A/N: Hello asfaniards ❤ I'm glad that you're enjoying reading this story. Sana ay masuportahan niyo pa po ako sa mga stories na gagawin ko pa. Sorry at ngayon lang naka-update.
Maraming salamat po sa paghihintay.😘----
Chapter 37: Foundation week part IIRue
"RUE! Comeback here! Ano ba? Rue! Naririnig mo ba ako, ha? Don't act like a brat again, Rue! Come here! Rue! Rue!" he shouted.
I rolled my eyes when Kuya Eziel followed me. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang hawak ang backpack sa kabilang kamay at ang isa ay nakahawak sa tagiliran ko (kung saan ako nasaksak). Nagpumilit akong ipakuha ang cast na nasa kaliwang braso ko. Ayokong mag mukhang baldado sa araw ng pagbabalik ko sa eskwelahan.
Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang ginagawa ko. Hindi ko siya pinansin at nagmistulang hangin siya sa harap ko.
Ano bang ikinapuputok ng butsi niya ngayon? Papasok naman ako at hindi maglalakwatsa, ah? I'm being a good student here. Duh!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makababa. Pumunta akong kitchen at dinampot ang tinapay at hotdog na nakahain. Binilisan ko ang pagnguya para agad na makaalis sa bahay. Mahirap na baka hindi na ako makaalis mg tuluyan dito dahil sa mokong kong kambal.
"Rue! Are you listening to me? Hindi ka puwedeng umalis! You're not yet totally healed for pete's sake. You heard the doctor, right? You need a total bed rest. Hindi ka p'wedeng umalis! Baka bumuka 'yang sugat mo. Rue!" litanya niya pero tuloy-tuloy lang ako at hindi siya tinapunan maski isang lingon.
Okay? Nakaiirita na. Parang babae kung dumada itong kuya ko. Shutangina naman. Sarap lagyan ng packing tape.
"Rue, ano ba? I will call mom and dad—" I cut him off. Doon na 'ko huminto at nilingon siya.
"Kuya, I'm great as hell! H'wag kang over acting d'yan, na 'kala mo may isang metrong saksak akong natamo!" singhal ko at napairap sa ere.
Makahabol at makadada ng bibig 'kala mo baldado na ako. Sarap ding sapakin ng sampung beses, e. 'Di joke lang, kahit ganiyan 'yang kuya ko, mahal ko pa rin 'yan 'no! Simula no'ng mabuo kami ay nagsama na kami sa iisang sinapupunan kaya ibibitin ko na lang 'yan patiwarik sa veranda namin.
"Aray! Eziel, ano ba? It hurts you know," reklamo ko habang sapo ang ulo.
Hello? Kagagaling ko lang sa hospital tapos ginaganito na ako? Sinamaan niya ako ng tingin pero binaliwala ko 'yon. Ha! Hindi na 'yan ngayon sa 'kin tatalab Kuya kaya manigas ka!
"Call me kuya! You, brat." Piningot niya ako kaya napasigaw ako ulit.
My gorgeous ear! Napahawak ako ro'n at humaba na ng tuluyan ang nguso ko habang nakatingin sa kanya. Sinamaan niya lang ako nang tingin at akmang kakaladkarin papasok sa bahay pero agad akong naupo para mapatigil siya.
"Ouch!" daing ko. I forgot na mayroo pala akong tahi. Kainis! Itong kuya ko kasi, e! Napahawak ako sa tagiliran ko dahil kumirot ito. Sa pagkakataong 'yon ay napatigil si kuya at tuluyang binitawan ang kamay kong hawak-hawak niya. Agad niya akong dinaluhan at nag-aalalang mga mata ang sumalubong sa akin.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko, Rue! Ba't ka ba kasi nagpumilit na lumabas sa hospital? Look what happened to you. Ano masakit ba? Bubuhatin na kita papunta sa kwarto mo," hindi magkandaugagang anito. Akma niya na akong bubuhatin pero pinigil ko.
"Kuya! Sobra ng ka-oa-han 'yang sa 'yo. You see? I'm alive and kicking. P'wede na nga ring maghamon ng rambol sa kanto. Stop it, kuya, nakaiirita 'yang ginagawa mo. Hindi bagay sa 'yo, okay? Okay lang ako. Okay na okay. I'm going to school today, so please can you let me?" Tumayo na ako at pinagpag ang uniform kong nadumihan.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Novela Juvenil(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...