Number 0

5 0 0
                                    

"Kung makapagtapos na tayo ng pag-aaral at makapag-ipon someday, punta tayo agad ng Korea! Tapos, makikita ko na si D.O. kong mahal!" excited na sambit ko sa mga kaibigan ko.

"Edi mauubos agad 'yong ipon natin kung ganun Zera! Hindi sapat para manatili ako sa Korea na kasama si Chanyeol. Dapat naka-budget lahat." Okay, may point naman kahit papaano etong nerd na kaibigan naming si Amber.

"Duh, eh di kung mayaman na tayo, ganun. 'Di bale, mayaman na naman si Suho eh." Nangbara tapos kikiligin? Ano ba talaga Justine?

"Specific dapat. Saan ba, sa North? Basta si Sehun sa SoKor nakatira. Bahala kayo." At biglang tumawa ang palatawang si Xyraine.

"Okay lang kahit saan, basta kasama ko si Kai!" Basta talaga tungkol kay Kai, lakas maka-go nitong pinakabunso ng grupo namin na si Vivien.

"Basta ako, okay lang kung sa China. Taga-doon naman talaga si Luhan diba?" sambit ni Annette na kakatapos lang mag-selfie.

"Teka, bakit napuntang China? Hindi nagsabi sa akin si Lay na babalik na pala siya sa China?" Mukhang hindi nakinig sa usapan ang isang 'to. Saang planeta ka galing Julie?

"Ayan, palagi ka kasing nakatutok sa cellphone eh. Gamitin mo rin tenga mo minsan teh. Gayahin mo ko na malinis ang tenga. Kaya nga kaya kong makipagsabayan sa pagrap ni Tao," pangaral naman ni Julia sa kanyang kambal na tila para ring nag-rarap.

"Okay guys. Magkalinawan tayo. South Korea ang topic. Walang mapupunta sa China na usapan," seryosong pananalita ni Eloise. Mayamaya, biglang nagbago naman ang tono nito. "Well, unless kung may plano rin kayo. Doon din naman kami titira ni Kris in the near future." Akala ko ba seryosong usapan na. Eto talagang si Eloise nagiging drama queen kapag bias niya na pinag-uusapan.

"Ano ba kayo guys? Chill. Kung kailangan niyo pang magtravel papuntang SoKor o Tsina, ako hindi na. Papupuntahin ko lang si Baekhyun dito sa Pinas, ayos na. Kahit wala nang cherry blossoms, kahit puro lang puno ng niyog ang makikita ko, basta kasama ko siya. Sulit lahat mga bes." Wala kaming nagawa kundi humalakhak sa trip ni Jasmine. Ayun, nabatukan tuloy ng katabi niyang pinsan na si Cassandra.

"Tanga. Dapat, at least realistic noh. Dapat may plano ka bes. Katulad ko. Ene-ensayo ko na vocal chords ko dahil anytime, madidiscover na ako ng SM Entertainment. Edi makakasama ko na si Chen-oppa~" Napangiti ako sa ideya ni Cassandra. Hindi naman din maipagkakailang maganda ang boses niya.

Nagpatuloy ang usapan ng aming grupo. Kanya-kanya na kaming nagsibigayan ng suhestiyon kung paano makakapunta ng Korea. May seryoso, medyo idealistic, at puro kalokohan.

Natahimik na lang kaming lahat nang may tumikhim. Hindi man niya sinasadya, pero sakto lang para makakuha ng atensyon naming lahat.

"Oy, Suzette. Tahimik ka ata ngayon ah. Share naman ng plano mo in the near future kasama bias mo," nginitian ko ang pinakamatanda sa aming magbabarkada.

"Oo nga, kahit ano. Gusto mong sumabay sakin? Simple lang." Nagsalita na naman ang joker ng grupo na si Jasmine na siyang nagpatawa na naman sa aming lahat. Maliban nga lang kay Suzette. Sa labing-dalawa miyembro ng aming grupo, wala naman atang tahimik sa aming lahat.

"Wala lang. May iniisip lang akong iba," walang gana niyang sagot.

"Share mo na. Okay lang mag-out of topic minsan," concerned naman ang tono ni Cassandra.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Not to spoil your fun, really. Kung saka-sakali man na may matanggal na member sa EXO, ano ba ang mangyayari--"

Biglang akong nagising. Hindi ko namalayan na nasa territory na pala ng South Korea ang plane na sinasakyan namin. I'm on my way to South Korea-- my very own dream country, for a 2-month vacation. What I had earlier was just a memory from the past, years ago. Naalala ko na naman sila, ang mga dati kong kaibigan.

Kumusta na kaya sila? Ano kaya magiging reaksyon nila na nandito na ako sa SoKor? Sa Seoul?

Hindi ko mapigilang mapangiti. Pero ilang sandali lang, bigla naman itong napawi. Sa tuwing naalala ko ang sarili ko sa nakaraan, hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat na reaksyon ko. Dapat ba kong matawa dahil sa mga pinaggagawa naming kagagahan noon bilang mga die-hard-fangirls? O dapat ba kong malungkot sapagkat sa mga alaalang iyon ay may nakabuntot na sirang nakaraan?

For this two-month vacation, kailangan kong gawin lahat. Alam kong pwede pa ulit buuhin ang dati naming samahan. Gagawin ko ang lahat para lang mapansin ng EXO. Gagawin kong tulay ang EXO para sa mga kaibigan ko.

Pero tama nga ba talaga itong desisyong tatahakin ko? Paano naman ako magsisimula? Paano nga ba ako magpapansin sa dayuhang boy group na ito lalo na't in the first place hindi naman ako bihasang mag-Korean? Paano ko ba ma-aaproach si D.O. kong mahal kung masyadong marami rin naman ang karibal ko? Paano ko nga ba ma-aaproach ang EXO kung milyon-milyong kapwa fans din naman ang kaagaw ko?

Ang dami kong tanong bakit hindi ko 'yun inisip before magtravel? Bahala na nga si Batman!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Number Zero Fan (EXO Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon