Chapter 9

2.2K 103 0
                                    

Gun's POV

Pauwi na kami ngayon at kasalukuyang nasa byahe na. Nakatulala lang ako habang pinoproseso ang lahat ng sinabi sa akin ng mga kuya ko. All of this? Ano ba ang nangyayari, bakit may mga ganito? 

Kaya bang gawin ni Cade yun?

"Gun? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni kuya Caliber.

Tumango ako at ngumiti. "I'm fine kuya. Hindi lang talaga ako makapaniwala. I still don't know kung bakit niya gagawin 'yon."

Umiling siya at tinap ang ulo ko. "I'm sorry Gun at naiipit ka sa problema namin nina dad."

Umiling ako. "No kuya. Part ako ng family kaya at saka kung talagang may kinalaman ang-" Napalunok ako at napapikit. "-ang pamilya ni Cade sa nangyari ay dad dapat- "

"Kami na ang bahala sa bagay na yan. Sa ngayon kailangan mong lumayo dito dahil siguradong madadamay ka." Ani kuya Trigger.

"Pero-"

Agad akong napayuko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Anong nangyayari? Sa takot ko ay agad ko na lang na sinunod ang utos sa akin nila kuya. 

"Yumuko ka lang Gun! Wag kang aalis dito!" Ani kuya Caliber sa akin. Agad siyang may hinalungkat sa ilalim sa passenger seat na kinauupuan niya at naglabas ito ng dalawa baril at inabot ang isa kay kuya Trigger. 

"Shit! It's an ambush!" Rinig kong mura ni kuya Trigger.

"Sino sila?" natatakot na tanong ko sa mga 'to. 

"Salazar."

Nanigas ako sa kinauupuan ko at nanginginig na napalingon sa harapan ng sasakyan kung saan may mga armadong lalaki ang nakaharang sa dadaanan namin.

"A-Anong kailangan nila sa atin?"

Kinasa ni kuya Trigger ang baril niya. "I don't know Gun."

Magsasalita pa sana ako ng mag-ring ang phone ko. Si Cade ang nasa caller ID. Sasagutin ko na sana iyon ng pigilan ako ni kuya Caliber.

"Don't."

Napayuko ako.

"Wag kang lalabas ng kotse Gun. Kahit ano pa ang mangyari. Okay?" Ani kuya Caliber.

Nanginginig na tumango ako. Lumabas sila ng kotse nagkaroon ng mahabang katahimikan bago ako nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril. Then, the next thing I saw was- my blood.

Napabalikwas ako ng upo at habol ang hininga. Anong nangyari?

"Hey? Ayos ka na ba?"

Nilingon ko ang nagsalita. "D-Dawin?"

"Yeah? Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako. Napasapo ako sa ulo ko ng biglang kumirot iyon kasabay ng pagpintig ng kaliwang braso ko.

"Anong nangyari?"

"Don't move. May mga armadong lalaki kanina na bigla nalang nagpaulan ng bala doon sa coffe shop. Mabuti na lang at mabilis tayong nakaiwas." paliwanag ni Dawin sa akin. 

"Nasaan na ang mga lalaking 'yon? Nahuli ba sila?" tanong ko sa kanya at sinagot lang ako ng iling. Does Cade know about this? Napakuyom ang kamao ko. 

Inalalayan ako ni Dawin. "Mukhang ikaw lang ang puntirya nila. Halos lahat sila ikaw lang ang binabaril? Ano bang nangyayari Gunter?"

I sighed. "H-Hindi ko din alam."

"Tell me may dapat pa ba akong malaman?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at bahagyang umiling. "No its fine. Kaya ko na 'to. Ayoko ng madamay ka pa, being here was already a big help for me." 

"Are you sure? I can help you you know that. Just tell me when you feel like it to say it."

Tumango ako at ngumiti. "Thank you. I want to sleep Dawin."

His Secret Lover (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon