Yung feeling na hindi ka makapag-move on?? Yung feeling na… every day,hour,minute,seconds. Parati mo syang hinahanap.
Ang sakit pala. Yung ikaw lang ang nag-assume na may feelings sya para sayo. And at the same time. Ang sakit maiwan sa ere.
2nd year college ako 'nun. It's our victory ball sa university ng makilala ko sya. I never thought na magiging close kami kasi hindi naman ako yung tipong maraming kaibigan.
He's one of a kind. Matangkad,may pleasing personality at mabait.
Parati kaming magkasama kapag vacant namin. 2nd sem na at napagdesisyunan namin na maging makaparehas ang mga subjects namin althought magkaiba ang department namin.
Ang saya nya kasama. Yung tipong kapag ngumiti sya,mapapangiti ka rin. He teach me how to be hapy. Sya yung nakapag-feel sakin na may saysay din ako sa mundo. Nagkaroon ako ng mga kaibigan pero hindi nawala ang attachment saming dalawa.
It's been almost 1 year na magkasama kami. Until one day,may sinabi sya sakin. "Alam mo Tin. Ikaw na ang pinakamabait,pinakamatalino at pinakamagandang bestfriend sa buong kalawakan." He said to me smiling.
I just smiled back. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Ang sakit eeh. Kasi alam mo? 'Dun sa isang taon na magkasama kami. Natutunan ko syang mahalin. Hindi ko alam kung kailan pero kasi. Nagising nalang ako na,mahal ko na sya.
Ang tanga ko. Bakit ba kasi sweet sya sakin? Bakit sa tuwing may sakit ako o kaya absent ako,parati syang nagtetext at tumatawag ng paulit-ulit? Bakit sa tuwing may problema ako. Sya lang yung taong napagsasabihan ko? Na alam kong sakanya ako magiging komportable. Bakit minahal ko ang isang tao na kaibigan lang pala ang tingin sakin? Bakit sa tao pang may kabaliktaran pang nararamdaman sakin?
2 linggo. 2 linggo ang nakalipas ng aminin ko sa sarili ko na mahal ko na sya.
Hinahanap ko sya 'nun kasi magpapasama akong bumili ng mga librong kailangan ko. Pero naisa-isa ko na ata ang mga classroom nila dito at hindi ko pa sya nakikita. Nakasalubong ko ang isa sa mga classmates nya at sinabing nakita nya daw sya sa rooftop.
Una,naguluhan ako. Bakit sa rooftop? Hindi naman sya tumatambay doon. Palapit na ng palapit ako sa pinto ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Babe naman. Si Tin?? Kaibigan ko lang sya. Nothing more nothing less. Promise,iiwasan ko na sya para hindi na tayo nag-aaway ng ganito…"
Nakasilip ako nun sa pinto at nakita ko sya na kasama si Bea. So,totoo pala. May girlfriend na sya at ang "bestfriend" nya ang hindi pa nakakaalam.
Pero alam mo ang mas masakit?? Yung sinabi nyang iiwasan nya ako para lang hindi na sila mag-away. Feeling ko,may heart broke into a million pieces. Akala ko nung una,mawawala rin ang feelings ko sakanya ng hindi ko sya iniiwasan kasi ayokong masayang ang pinagsamahan namin.
Then a tear fell from my eye. Para silang patak ng ulan na nag-uunahang tumulo mula sa mata ko. Dali-dali akong bumaba 'nun pero mukhang nahabol nya ako.
"Tin! Bakit ka umiiyak? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod nya yang tinanong sakin.
"A-aah. Wala. Ha-ha. Magpapasama sana ako sayo pero mukhang naka-istorbo lang ako. Sige. Una na ko huhh. E-enjoy ka."
Iniwasan kong magbreak down sa harap nya pero mukhang nahalata nya naman.
I ran as fast as I could. Marami akong nababangga pero wala akong pakialam. Sht. Ganito pala kasakit ang maging broken hearted. Now,I know.
Mabilis lumipas ang araw. Dahil sa nagpakasubsob ako sa pag-aaral,hindi ko namalayan na 4th year na kami pareho. Pero ang sakit lang,kasi sa loob ng maraming araw at buwan na dumaan. He never try to talk to me after nung nangyari sa rooftop.
Hindi ko alam na maiiwan ako sa ere. Na parang yung pinagsamahan namin 'nun. Nabaliwala lang. At hanggang ngayon. I never lost this feeling. Tanga na kung tanga pero sya ang pinakaunang tao na nagturo sakin ng lahat. At kung pano rin sya mahalin. Para bang kapag lumilipas ang araw na lalo ko pa syang minamahal kahit na may iba syang kasama.
Graduation na namin. And luckily,Cum Laude ako ng batch namin. Pagkatapos nito. We will migrate to US. Gusto ng mga parents ko na doon ako magtrabaho. My parents,friends and my relatives are proud of me. Ano kaya kung proud din sya sakin? But I want to tell him also Thank You. Because kung hindi ako naging ganito. Hindi ako magiging addict sa pag-aaral.
Tapos na 'nun ang ceremony at masaya ang lahat. I don't know what I feel. Mixed emotions maybe? Masaya kasi tapos na ang kalbaryo namin sa loob ng 4 na taon. At malungkot kasi,feeling ko. Aalis ako ng Pilipinas na hindi sya nakakausap.
And that. Bago ako pumasok sa kotse,I took one last glimpse in my school. Ang daming masasaya at malulungkot na memories.
Hindi ko inaasahan na makikita ko sya 'nun. I stared at him and he do the same way too. Magsasalita na sana ako ng makita ko Bea na nakahawak na sa braso nya. She even give me a glare. And finally,nakapagsalita din ako.
"Congrats pala. Wow. Ang tagal nyo na. Haha. I hope makita ko na rin yung para sakin pagpunta ko ng US. Mamimiss ko kayong dalawa. Take care."
I turn my back on them. Umiiyak na naman ako. Maybe hindi ko pa masasabi sakanya ang nararamdaman ko. Siguro kapag handa na ako. Kapag nakalimutan ko na sya.
At ngayon. 5 taon na ang nakilipas. Naging maganda ang buhay ko sa US. At uuwi ako sa Pilipinas dahil may client akong dapat asikasuhin. At siguro. Ito na ang panahon para sabihin ko sakanya yung kinimkim kong nararamdaman para sakanya. After all. I already moved on. Sana nga...
Nang nakauwi na ako dito. And I am actually here sa meeting place namin. And surprisingly,sya ang kliyente ko ngayon.
We talk about our deal and nag-offer sya na mag-dinner kaming dalawa.
I miss him. I miss my bestfriend. Akala ko tapos na ako pero nung nakita at nakausap ko ulit sya. Lahat ng kinalimutan ko sa loob ng limang taon. Parang nagsibalikan silang lahat.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Pero habang nag-iisip ako ng sasabihin sakanya,nagsalita sya. Mga salitang hindi ko inaasahan na marinig galing sakanya.
"Tin. Namiss kita. Alam mo bang hinanap-hanap kita sa US pagkatapos ng graduation natin? Kasi gusto kong sabihin sayo na mahal kita. Noon palang nang magkakilala tayo. Nung una kitang nakita. Hindi ko nasabi sayo yun kasi duwag ako. Akala ko,magagalit ka sakin kapag sinabi ko yun. Kaya ginawa ko tayong maging magbestfriends. Kasi ayokong mawala ka sakin nun. Until Bea came. Ewan,nung mga oras na naging busy ka sa pag-aaral. She's there to fill my emptiness. Hindi ko alam kung ano ang nangyari nun. Pero I found out na niloloko nya lang pala ako. Sa loob ng 3 taon hindi kita nagawang kausapin. Nahihiya na ako sayo. Mahal kita pero nung makilala ko si Bea... I fell out of love on you once but I always end up on falling to you. Mahal kita Tin. Hanggang ngayon."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga narinig ko tungkol sa sinabi nya. Mahal nya ako? Sa kabila ng pagpipilit ko sa sarili ko na kalimutan sya at i-deny na hindi ko na sya mahal...
"Kung sana pala,sinabi ko na rin sayo noon palang..."
Umiiyak na ako. This time,tears of joy and syempre. Pagsisisi.
"Mahal din kita. Haha. Alam mo rin ba. Ilang beses kong dineny ang nararamdaman ko para sayo. Simula nung tawagin mo akong bestfriend. Nasaktan ako ng grabe. Nung nalaman ko na may girlfriend kana tsaka nung iniiwasan mo na ako. Oo,lumayo naman nga ako. 5 taon akong nag-move on. Akala ko tapos na ako dito pero mukhang wa epek. Mukhang nagsibalikan lahat ng nararamdaman ko noon ng makita ulit kita. Nakakainis ka! Bakit ba parati mo nalang akong pinapaiyak??!"
Tinitingnan nya ako na parang amuse na amuse sya. Nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ko.
"Then. Marry me and I will never make you cry..."
And that. Para bang in just one blink of an eye. Naging maayos ang lahat. Na after all. The feelings are mutual pala. Ang saya pala kapag ganito. Kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Kasi totoo rin pala,fairytales do exist. Kahit na nagsisi ako na hindi ko nasabi sakanya ang nararamdaman ko noon. Ayos lang. Kasi simula ngayon,makakasama ko naman na sya habangbuhay.
I will never let go of this man. Again. I will love him. Forever and always.
YOU ARE READING
Always and forever ( a one shot story)
Teen FictionHi! Please support this! :) I'm practicing the thickness of the face :D haha. Gusto ko po kasi talaga magsulat. I hope magustuhan ng iba. :) Thank's thank's! Follow me: nathssXOXO nagfo-follow back din po ako :D