Chapter 5

2.7K 116 0
                                    

Gun's POV

"Is this what you looking for?"

Nilingon ko ang nagsalita at agad na napako ang tingin ko sa hawak niyang kwintas.

"Iyan nga yun! Akin na—"

Agad niya iyong inilayo sa akin. Napakunot ang noo ko. Tiningnan ko siya at napaatras pa ako ng bahagya ng makilalang si Cade Salazar ito. Pucha, sa laahat ba naman ng taong pwedeng makakuha non bakit naman siya pa? 

Ngumisi ito ng bahagya. "No. Not so easy baby."

Kumunot ang noo ko at naguguluhang tumingin sa kanya. "Baby? Are you sick?" Lakas tama ng isang 'to ah? Kaya sugro baliw na baliw 'tong si Summer dito sa isang 'to gawa ng mga mabubulakbol nitong mga salita. 

Umiling ito ng bahagya. "Do you want it back right?"

Napatingin ako sa hawak niyang kwintas. Napalunok ako. "Ano bang gusto mo?"

Umakto itong nag-iisip. "Simple lang naman." Naglakad ito ng dahan-dahan papalapit sa akin bago---

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"I want you to be my boyfriend."

Nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa kanya. "Ayos ka lang ba?! Pareho tayong lalaki— "

"And so? I don't care I like you and that's what I want. Lahat ng gusto ko nasusunod at ayoko ng hindi ko nakukuha ang lahat."

Pagak akong natawa. "Anong tingin mo sakin? Gamit na pag nagustuhan mo mapapasayo? Tapos pagpinagsawaan pababayaan na lang? Sorry but I'm not that kind of person."

Mas lumapit pa siya sa akin. Tatawagin ko na sana si Summer ng bigla na lang itong nawala. Saan na nagpunta ang babaeng yun?

"I want you to be mine Gunter Hermosa." that was a statement not a request. 

"How did you know my name? Stalker ba kita?" Medyo pang-aasar ko dito. Akala ko ay magagalit ito pero mas lumawak pa ang ngisi nito.

"What if I say yes?" Umangat ang kamay nito at akmang hahawakan ako ng umatras ako palayo pero huli na dahil nakasandal na ako sa pader. Hinaplos niya ng pisngi ko papunta sa likod ng tenga ko.

"Stop this nonsense at ibigay mo na lang ang kwintas ko." Naiinis na sabi ko na hindi naman niya sinagot. "Ano ba? Nakikinig ka ba?"

Bahagya itong tumango. Nakatitig lang siya sa akin na parang mine-memorize niya ang bawat parte ng mukha ko. Nahihiya na ako sa pinaggagawa niya. 

Ano bang nangyayari sa lalaking to?

"Hey? I said akin na yung kwintas— "

Masyadong mabilis ang pangyayari at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahawak sa balikat niya at hinahalikan niya.

His Secret Lover (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon