District Meet 2

18 1 0
                                    

CHAPTER 7: DISTRICT MEET 2

Chase your dream by glydelantonio.


ATHENAS'S POV

Friday

Maaga akong gumising agad kaya naman ay tumayo ako at nag puntang cr upang maligo at mag sipilyo. Nang matapos ay lumabas akong cr at saka pinatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalyang nasa ulo ko lumapit ako sa vanity area ko at nagsuklay.  Matapos magsuklay ay naglagay ako ng lotion sa braso at legs, sunod ay naglagay ako ng cream sa mukha, naglagay na din ako ng liptint at konting cream blush sa cheeks ko. Nang matapos mag ayos ay kinuha ko na ang bag ko at saka nilagay ang mga mahahalagang gamit na dadalhin ko. Bago lumabas ng kwarto ay inopen ko ang phone ko at nag chat kay Kurt.

To: Love

Good morning love <3


Message Sent.


Nang makababa ako sa kusina ay nakita ko si mama at manang na nag aalmusal na.


"Morning" ani ko at saka naupo sa tabi ni manang

"Kumain ka na buti nalabhan ni manang yang jersey mo" tukoy niya sa suot ko na pinalaba niya kagabi kay manang dahil yun parin ang susuotin ko, nagsimula na akong kumain at wala ng nagsalita pa sa amin.

"Bukas ba ay may district meet kayo?" tanong ni mama ng matapos kaming kumain 

"Wala po sa monday na ule" sagot ko

"Ah sige ingat ka" ani ni mama saka ako tumayo at saka lumapit kay mama para humalik sa pisngi

"Bye ma, bye manang" nakangiting paalam ko at saka tinalikuran sila at lumabas 


*ting*


From: Love

Good morning love <3


To: Love

Paalis na ako love


From: Love

Ingat ka love. I love you <3


To: Love

Mag asikaso ka na. Ingat ka din later. I love you too <3


Agad ko namang nilagay ang phone ko sa bag ko at saka naglakad. Nang makalabas sa gate ng subdivision ay nakita ko na sila Payne at Scarlett sa may convenience store. Nang makatawid ako ay pumasok na ako at saka nginitian sila Payne.


"Morning" ani ko sa kanila

"Morning" sambit ni Scarlett at Payne

"Tara" sambit ko at saka sila tumayo at lumabas ng store 

Nag abang na kami ng tricycle at saka pumara si Payne, nang huminto ang tricycle ay pumasok na kami sa loob.

Nang makarating kami sa court ay naroon na ang iba naming kasama.

"Good morning, Sir" bati ni Payne ng makarating kami sa pwesto namin

"Good morning. Maya maya mag stretching na kayo" si Sir

"Ok po" sagot ni Payne


CHASE YOUR DREAMWhere stories live. Discover now