Katapos na katapos pa lamang nang paghatid kay Pipe sa kaniyang silid-pahingahan, kagyat ng sumunod ang nag-aalalang mga kaibigan nito upang kamustahin at alamin ang kalagayan niya.
Dinatnan nila si Pipe ng gising kaya hindi na nila pa napigilan ang sarili at napatakbo na lamang papunta kay Pipe at agarang pinalibutan ng naghihigpitang mga yakap.
"Uhu! Uhu!" pag-ubo ni Pipe dahil hirap makasagap ng hangin sa sobrang pagka-ipit, tinapik-tapik na niya ang tatlo ngunit ayaw pa ring paawat, "Bi-taw..Hindi ako makahinga." hirap na sambit ni Pipe
Kumalag din ang nagsasayahang magkakaibigan mayaring nagsaad ni Pipe.
"Friend! Buti nalang talaga safe ka na now. We're so worried na kaya sayo kanina." iwinika ni Micah na nakaupo sa kama kaharap si Pipe habang binabasa ang bills ng hospital.
"Oo nga. Buti nalang talaga kinaya ng katawan mo." dagdag pa ni Keith habang nagbabalat ng mansanas.
"Basta magpalakas ka lang dyaan. Kami na bahala sayo." mabining sambit ni Yna habang inaayos ang punda ng unan.
"Hmmm." tanging sagot ni Pipe.
Nagpatuloy na ang tatlo sa kani-kaniyang ginagawa.
Ilang segundo lang, mapapansin na ang pagkabalisa at paglingon-lingon ni Pipe sa paligid na tila ba mayroong hinahanap.
Hindi na napansin ng magkakaibigan si Pipe sapagkat tutok ang mga ito sa kani-kaniyang ginagawa. Hanggang sa mapalingon sa kaniya si Yna na kagyat na nawari ang kakaibang kilos ng kaibigan.
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Yna sa kaniya.
"Ah-ahhh...Wala!" tugon ng pasyente sa kaibigan.
Bagaman sumagot ng "wala", patuloy pa rin sa pagbala-balikid ang kaniyang ulo. Napapansin pa rin ito ni Yna ngunit ipanagwalang bahala niya na lamang ito sa tiwalang "wala" nga lamang talaga.
Sa ilang minutong palingon-lingon natigil din sa pagsipat-sipat si Pipe at hindi na niya pa natimping tanungin na lamang ang tatlo.
"Sa-Saan pala si Ibe?" medyo mahina at nahihiya-hiyang tono ng boses ni Pipe.
Tugma-tugmang napalingon sa kaniya ang tatlo dahil sa hindi inaasahang tanong na nagmula sa kaniya.
"Bakit?" mahinahon ngunit nagtatakang tanong ni Yna.
"Hindi ka ba galit sa kaniya?" diin na dagdag ni Micah.
"Pabugbog ko na ba?" sabay hilot ni Keith sa kaniyang kamao.
"Baliw!" sambad ni Yna, "Gusto mo siyang maka-usap? I can chat him." mungkahi pa niya.
"Wag!" nagulat si Yna sa biglaang sigaw at paghablot ni Micah sa kaniyang telepono, "Ipa-red tag ko ba sa ospital? Pa-blotter ko ba sa city hall? Ha!" dagdag pa ng Koreana.
"Wag!" pigil ni Keith sa binabalak ng kaibigan, "Pahirapan ko nalang kaya?" suhestiyon niya.
Nagkatitigan ang tatlo at napagitnaan na naman si Pipe sa ginagawang senyasan. Ayon sa kanilang ngisi at nakatirol na kilay, walang dudang nagkasundo na ang apat sa ibinabalak ni Keith.
Inilapag nina Keith, Micah at Yna ang mga palad sa gitna ng walang pagdadalawang-isip, na siya ding sinundan at kinumpleto ni Pipe. Tumetiyempo na ang apat sa paghagis ng mga kamay nang—
"Dea—" natigilan si Pipe matapos niyang maalala ang kondisyon at misyon ng Diyosa ng Ikalawang Buhay sa kaniya.
Binigatan at diniin ni Pipe ang pagkakapatong ng kaniyang kamay sa tatlo upang hindi matuloy ang binabalak.
"Anong problema mo, friend?" pagtatakang tanong ni Micah.
"Hmmm." umisip ng magandang palusot si Pipe upang mai-urong ang isinasagawa nilang plano, "Sa tingin ko...Masyadong harsh. Kaya niyo ba talagang manakit ng tao?" tinitigan ni Pipe ang tatlo sa mata ng maigting, "Kilala ko kayo. At ayaw kong napapasama kayo nang dahil lang sa akin." kumalas na ang apat sa pagkakapatong-patong ng kamay at lubos ng nakuha ang ibig ipabatid ni Pipe, "Siguro...Hayaan niyo muna akong kausapin siya." hinihingi ang pag-unawa ng apat.
Wala pang isang segundo matapos magwika ni Pipe, kapagdaka nalang may kumalampag at bumulaga mula sa pintuan na hindi nila inaasahang si —
"IBE?!"
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...