PAST TIME
Gun's POV
"Dalian na nga natin Summer at male-late na tayo sa huling klase natin." Atat na ulirat ko kay Summer na busy na kakasilip sa corridor. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to at ang hilig maghanap ng mga pogi dito sa university namin.
"Sandali lang 'to Gunter. Paparating na kasi sina Salazar sisilay lang ako saglit promise, okay?"
Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga patay na patay talaga itong babaeng ito sa mga ganyan. Wala pang isang minuto ay nakarinig na ako ng mga tilian na pinangunanhan ni Summer.
"Kyahhh! Cade! Akin ka na lang!"
And I was like— what the hell happened to my bestfriend? Parang nag-ibang tao siya bigala at kung makatili at talo pa yung mga nagch-cheer sa mga bench ba, ganon.
Naiiling na nilayuan ko na siya at nagtungo na sa classroom ko. Pero saktong pagharap ko sa lalakaran ko ay bigla akong nabuwal at napasalampak sa sahig na dahilan para malalaglag lahat ng mga dala kong libro.
"I'm sorry" iyon lang ang nasabi ko sa nakabungguan ko at inisa-isa ng pulutin ang mga libro ko. Jusko, sa lawak ng hallway bakit kasi nagkabungguan pa kami?
Agad kong nilingon ang nakabanggaan ko ng tumulong ito sa pagpulot ng mga libro ko. Napatigil pa ako ng makilala kung sino iyon. Si Cade Salazar.
"I'm sorry I was not looking at the way— "
Pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin. "I-Its okay. May kasalanan din ako. Sige a-aalis na ako. Thank you."
Nakayuko akong umalis sa harapan niya. Nakakahiya talaga. Teka? Bakit ako mahihiya? May kasalanan din naman siya, ay teka bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.
Naiinis na iniling ko ang ulo ko. Napahiyaw ako ng may biglang bumatok sa akin. Sinamaan ko ang taong gumawa nun sa akin.
"Hoy Gunter! Anong kalandian yun ah?" may pag -irap pa nitong tanong sa akin.
Kinunotan ko siya ng noo. "Anong kalandian ang sinasabi mo dyan huh?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ikaw ah? May tinatago ka rin palang kalandian dyan sa katawan mo nah?"
Napailing na lang ako. "Nabunggo ko lang siya, anong kalandian ang meron doon?"
Tatalikudan ko na ito ng may napansin akong nawawala sakin. Agad kong kinapa at leeg ko at napamura na lang ng wala akong makapang kwintas sa leeg ko.
"Pucha! Summer yung kwintas ko nawawala?!" Ani ko sa kanya.
"Ano? Yung bigay ng mama mo?"
Tumango ako at agad na tumingin sa daang tinahak ko kanina. Nasaan na yun? Hindi yun pwedeng mawala.
"Is this what you looking for?"
BINABASA MO ANG
His Secret Lover (His Series #1)
RomanceHIS Series #1 (COMPLETED) Do I really need to continue like this? Being ...his secret lover? Gunter Hermosa and Cade Salazar Photo not mine credits to the rightful owner. [ WARNING ] IF YOU ARE NOT A BL/BOYSLOVE LOVER DON'T READ THIS SHIT?!