20. | Aking Mga Kaibigan |

0 0 0
                                    

20. | Aking Mga Kaibigan |

***

Mga kaibigan ko'y laging nariyan
Upang ako'y bigyang kasiyahan
Mga tawanang umaalingawngaw
Sa bawat sulok ng kaldasang maaraw

Sila'y laging nariyan upang ako'y samahan
Kapag buong mundo'y kalaban
Pinapagaan ang aking kalooban
Pagkatapos ay susundaan ng malubhang asaran

Sama ng loob at problema'y naglalaho
Kapag sila na'y nariyan upang magloko
Mga tawanang walang kasing lakas
Dahil sa mga personalidad na mapangahas

Pangarap ko'y sila'y kasama hanggang pagtanda
Sabay-sabay tatanggap ng diploma 
At lilibutin ang mundo
Pagkatapos ay maghanap ng mapapangasawang guwapo

Ngunit sa isang iglap ay biglang nagbago
Mga tawanan at ngiti'y naglaho
Sa bawat pagtawa ng malakas
Ay hindi na ako ang hinahampas

Nawala ang kasiyahan
At napalitan ng kalungkutan
Ipinagpalit ako sa iba
At basta nalang ibinasura

Sa bawat tawanang naririnig mula sa inyo
Pilit pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo
Dahil napakasakit makitang hindi na ako
Ngunit ang sakit ay kailangang itago

Ang puso ko'y sumasakit
Dahil sa pinaghalong pagkabigo at galit
Paano ninyo nagawa sa akin ito?
Akala ko ba'y panghabang-buhay na ito?

Tunay ngang walang permanente sa mundo
Dahil lahat ng bagay ay nagbabago
Mga kaibigan kong tunay kong pinahalagahan
Ngunit nagawa akong iwan at palitan.

***

Lably's Note:

Tulang aking ginawa para sa aking mga kaibigan.

SA MGA IPINAGPALIT NG MGA KAIBIGAN NILA DYAN, THIS IS FOR YOU! CHEER UP! DON'T BE SAD INSTEAD BE HAPPY BECAUSE YOU ARE A LOSS TO THEM. YOU DON'T HAVE TO CHASE PEOPLE, LET THEM CHASE YOU!

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now