Chapitre 27

26 5 0
                                    

Chapitre 27

Video

Tatapusin daw muna nila ni Airah ang Grade 9 bago sila tumungo ng France. Mauuna raw doon ang iba nilang kamag-anak na nasa States at susunod agad sila pagkatapos ng recognition namin sa Marso.

"They want us to stay there," aniya pagkaabot sa akin ng paper bag.

Nagulat ako roon at hindi nakapagsalita.

"My parents said na gusto na nilang doon na manatili. Sa France and then if my grandma is already dead," nalungkot ang kanyang boses. "didiretso kami ng States at doon na titira."

Humigpit ang hawak ko sa paper bag. Parang may kung ano akong mabigat na naramdaman sa aking dibdib.

"A-Ahh..." Iyon lang ang tangi kong nasabi.

Dahil kung magsasalita pa ako, siguradong malalasahan ko lang ang pait ng aking nararamdaman.

Napayuko ako, huminga ng malalim at dahan-dahan iyong ibinuga. 

Hindi ko siya pipigilan. Wala iyon sa isip ko dahil wala akong karapatan.

Pero bakit ang bigat? 

Ibig sabihin, hindi ko na siya makikita ulit?

"But I'm not going." 

Mabilis na napaangat ang ulo ko kay Max.

"H-Huh?"

"Hindi ako sasama sa kanila sa States. Babalik ako." aniya.

"B-Bakit?" 

"If I go with them, I am not sure kung makababalik pa ulit kami." Tumingin siya sa aking mga mata. "Do you want that?"

Natigilan ako sa tanong ni Max.

"Do you want me to leave, stay there and do not come back?"

Kung sasabihin ko bang hindi, gagawin niya? Kung sasabihin ko bang ayaw ko, mananatili siya?

Napapikit ako sa mga bulong sa isip ko. 

Sino ba ako para humindi at pigilan siyang umalis?


"Desisyon mo 'yan, Max---"

"But I want your decision too."

"Wala ako sa posisyon para---"

"You're in the position!"

"H-Huh?"

"Can't you see? Ayokong umalis dahil sa'yo. I don't want to leave because I'm afraid of not seeing you again!"

Napaiwas ako ng tingin at natahimik. Mas lalong bumibigat ang kung ano sa dibdib ko.

"I-Ikaw ang bahala..." Wala sa sarili kong sinabi.

Ayokong maging hadlang. Ayoko siyang pigilan. Pero bakit ganoon? Sa likod ng kung anong dapat, may sumisigaw na huwag ko siyang hayaang manatili roon.

Oo, parehas naming gusto ang isa't isa. Pero sapat na bang sandata 'yun para pigilan ko siya?

"Alright." He sighed. "I made my decision, then," nagsalubong ang mga mata namin.

"I'm leaving."

Napakurap ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya sabay sa malalakas ngunit mabagal na pintig ng aking puso.

"...but I will come back."


⭕⭕⭕


"Sigurado ka bang sasama ka?" Tanong ko habang nasa kaliwang tainga ang cellphone. Nagbibihis ako ngayon at katatapos lang maligo.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon