Tahimik na nakaupo si Camille sa may gilid ng kama. Sa kabilang panig ay naroon si Apollo. Kuwarto iyon sa mansiyon ng binata. Doon sila dumiretso matapos siyang pumayag sa gusto nito. At sa tingin niya ay wala nang mas tatanga pa sa kanya. Siya ang pinaka-tangang babae sa balat ng lupa.
Bakit? Dahil nasa kanya ang lahat ng karapatan para tumanggi at pagsasampalin ang binata dahil sa baba ng pagtrato nito sa kanya. Naipit lang naman siya sa sitwasyon. Kailanman ay di niya inisip na samantalahin ang pagtayo niya sa puwesto ni Faye. And she never wished for Apollo to get hurt. Kaya bakit kailangang siya ang saktan nito sa ganoong paraan?
"Ano pang hinihintay mo? Malayo pa ang Pasko. Get it done," walang kabuhay-buhay na turan nito.
Apollo sighed then moved to her front. He kneeled then raised his hand to touch her cheek. Masuyong humaplos ang palad nito sa kanyang mukha. Di pinagtangkaang iiwas ni Camille ang sarili. Subalit nanatili siyang hindi kumikilos. Nanatiling nakatingin lamang siya sa binata habang ito man ay matamang nakatitig sa kanya. "I don't want to make love to a statue. Kiss me, utos nito.
Hindi ito nagdalawang salita. Idinikit ni Camille ang mga labi sa mga labi nito. At naiinis siya sa sarili dahil kusa siyang napapikit sa pagkakalapat ng mga labi nila.
Apollo moved her lips over hers. Tumaas ang mga kamay nito sa batok niya at agresibo siyang kinabig. He passionately kissed her. At walang nagawa ang dalaga kundi damhin ang mga labi nito.
"It felt that it's not the first time I kiss you," anas nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"You did kiss me when you were drunk on that beach," bulong niya.
"So that's why I feel this thing towards you. Hindi ko nagawang magduda sa'yo dahil noon pa man, wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Faye was just a brat. An old acquaintance of my family. Kaya sa simula pa lang, binalewala ko na ang lahat. Pero nang unti-unti kitang makilala, sa isang iglap gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa'yo." Muli nitong inilapit ang mukha. Sa pagkakataong 'yon ay kinubabawan siya nito sa kama habang hinahalikan siya.
Napakapit na lang si Camille sa braso nito habang naglalakbay ang mga labi nito sa kanyang leeg.
Inisa-isa nitong buksan ang butones ng kanyang blouse. May pagmamadali sa kilos. At nanginginig ang mga daliri. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang tumambad dito ang dibdib niyang natatakpan lamang ng lacy bra.
"You are beautiful..." anas ni Apollo. Gilalas na kumubkob ang isang palad nito sa dibdib na nakahain sa harap nito.
Kumawala ang ungol sa lalamunan ni Camille. Pinanayuan siya ng balahibo. Sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Nakakabingi sa kaloob-looban ng sistema niya. Pakiramdam niya ay mawawala siya sa katinuan dahil sa sensasyon dulot pa lamang ng mga palad nito sa hubad niyang katawan. Lalo na ng sundan iyon ng mga labi ng binata. Sa sobrang hiya ay naitulak niya ito palayo. Tinakpan niya ang mukha ng magkabila niyang mga kamay. "I don't want this... I don't want you making me feel like this!"
"Feeling what?"
Napasigok siya. "Helpless... Uncontrolled..."
Umalis ito sa ibabaw ng babae. Nakaramdam ng guilt.
"You are just doing it out of revenge, right? Pasensiya ka na pero di ko kaya ang mga ganitong uri ng laro." She wept. Dinig niya ang ginawang paghinga ng malalim ni Apollo. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mga haplos sa buhok niya.
"I'm sorry." Kinabig nito ang ulo niya pahiga sa isang braso nito. "Sa tingin ko sumobra ako. Pero di ko ikakailang gusto kitang angkinin."
"Dahil gusto mong makaganti? Dahil gusto mo akong parusahan?"
"Dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na nasa reyalidad ako."
"Ha?" Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay sa kanyang mukha. At nasilayan niya ang gwapong mukha ni Apollo. Nakatingin sa kawalan habang tila may malalim na iniisip.
"It's just doesn't feel real at all. Sa loob ng isang linggo biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko. Ang mga priorities ko. Ang nararamdaman ko..."
"Hindi mo ba gusto ang mga pagbabagong 'yon?"
He suddenly stared at her then shrugged off his shoulder. "Di ko alam. Bago ka dumating sa buhay ko, tuwid lang ang daan. Walang liko. Walang lubak. Smooth-sailing kumbaga. Hindi ko nakikita ang mga problema. Di kabado. Walang takot dahil inaasahan kong aayon ang lahat sa mga plano ko."
"Kung ganoon pinagsisisihan mong nakilala mo 'ko?"
Tumawa ito. "If I didn't meet you I would probably still believe that my life is perfect thought it's really not. I think that's stupid. Ang tao dumaraan sa proseso na kailangan niyang iumpog ang sarili para makita niya ang mga problema. Niloko ako ni Hannah dahil niloko ko rin ang sarili ko. Na kaya kong gawin ang lahat. Na di ako iiwan ninuman dahil di ko nakikita ang sarili kong kakulangan. I talked to her. Tinanong ko siya kung bakit niya 'yon ginawa?"
"Anong sagot niya?"
"Dahil parang di raw totoo kung anong meron kami. Di raw kapani-paniwala."
Nag-aalalang tumingin siya dito. "Pero totoo ang naramdaman mo."
"Siguro. Kaya nga ako nasaktan, di ba?" He sighed. "That's why it scares me that people in my surroundings only pretend in front of me."
Sumibi siya at tuluy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Kaya ka nagalit sa akin?"
Marahang pinahid nito ang kanyang mga luha. "Dahil ikaw... ang mga salita mo... ang mga ginawa mo... ang nagligtas sa akin. Ang nag-ahon sa akin sa kahungkagan. Ang nagpa-realize sa akin na di ko dapat takbuhan ang problema. Na dapat kong tanggapin kung anong katotohan at kung anong kasinungalingan. Na hindi masama kung minsan liliko ka at tutuklasin ang ibang bagay na di mo pa nakikita o di mo pa nararanasan. Na okay lang kahit may lubak sa daan dahil kasama sa buhay ang pagharap sa mga pangit na karanasan. You said it yourself, right? That it's okay to get hurt cause you can't appreciate happiness brought by small things if you only see the bad side."
Naiiyak na tumango siya. Mahigpit na niyakap siya ng binata.
"Nang malaman kong nagpapanggap ka lang na kinakapatid ko, natakot ako. Na ang mga bagay na nagligtas at nagbukas sa puso ko ay hindi totoo."
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomantikHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...