siya.

''B-baba na ako'' I stammered. Damn.

''Stay for a while'' he said huskily. Hinila niya ako pahiga kaya napahiga ako sa gilid niya. Nakaharap ang dibdib ko sa dibdib niya. He hugged my waist. I tried to get out.

''Sais, ano ba! Let go of me!'' iritado ko ng sabi at tinutulak siya. Hindi man lang siya nayanig at mas isiniksik pa niya ang katawan niya sa katawan ko.

I gulped. Nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam na matagal ko ng hindi naramdaman.

He buried his face in my neck which made my body shiver...

''Your heartbeat is so fast'' he whispered underneath my neck.

Napapikit ako dahil sa kiliti na naramdaman ko. Ano ba itong ginagawa namin. Mali ito. May asawa na ako.

''T-tama na, please'' I begged.

Naiiyak ako dahil sa takot na magkamali. Ayaw kong magkamali. I don't want to cheat. Nakita ko na kung paano nasaktan ang isang tao dahil sa akin nuon at ayaw kong gawin ito kay Lauro. He treated us like a real family, he treated my children like his. Ayaw kong masabi niya na ginamit ko lang siya dahil hindi iyon totoo.

May nararamdaman ako para sa asawa ko. Oo meron. Meron...

''I begged before but you didn't let me, you ran away from me'' he said with sadness in his tone. Natahimik ako.

''Alam mo kung bakit ako tumakbo papalayo sa'yo'' I nonchalantly murmured. I didn't know where I got the guts to voice that out.

His hug tightened. ''And I regretted it more than everything. I was just too conceived by jealousy seeing you kissing Lauro in front of your house'' he explained. Nanikip ang puso ko.

''I've forgiven you a long time ago, so please just let me go'' I begged again.

Mali itong ginagawa namin. Mali itong unti-unting nabubuo sa loob ko. This is all a mistake. I don't want to do sin anymore. Nakakapagod masaktan.

Nakakapagod umiyak.

''Your forgiveness is not enough, Gianna...''

''Ano pa bang gusto mo?'' mangiyak-ngiyak kong tanong.

Bakit ba ginugulo niya ako? Ang dapat lang naman naming pag-usapan ay ang tungkol sa mga anak namin.

''I want you again. Akin ka nalang ulit, Gianna...'' he said like begging.

Natigalgal ako kapagkuwan ay tumulo ang luha sa mata ko na hindi ko man lang napansin.

''Sais...''

''Please, come back to me...''

Napukaw ako ng isang ingay galing sa cellphone. Kinapa ko ang kama sa bandang likod ko. Nang makapa ko na ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag. Kumalampag sa takot at kaba ang puso ko.

It's Lauro. My husband is calling me.

''Let go, my husband is calling'' I said in a low voice. Hindi siya nakinig at mas hinigpitan pa ang yakapan namin. Wala itong tugon at mas isiniksik pa ang mukha sa leeg ko.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon